-Louie Renz Sucaldito
Ang mga lihim na tambayan sa Sols (lihim nga ba?)
Ay sorry sorry, mga KUTA pala ng salettinians
Alam moh ba kung saan?
Spot #5
Canteen
Bakit nga ba dito nagkukuta ang mga Salettinian?
Siguro nga dahil convenient place to para gumawa ng assignments, kumaen ng lunch, magpahinga, mag laro, mag chismisan, ano pa ba?
Madaming pagkain, easy access to the food ika nga
Mahal natin ang canteen dahil sa mga lamesa, yan ang katotohanan.
Kailangan natin ng patungan, tulugan, sandalan, at punasan ng kung anu-ano
Oo punasan. Yan ang nakakadiring katotohanan.
Ang Canteen din ang tambayan ng matatakaw, nagmamatakaw, feeling matakaw, at patay gutom :D
Spot #4
Waiting Shed
Kung meron ngang lugar na paborito ng mga inaaping studyante, waiting shed na yun
Lalo na kapag lunch
Kilabot naman ito ng mga mahilig mangasar
Dito sa Waiting Shed matatagpuan ang kilabot ng studyanteng madaming atraso-- ang mga magulang.
Nakakatakot ang mga striktong nanay, terror, nagfefeeling terror, naguumastang mayaman at iba pa!
Bakit nga ba nauso ang pagkain sa waiting shed?
Bakit may mga nagtatago pag lunch?
Buti na lang may waiting shed
Para sa mga maasikasong mommies, sumbungerong mga bata, lugar kainan, silungan sa init, hide out para unti-unting makatakas kay manong, at lugar ng chismisan, powder area, lambingan area, reunion area, birthday area, debate area!
Anu pa bang area?
Spot #3
Classroom
“Bakit ka pa lalabas kung pwede ka naman tumambay sa loob?”
Yan ang katwiran ng mga binansagang nerd, geek, matalino, feeling matalino at sipsip! (mga feeling kaibigan ng matatalino para makakopya sa quiz)
Sila ang mga tambay na hindi na kailangang lumabas ng room para makapag enjoy
Sapat na ang upuan, at libro upang magpalipas oras.
Pero sa tingin niyo ba ay hindi kayo magkakaroon ng DECUBITIS ULCER or BED SORES sa kakaupo lang? Think about it!
Pero no doubt. Enjoy sa classroom lalo na pag kasama mo c Mr/Ms Crush!
Spot #2
Playground Ft. Likod ng HS boys Cr
Ano ba ang meron sa likod ng Cr at lagging hindi nawawalan ng tambay doon?
Mabango nab a dahil sa spray ng Kanlungan? O sadyang nasanay na lang ang mga tao?
Masarap tumambay sa playground.
Iba’t-ibang klase ng studyante ang makikita mo dito.
Mga Sporty, Feeling sporty, pampam, music lover, chismoso at chismosa, maarte, siga, ano pa ba?
Sa playground din makikita ang mga athletes
Sila yung mga taong panalo sa stunts, kung madapa, magpagulong-gulong, matisod at madulas ay award winning.
Pero panalo pa rin ang mga taong malapit ng mangamoy CR
Saludo ako sa inyo mga ate at kuya!
Spot #1
Kiosk
Isang maliit na pilit pinapalaking kubo na matatagpuan nakahiwalay sa sibilisasyon.
Bakit nga ba masarap tumambay dito?
Siguro point na din ang pagiging isolated nito.
Mas madali magopen up, mag chismisan, at mag kwento ng kayo-kayo lang ang makakarinig.
Ang Kiosk ang labasan ng inis, kainan pag lunch, silungan pag umuulan, tulugan habang may hinihintay ka, gawaan ng project, lugar para sa magirog, at palaruan!
Mahal na mahal naming yang kubo
Dahil napakadami ng mga nangyari jan
Pag-aaway, tampuhan, burautan, bunyagan ng sikreto, open forum, lambingan, nabuong pag-ibig, nabuong sama ng loob, nawalang gamit, dinikit na bubble gum
Panalo talaga yung kiosk!
Kahit saan mo man trip tumambay, basta kasama ang tropa, hindi mapapantayan ang saya
Kahit na emo, siga, rocker, panget, maganda, gwapo, conyo ka, There’s always a place for you on Earth!
0 comments:
Post a Comment