Saturday, September 25, 2010

Ayoko na mag-aral.

Gigising ng umaga, kakaen, maliligo, magbibihis, maglalakad papuntang sakayan ng tricycle, papasok, buong araw mag-aaral, laro saglit, uuwi, kakaen, magppc, matutulog at sa uulitin nanaman.

Nakakapagod nuh? Pasok ka ng pasok at ganun din ang routine na ginagawa mo, wala namang sweldo maliban sa baon na pilitan pa ang paghinge ng increase. Exam n
g exam. Buwan buwan na lang. Basa ng basa, gawa ng gawa ng projects, recite ng recite.

Ganyan ang outlook ko dati sa pag-aaral.

Hindi ba mas masarap yung nakahiga ka lang sa bahay ninyo at nanonood ng tv habang hawak ang cellphone at nagtetext sabay kain ng chichiria?

Hindi ba mas masarap tumambay na lang sa kanto, nonstop kwentuhan sa tropa, laro dito laro doon?

Hindi ba mas masarap mag palamig sa mall, sabay tambay sa timezone or tom's world o kaya ay mag window shopping?

Oo. Masarap nga ang ganitong buhay. Pero sa una lang ito masarap. Ika nga eh pansamantalang kaligayahan.

Nakakakonsensiya sa tuwing may naririnig akong out of school children na gustong-gusto mag-aral tapos ako, nag-aaral na nga eh nagrereklamo pa.

Sinampal ako ng aking kahihiyan nung makita ko itong pics na ito ito: (hindi ito yung actual na nakita ko dati pero somehow ganito din yung itsura)


Naisip ko, mas masarap pala ang nag-aaral ngayon, kasi bukas maayos ang buhay ko.

Mas masarap pala ang nag-aaral ngayon, kasi may mapaghuhugutan ako ng lakas sa mga susunod na araw.

Maswerte tayo, nag-aaral tayo. Eh sila? Pinipilit lang nila na makapag-aral.

Sabi nga ni Warren G. Bennis

Excellence is a better teacher than mediocrity. The lessons of the ordinary are everywhere. Truly profound and original insights are to be found only in studying the exemplary.

So ngayon, bigyan nyo ako ng chance sabihin na, GUSTONG GUSTO ko mag-aral :]

Related Posts:

  • Nadapa ako"Ako nga pala si Louie Renz A. Sucaldito, mula sa IV- St. Luke, TUMATAKBO bilang secretary on board under SMILE party....."TUMATAKBO. Bakit nga ba ito ang term na ginagamit pag eleksyon? Namulat na lang ako sa ganitong sistem… Read More
  • Move on. Fourth Years na tayo...*This post is dedicated to my dear SILVER JUBILARIAN 2011 BATCHMATESSobrang malaking pagbabago ang naganap ngayong taon na to. Yung dating two sections natin from 1st-3rd year eh narambol rambol. Nagkahiwalay na yung mga dati… Read More
  • TGIF -- Thank God It's Friday-- A Blogging FridayHay salamat. Friday nanaman at ngayong weekend na ito ay hindi na ako busy! Yahoo. Kongrasyulesyons. I won wan melyon kass! :)) Ilang linggo na din kasi akong may pasok ng sunday to saturday eh. Nakakamiss kaya ang magbabad s… Read More
  • Bloggerong Politiko :Unang araw ng Hulyo, eto na rin ang araw ng botohan para sa KANLUNGAN Student Body Organization ng school namin. Isang normal na araw para sa karamihan. Araw naman ng kaba para sa akin. Eto na ang araw na judgement kung talag… Read More
  • Point of Information Mr/Ms Speaker...Napa OMG talaga ako dahil sa debate na yan (ayy OMG ibang party pala yon), I mean napaSMILE na lang ako ng matapos ang debate namin kanina sa harap ng madlang sangkatauhan ng eskwelahan namin. Nagkaharap na kasi kanina yung 2… Read More

4 comments:

DeejSpeaks said...

Masarap mag-aral Renz. I felt the same dilemma. Parang repetitive ang school life ko last sem.

Ngayon, I tried everything to renew myself like tumakbo ako sa Student org and nanalo as PRO, naging Assoc Editor in Chief ng school organ at madami pang iba.

Ngayon excited ako lagi pumasok kasi lagi ako excited makit cruch ko. haha!


HAAAAAAAAAy! Ang sarap mag-aral! Sana Lunes na! ;)

BatangGala said...

waaaah! ganyan din ang napi-feel ko noon,which is alam kong alam mo na naman. :D pero, ngayon, gustung gusto ko ng mag aral, lalo na s t'wing naaalala kong there are a lot of people out there na gustong mag aral kaso lang hindi sila makapag aral. swerte pa tayo kung tutuusin. nice post! :)

Mac Callister said...

mahirap at nakaka burn talaga mag aral pro sa bandang huli yan ang sandata mo sa buhay na maayos,it will shape ur future.

tiyaga lang..

Rico De Buco said...

oo tama si mac magaral mabuti kc hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon