Ayoko pa sana magblog tungkol dito eh, pero dahil nga udyok ng text ng isa kong classmate eh nainspired naman ako mapost. Eto yung sabe sa text:
A Student lifeAng pinakamahirap at pinaka maimpluwensiyang tanong:"oi, papasok ka?"Ang mapanuksong sagot:"ikaw ba?"Nakakapressure na sagot:"ewan ko nga eh"The best na sagot:"kapag hindi ka pumasok, hindi na rin ako papasok"WHICH WILL RESULT TO"Tara, wag na tayo pumasok!"At ang mapagkunsinteng pangyayari:"Buti na lang hindi tayo pumasok. Wala naman daw ginawa eh"---mamimiss ko ang mga tanong na to
Nagsimulang umikli ang panahon ko sa sols noong mag fourth year ako. Noong pasukan eh hindi ko pa nga feel na fourth year na ako. Mantakin mo, pasukan na bukas ay hindi pa nakaayos ang gamit ko. Feeling ko kasi sobrang bitin ang bakasyon at sobrang hooked pa ako sa 3rd year class ko. Pero wala naman akong nagawa, sa ayaw ko at gusto, 4th year na ako. Mas ok na to kesa bumalik pa ako ng 3rd year. dyahe yun.
Ngayong taon, naganap ang isang pinakamalaking twist sa buhay estudaynte namin. Nagkaroom kasi ng shuffling ng mga sections. Meaning to say, mashed up na ang section namin sa kabila. Noong una, nakakalungkot kasi hindi na kami yung dating Tres de San Juan na magkakasama. Parang nagkaroon pati ng malaking pader sa pagitan naming dating magkakaklase na ngayon ay hiwa-hiwalay na. Pero sa una lang yun.
Naaalala ko pa nga yung first day of classes namin eh. Sobrang tahimik sa classroom. Feeling ko walang tao eh. Nakakatakot din kasi ang adviser namin. Yung prefect of discipline ba naman eh. Pero noong mga sumunod na months ay napalagay na din kami sa isa't-isa. Naging malapit na rin kami. Ang maganda pa doon, naging saksi kami sa pag-angat ng aming classmates na dati ay nahuhuli sa klase.
Ang dami naming mga napagsamahan. Ilang araw din na gabi na kami umuuwi dahil sa kung ano-anong group projects ang ginagawa. Ilang servings na din ng lugaw ang napagsaluhan namin. Madami-dami na ding bananacue ang naubos namin. Madami na ding kabag ang inabot namin sa halos buong araw na pagtawa.
Ang ikinatutuwa ko ngayon ay yung lumawak ang mundo namin. Hindi na lang kami limitado sa mga dati naming kaibigan. Naging close din kami sa kabatch namin. Akalain mo, yung dating hindi mo makausap dahil feeling mo hindi ka niya kakausapin, ngayon eh nahahampas hampas mo na lang. Yun nga siguro ang naidulot ng merge. Maganda, masaya dahil madami!
Nakakalungkot ngayon, dahil patapos na ang 10 months. 10 school days na lang ang natitira. Ang nakakalungkot lang doon ay mabilis lang ang 10 days. Ilang tulog lang yun kung iisipin diba?
Pero sabi nga ng adviser namin, ang graduation ay hindi iniiyakan. Dapat wala sa inyo ang iiyak. Tingin ko, sinasabi lang ni sir to para hindi kami gaano malungkot. Imagine, 12 years ako nag-aral sa school na yun. karamihan sa kanila since elementary ko pa classmates tapos next year hiwa-hiwalay na?
Oo, magkakalapit lang kami ng bahay pero hindi naman ibig sabihin noon na lagi pa rin kaming magkakakitaan. Tulad ko, sa laguna na ako titira for UP, tapos yung iba din, mapapalayo na. Masasabi ko lang, sobrang salamat sa lahat lahat. Di ko alam kung paano ako magpapasalamat pero salamat talaga. Sa inyong lahat, sa 64 na naging classmates ko, at sa lahat ng teachers ko, sa lahat ng schoolmates and friends. Thank You for beeing part of my life.
Sa mga next batches, goodluck
to the SILVER JUBILAREAN BATCH AKA PILAK BATCH of 2011, swerte natin, graduate tayo ng 25th anniversary ng school. Good luck sa atin lahat, mapa UP, UST, Ateneo, UE, Mapua, PATTS, Fatima, CEU o kahit anong school man kayo pupunta, GOOD LUCK!
**cancel ko na yung video upload. ang tagal tagal :]
link ko na lang once ma-upload sa youtube
5 comments:
ganyan din ako nung nag aaral pa ako..sarap balik balikan..when i was in school, i cant wait to graduate and be independent, have a work..but now that i have my own work, i really miss school and wanted to go back in my school days..so enjoy lang! congrats and goodluck!
The best na sagot:
"kapag hindi ka pumasok, hindi na rin ako papasok"
hehe... ^_^ madalas eto sagot ko ai hehe
Na-miss ko tuloy pumasok! :D
hahaha... na miss ko tuloy high school days ko.. wahehe
naman nostalgia much me..a few days ago i was out with my high school classmates at panay kami kwentuhan...nag reminisce kami sa high school days...grabe noh...lalo na yung mga naging classmates mo since elementary pa diba ..anyway congratulations sa iyo ha!! YEHEEE...basta..masaya ang college at mas marami kang makikilala, but never forget to reconnect and keep in touch with your HS friends...the people you grew up with...kasi iba pa rin yun ^^ congrats uli!
Post a Comment