Thursday:
Kring Kring! Nagalarm na ang cp ko. Si Papa ata o si Ate ang nagpatay at nakakatawa dahil hindi umepekto yung alarm sa akin. Ginising nlng ako ng 4:30. Syet! 3 and 1/2 hours lang ako nagpahinga mula sa nakakapagod na kahapon! Pero no choice. It's just a matter of reklamo at hindi paggawa= no grade o kamartiran= grade. Hindi naman sa muka kaming grades. Mahalaga kasi to
5:30 ako nakarating kila Willma, at gumawa agad kami. Wah! Natapunan ako ng juice na iniinom ni Imah pero okay lang yon. Gumawa ako habang si Imah ay nagaalmusal, naligo at nagbihis. Pinilit naming umabot sa flag ceremony, pero hindi na talaga kaya. Natapos ang project pero hindi naman natapos i-print dahil nagloko ang cartride ng printer. Badtrip kami. Pumasok na lang kami ni Imah na bigo!
Tenen. Almost 8 na nung nakarating kami sa school. Super late na at lahat may klase na. Dumeretso kami sa gate as if hindi kami late pero pinapunta kami kay sir Garces sa Covered Court.
Nakakatawa! Nag flag ceremony kami ni Imah. Ako ang nag beat at siya ang kumanta. Parang ewan! Hindi pa dyan natatapos. Kumuha pa kami ng admission slip. Mga 8:10 na kami nakapasok.
Namiss ko ang History subject namin. huhu. paano yung reporting?
Busy naman ako ngayong araw sa pag-gawa ng paper mache namin para sa project sa mapeh. wew. Puro Dyaryong lamas hawak ko maghapon. Buti na lang at nakahabol kami sa checking. Maganda naman mga yon.
Flute lessons din pala naman nung araw na yon! G na G nanaman c Rose. Wala kasi si Jess Viray eh. SURPRISE! Practical Exams pala namin ngayon. Pumili siya ng tutugtog at fortunately isa ako. Gusto ko naman kasi. Waa. Kabado ako nanginginig pati paa at kamay ko! Pero sabi nila magaling naman ako :P
Uwian na. Paper Mache parin para sa MAKABAYAN. Pero tinawag ako para sumali sa Nutri-Jingle namin. Prctice naman ang inatupag ko.
Nung hapon na yon, pumunta kmi kila Marx para gumawa ng something badly needed (d ko na mention kasi bawal eh). Para naman to sa future eh at tulad ng dati gabi na ako nakauwi, mga 9 at gumawa pa ako ng project namin sa Filipino in case hingin ni sir JM sa Friday. Gabi nanaman ako natulog, mga 12. Umaga nanaman yon! hay pagod!
0 comments:
Post a Comment