Saturday, August 27, 2011

Long Weekend Rocks!

Umaga na naman. Ang sarap matulog dahil sa lamig ng hanging dala ng pagsusungit ng panahon.Pero may isang pwersa na pumilit sa akin na gumising. Ito ay ang simoy ng isang masarap na LONG WEEKEND!


Haha. makaintro wagas!


Ang saya saya noh. Ang haba ng weekend. Noong ngang bago itong long weekend eh nagtataka pa ako kung paano siya naging long weekend. Pero kahit ganoon pa man, naexcite pa rin ako dahil pagkakataon na ito para makapagrelax.


Relax? Teka paano?
Ah eto pala yung relax. (Sorry kung madilim yung picture. Dilim dito sa sala ehh)




Picture ko yan with my reading materials sa History 1 subject ko. Super long exam ko kasi sa wednesday. Hindi pa kami nakapag long exam ever sa subject na yun kaya tiyak mahaba siya at hindi nakapagtataka na ang kapal ng reading materials na nagdudulot sa akin ng stress. Ahuhu. Iyan tuloy ang pagkakaabalahan ko this weekend. medyo nakakatamad.


Pero bilang isang estudyante na pinag-aaral ng sambayanang Pilipino, kailangan kong magreview para naman sulit ang buwis na ibinabayad ninyo. Sana din tama ang buwis na ibinabayad dahil malaking motivation yan sa amin. You know, medyo may presyo na din dito. Anyways, sobrang out of topic na ako.


Gusto ko lang kayo batiin ng happy long weekend! Isa pa, gusto ko din kayo batiin ng happy National Heroes Day! Sa mga OFW na tinagurian na bilang mga bagong bayani, saludo po ako sa inyo! Sa lahat, nawa ay magsilbi tayong bayani sa bawat isa. Para naman sa ating mga kapatid na muslim, Maligayang pagtatapos ng Ramadan. 


Yun. So tara relax relax :)))

Related Posts:

  • First day ng school :]Kringggg..yahoo tumunog na ang alarm clock ko na sinet ko para sa aking dad na katabi ko lang matulog kasi siya ang magluluto ng aming almusal at babaunin for this day. Hindi naman ako excited nun ha? medyo gising na ang diwa… Read More
  • My senior year about to startBonjour! Je m'appelle Renz. comment tu t'appelles?je suis très heureux de faire votre connaissanceUh lala. Hindi po kayo naliligaw at hindi rin naman mali angh title ng post na ito. Sobrang naexcite lang ako lalo pumasok dahi… Read More
  • Ang adviser ko :]Siya po si Ginoong Arnold V. Garces, and kinatatakutan ng mga high school students lalo na kung madami kang atraso, dahil siya ang prefect of discipline ng school. Siya ang adviser ko ngayong fourth year ako.Way back my junio… Read More
  • PlansNoong summer uber plano ako para sa anniversarry ng blog ko, as in yung tipong 2 months pa lang eh vinivisualize ko na yung mga bagay na yoon, mga awards na ibibigay at kung anu-ano pang extra efforts pero ewan ko lang ngayon… Read More
  • Superstar!Pakisampal nga ako. Hehe. Feeling ko kasi artista na ako, hindi man dahil sa looks or talents pero dinaig ko pa ang artista sa kabusyhan, even though di naman ako napupuyat sa taping and mall tours ko. Asa naman :]So Hindi ak… Read More

2 comments:

shirt.quote.toh said...

Mahusay kang sumulat. Marapat lamang na ihayag ang natatangi mong blog. Kung pano dumalaw ka sa tambayan ko! kitakits.

Anonymous said...

hahaha matagal ka din atang namahinga chong :)