Friday, July 2, 2010

Nadapa ako

"Ako nga pala si Louie Renz A. Sucaldito, mula sa IV- St. Luke, TUMATAKBO bilang secretary on board under SMILE party....."

TUMATAKBO. Bakit nga ba ito ang term na ginagamit pag eleksyon? Namulat na lang ako sa ganitong sistema ng pangangandidato, simula't sapul noong nagsimula akong kumandidato para sa school student body org namin nung grade 4 ako.

Kung tumatakbo ang term, siguro akma namang gamitin ang NADAPA diba? Obviously, NADAPA ako sa eleksiyon ngayon kung kaya ay naungusan ako ng mga katunggali. Masakit din pala ang madapa nuh? Pero dapat lang naman na minsan sa buhay mo ay madapa ka naman ng matuto ka huminto sandali at tumingin sa paligid mo kung anu na ang nangyayari.

Hindi ito ang unang beses kong pagkatalo sa eleksyon sa school namin. Eto ang PANGATLO. Pero ito ang unang beses na natalo ako sa pagtakbo sa high school. Kadalasan ay noong elementarya pa ako.

Iba't iba ang basehan ng mga estudyante sa pagboto, at sa tingin ko, may mas makagagawa pa ng mas mahusay sa kaya kong gawin kaya sila ang nanalo. Mas ok silang leader.

"Louie.,...Louie... I'm so sad. :( I want you in my group. I can't do it without you..." Sobrang na touch ako sa sinabi ng presidente ng partido namin nung inapproach niya ako matapos maproklama ang mga nanalo. nasabi ko na lang "It's ok. Try working with a new set of friends. I'm ok. Don't worry"

Natotouch din ako sa mga taong nagaapproach sakin at nagsasabi na sayang kuya binoto pa naman kita. Ang daming tao din ang lumapit sakin. Sa tingin ko with that, panalo na din naman ako. Nakaalis ng sama ng loob honestly yung mga taong yun. Nakapagbigay ng ngiti sa mga labi ko, at nagpalakas ng loob ko.

Positively, ok lang naman kasi officer naman ako ng desired club ko-- computer club. Saka bawas stress din kasi walang masyadong iisipin sa KANLUNGAN.

Hindi man ako officer may magagawa pa rin ako--at lahat tayong mga salettinians. Sa mga calssmates/ schoolmates na makakabasa neto..salamat sa tiwala niyo.

9 comments:

Anonymous said...

ou T__T sayang eh muka kaming mga naluging bading kanina..nung inanawns na hindi ka kasama sa secretaries umemote kaming mga fans mo hehe pero tama lahat tayo ay may magagawa :D smile pdn kahit papano OMG! :))

Arvin U. de la Peña said...

better luck next time..

goyo said...

tama lahat ng sinabi mo bro. kailangan sa buhay yun ang pagkabigo minsan. Balang araw, magagamit mo experience na to para lalong tumibay. At tama ka din na may magagawa ka pa kahit wala ka sa pwesto. Sana sa pinas, ganyan din mag-isip ang mga talong kandidato..

BatangGala said...

oks lang yan renz, ramdam kita! been there for a couple of times. talagang ganyan e, may nanalo at may natatalo. natalo ka man, marami ka pa ring magagawa para sa skul mo. at least you tried. at marami pa ring susuporta sayo. :)

RED said...

sabi nga ng matatanda noon pag ako e nadapa:
"tumayo ka! yung kabila naman!"

NoBenta said...

ok lang yan parekoy. darating din ang time mo para dyan. try lang ng try. kawalan ka nila...yan nalang ang isipin mo. tska pwede ka naman tumulong kahit na hindi ka nanalo.

at para medyo maramdaman mo naman ang sympathy ko, papabasa ko sa'yo ang experience ko sa pagkatalo ko sa SK Elections: Pindot na dito

bad_mj97 said...

talagang ganyanading renz..kahit ako nung highschool a ako madalas akong matalo sa eleksyon sa skul...better luck next time...

kikilabotz said...

ok lng yun pards..madami png pagkakataon..hehe. suportahan m n lng sila..hehe.

Sasarai said...

Huwaaaaaaaaaaw! Buti pa ikaw, may lakas ng loob sumama sa politics. One time, inalok din ako ng department namin after realizing that included pala ako sa mga highest ranking students ng school during our Qualifying Exams.. but I refused it kasi masyado nang pressured ang engineering, sasamahan ko pa ng politics. Hahah! Bilib ako sayo! :)