hay.
d nanaman ako nakapag-update nitong blog for two days
naging busy kasi ako
weekend na.
hay ang sarap magpahinga. Namiss ko ang ganitong buhay, pindot sa pc, kain dito, pindot sa cp.
Sana puro ganito nlng
mamamatay na ksi ako ng d oras sa sobrang kapaguran.
bakit nga ba ako napagod ng ganito?
Ganito kc yon
Wednesday:
Na shock ako dahil pasahan na daw ng tnewsletter kinabukasan
and sad to say, hindi pa namin na layout lahat ng articles
what do you expect?
Lumabas nanaman ang kamartiran.
Bukod pa sa computer na yan ay may paper mache pa sa mapeh, speech choir sa English, recycled paper sa Chem, Presentation sa History at ang makabayan.
As usual, involve ako sa lahat ng iyan.
Martyr talaga ako. sobrang martyr
Back to computer newsletter
umuwi kami ng maaga para makagawa sa bahay nila Wilma
Naglakad ako papunta kila Dayan Ft. My Audition Shirt
5:38 dumating ako kila Dayan, at sa aking katangahan, naiwan ko ang aking usb
syete ocho nuebe!
nandoon pa naman yung files.
Xempre binalikan ko yung usb- kawawa yung t-shirt ko napawisan na
at sad to say, wala sa lalagyan
baka nadala ni ate, kaya tumakbo ako sa bahay ng pinsan ko para humiram ng usb, pero walang tao.
Taeng yan. Napilitan tuloy akong humiram sa kapit-bahay, in return, gagamit cya ng pc for her project.
Dumating ulit ako kila Dayan ng mga 6. Grabe! 22 minutes akong nagbabalik-balik sa street ng harmony
Pagdating namin kila Willma, Agad ko trinansfer yung mga files galing sausb ng kapit-bahay naman sa pc na gagamitin namin kasi uuwi ako para maisauli yung usb. kailangan nya kc yon.
at bumalik ako kila willmna ma 6:30 na.! Sobrang dilim sa shortcut. Puro talahib pa naman at damo. Nakakatakot dumaan magisa dahil naglalakad lang ako, buti nakasurvive ako!
Tenenenen!
Badtrip!
Corrupt pala yung mga files na trinansfer ko mula sa usb ng kapit-bahay namin kaya umuwi pa c yan-yan para kunin yung file sa usb
Gabi na wala pa kami nasisimulan!
tiktak-tiktak
8:30 na, at mejo kalahati pa lang kmi. Kailangan na ni Leizel umuwi, wala siya kasama kaya ako at c Dayan ay nakpagsapalaran sa madilim na kalsada ng Melody para ihatid c Leizel
Napaparanoid na c yan-yan. Sobrang dilim kasi
And we survived. Nakabalik kami kila Imah with a smile :)
Multi-tasking. Yan nlng ginawa ko. Dahil incharge ako sa designs at lay outing files pa lang kami, ginawa ko muna yung assignment sa Englsh.
Grabe ang bilis ng oras halos 10 na d pa kami nakakapgdesign. Kape kape tayo! para mawala antok.
Umuwi kami at napagkasunduan na tatapusin ko ang project at ipapasa nalang kay Willma
naghintay siya pero d talaga abot! Nagdesisyon nlng kme na ituloy ng madaling araw at magpalate na lang para matapos.
1 na noon nung nakatulog ako kasi tinapos ko pa yung report namin sa History. Grabe sobrang pagod ako at kailangan pang gumising ng maaga!
0 comments:
Post a Comment