Tuesday, June 8, 2010

Bangungot


Kagabe, habang katext ko ang someone special ay nakafeel ako ng antok kaya ayun, nagdecide na akong mag goodnight sa katext at nakapwesto na rin ako sa higaan namin nila papa at mama. Sa sala lang kami natutulog. Napakainet aksi sa kwarto. Gustuhin ko man na matulog sa kwarto eh hindi naman ako makakatulog dun kasi nagmistulang bodega na rin yung nagiisa naming kwarto.

Nakapikit na ako noon, tapos siyempre bago matulog nagpray muna ako pero di ko napansin sa sobrang antok at pagod sa first day ng klase eh nakatulog ako sa kalagitanaan ng pagdarasal. Tantiya ko eh mga 11 pm na noon. Kampante naman akong matulog ng ganoong kalate dahil wala kaming pasok ngayon so okay lang babaran to the max sa kama.

Siguro kalagitnaan na ng tulog ko nung parang nakafeel nanaman ako na binabangungot ako. I was always like that. Binabangungot nga ako kasi ang weird ng feeling. Super nakakatakot yung mga nakikita ko sa panaginip ko and I can't scream. I can't call for their attention. Ang masaklap pa feeling ko lumulutang na ako at nakita ko na parang humihiwalay na ako sa katawan ko pero nagstrive akong bumalik. Buti na lang nakabalik ako.

I called for the attention of my dad. Sabe ko tulungan mo ko pa binabangungot ako, pero may parang nakatakip sa mata ko na ewan at hindi ko nakikita yung kausap ko tapos ayun pagkatingin ko sa ceiling namin may something na babae na mahaba ang buhok na nandun. Sobrang natakot ako. Akala ko gising na ako noon pero part pala yun ng dream ko.

Nagising na ako in reality. Sobrang takot na takot ako. Hinug ko si papa sa tabi ko, sabi ko papa binabangungot ako. Sabe ko pa gising na ba talaga ako? Litong lito din ako nun, pero tama, gising na nga ako kasi kinurot ko yung sarili ko at nasaktan ako pero nung una kong kurot sa dream ko walang feeling. Buhay pa nga ako. Hay salamat. Akala ko ma dedeads na ako nun. Super natakot ako at nagpray ako again.

Kaya naman pala sigurop ako binangungot kasi nagtampo si Papa GOD kasi tinulugan ko siya plus yung mga rituals ko bago matulog eh hindi ko nagawa tulad ng paglalagay ng isang boteng tubig sa ulohan ko bago matulog. Pangontra daw yun sa bangungot. Gabi-gabi ako naglalagay nun kasi lage nga ako nababangungot.

Hay naisip ko, andami ko pang pangarap. Wag muna ngayon Papa God. Need ko pa makatapos ng pagaaral, magkapamilya at kailangan ko pang makaexperience ng TRUE LOVE. haha. Paano na din ang mga bagay na importante sakin pagnagkataon. (wag naman sana. knock on wood)

So ayun, tip ko lang magpray kayo lage. Hay nakakalito. Gising na ba ako o nananaginip lang ako na nagbloblog ako? Sana reality na ito. ARAY! kinurot ko pa sarili ko. totoo na nga ito.

Super wierd dream. Sa panaginip, ang panaginip ko ay nananaginip din. Triple dreaming ang bangungot ko ngayon.

24 comments:

Jag said...

Weird nga. Naku pare inom k ng isang basong tubig bago ka matulog...nakakatulong iyon sa magandang pagtulog...

Renz said...

@jag salamat sa tip. matry nga mamaya :]

kikilabotz said...

hahaha. nako pare huwag kang maxado matakot sa bangungot.. hehe. lalo mo iniisip na babangungutin ka lalong magkakachance na pwede kang mgkaroon ng nightmare..mahalaga nagdasal ka..

2ngaw said...

tama si jag, isang basong tubig lang katapat nyan

Sendo said...

tama..pray ...tsaka mag exercise ka rin bago matulog hehe

pusangkalye said...

siguro hyper-active ka during daytime kaya ka binangongot. hehe.....pero ang cute naman, natutulog kayo sabay sabay at tabi-tabi sa sala. namiss ko kabataan ko.....

Nash said...

please visit my NEW BLOGAVENTURE at http://ilovenashyboy.blogspot.com/2010/06/wait-is-over.html see you there! ;) cheeryo!

goyo said...

bwahaha. Bangungot nga yan! nangyari na din saken yan, minsan ikukwento ko din kung pano ako binangungot. same feeling, yung parang nakalutang na at kita na ang katawan. wiw. ganyan na ganyan din ako dati.. syet! kala ko made-deads na ako noon.

BatangGala said...

oh my! minsan na rin akong binangungot, basta pray lang, at wag mo ng tutulugan si papa God. matulog ka rin ng nakatagilid para mas madali kang magising... ingat! :)

master said...

mahilig ka siguro manood ng mga horror movies

PABLONG PABLING said...

minsan e maganda talagang pampatulog ang pagdarasal. . .

napanaginipan ko na ring dating nananaginip din ako

Nice Salcedo said...

woah! grabe yung bangungot! hmm..i haven't experienced that yet, but oh, if i do, matatakot tlga ako! haha.. :)) yep, magdadasal na ako lagi bago matulog para hindi ako ma bangungot.. :D thanks!

Renz said...

@kikilabotz thanks for the info :] cge itrytry ko magdaydream ng iba bago matulog :] haha LOL

@LordCM proven effective nga.. na try ko na kagabe, mamaya din :]

@sendo baka naman pag nag exercise ako eh lalo akong di makatulog?

@pusang kalye siguro nga hyper ako sa umaga lalo na pagmay pasok. Opo tabi-tabi kami matulog kahit malaki na kami, ayun masaya naman. Ito din siguro ang mamimiss ko pag may pamilya na ako :]

@nash, napasegwey? ok cge.

@goyo oh? talaga? haha ang galing naman may katulad ako. nakakatakot siya nuh?

@batanggala siyempre naman..prayer works, saka thanks sa patagilid effect pa :]

@master hindi naman po. Nangyari lang talaga yung bangungot na yun ng di ineexpect

@pablong pabling, pero parang nakakatampo yun sa part ni God, kinakausap mo tapos makakatulog ka. Ang weird ng ganung feeling nuh, dreaming while dreaming

@nice good. wag mo na pangaraping maexperience. Scary talaga :]

Pinoy Adventurista said...

wahahaha!!! parang kagabi lang binangungot din ako, twice pa... hahaha!!!

Benh said...

madalas din akong ganyan.. tama sila, 1 glass of water lang katapat nian before sleeping. Ganun na ginagawa ko ngaun.. hehe!

darklady said...

ay naku grabe talaga katakot pag nabangungot.hayz...ingat!!

Sendo said...

inde naman...kung ung exercise na todo bigay sobrang makakatulog ka nun kasi sobrang mapapagod ka haha

ung exercise na tinutukoy ko eh ung breathe in breathe out lang hahahahaha...inhale, exhale haha..

tsaka kunting stretching..trust me, nakakatulong yan makondisyon pagtulog mo. mapapanaginipan mo pa si bella kung lalaki ka at si shrek kung babae ka hahaha lol...pero oo...effective tip ko yan sayo hehe

Unni-gl4ze^_^ said...

waaahhh natry ko na yan i was calling for help pero alang nakakarinig sakin..
one glass of water and pray ka bago matulog yun ang mga best way para di ka magkanightmare,,isa pa baka naman kasi dami mong iniisip bago matulog kaya ayun,,,

Renz said...

@mervin gawin mo na lang yung mga payo nila para wag maulit :]

@behn yap..ialng araw ko na nga ginagawa and prooven effective talaga :]

@darlady super natakot nga ako eh :] salamat. ingat ka din

@sendo wow..ang daming alam na tips..sige try ko yan mamayang gabi at si bella? haha she's always o my heart naman..chos :]

@c4m1982 siguro nga po bagabag kasi ako ng mga panahong iyan ehh.. kaya ayun ginagawa ko na po yun tip niyo.. salamat

Regine S. said...

_mag ingat ka sa bangungot baka magka totoo .yan!!!hahaha......

Regine S. said...

_mag ingat ka sa bangungot baka magka totoo yan!!!hahaha....

Renz said...

@regine sana naman wag.. I know prayer works

Unknown said...

Ako binabangungot pag masarap tulog ko minsan pinipilit ko magising pero nagiging double or triple ang ng yayari yung dilat na yung isa mata ko nakita ko na paligid ko at akala ko gising na ako pero hindi papala. Malalapa sa akin pero ginagawa ko binabliwala ko lang pag binabaliwala ko tapos hindi ako nag dadasal madalas mang yari yung bangungot kaya ang hirap talaga ng ganun. Kaya naisip ko na mag pray

Unknown said...

Nangyari sa akin yan nabangungot ako na pinagsasaksak ako tapos nagising ako ang daming bumubulong sa akin ng kung ano ano na parang pinagsasabihan ako tapos ako namn panay opo sabay sabi thanks god ayun pinilit ko mawala sa isip ko hanggang natulog ako ulit