Friday, March 4, 2011

Career Talk

****Actually, ang career talk na tinutukay ko sa taas ay hindi naman isang pormal na career talk. Naisipan ko lang na yun ang i-title for formality sake.

March 3, 2010, Huwebes, nagtatake kami ng RAT or sige na, para pahabain eh Reginaol Achievement Test. Tantiya ko eh mga alas kuwatro na yun nga hapon. Kasalukuyan nagdiriwang ang aming mga cells nun dahil huling exam na namin yun ngayong school year na nangangahulugan ding huling exam para sa high school life. Natatandaan ko pa naman (dahil kahapon lang yun) ang subject namin nun ay values ed (na napakahirap i-analyze kasi tagalog). Yung proktor namin, itago na lang natin sa pangalang SER, eh nagpapamigay ng fliers ng isang school na itago na lang natin sa pangalang SCHOOL. Isa-isa niya kaming binigyan ng flyers (na kalaunan ay pinalipad naman ng ilan dahil sa kadahilanang ginawa itong eroplano talaga).

Ang ang catch?

Habang binibigay niya yung mga flyers, sinasabihan niya kami na huwag ka mag-aral jan. Depende sa tao. Kapag sa amin na medyo may napasahan na na magandang school ang sinasabi ni SER eh "wag ka dito mag-aral." Kapag naman sa mga nahuhuling classmate namin "Oh, dito ka na. maganda dito".

Oh diba? Natatawa lang akong isipin na first time ko makaencounter ng nagpropromote ng negatibo. Pero kalaunan ay binawi din naman ni SER yung mga sinabi niya. Sinabi niya na maganda naman din daw yung SCHOOL kasi accredited by CHED naman.

So ang katapusan, nag check kami ng papers. 32 over 50 lang ako sa values. Ayos na din. Mukha pa ring mabaet na bata.

At ngayon, two weeks na lang graduation na. At desidido na rin ako kung saan ako lulugar next year. :] at feeling ko walang sense na post na naman.


Related Posts:

  • Konting paramdamHephep hooray! Buhay pa naman ako at dahil doon ay nagpapasalamat ako kay God.  Isang buwan na din ang lumipas nang una akong akong pumasok sa malaking mundo ng buhay kolehiyo. Sa ngayon, masasabi kong masaya naman ako s… Read More
  • I'll always remember YOUI always knew this day would come...Ang bilis talaga ng panahon. Ilang araw na lang at matatapos na din ang lahat. Bilang na nga pati mga oras, mga segundo. Pati nga mga minuto kayang kaya na din bilangin. Alam ko naman, alam… Read More
  • Ako ay NagnilayTumatakbo ang oras kahit walang paa. Mabilis. Hindi ko namamalayan. Siguro dahil madami akong ibang bagay na pinapahalagahan na dapat ay hindi naman bigyan ng ganoong kalaking atensiyon. May mga bagay na kailangan gawin nguni… Read More
  • Career Talk****Actually, ang career talk na tinutukay ko sa taas ay hindi naman isang pormal na career talk. Naisipan ko lang na yun ang i-title for formality sake.March 3, 2010, Huwebes, nagtatake kami ng RAT or sige na, para pahabain … Read More
  • 10 down to 10Ayoko pa sana magblog tungkol dito eh, pero dahil nga udyok ng text ng isa kong classmate eh nainspired naman ako mapost. Eto yung sabe sa text:A Student lifeAng pinakamahirap at pinaka maimpluwensiyang tanong:"oi, papasok ka… Read More

3 comments:

Anonymous said...

HALAA!! buti kpa napasa mo ung values kua renz!! kami naginit na lang ulo dahil me depekto ung mga sagot :))

Bino said...

ngayon pa lang binabati kita dahil gagraduate ka na. congratulations :)

BatangGala said...

renz! sorry na! ngayon lang nakadalaw! :(( heniwey, buti ka pa, tapos na sa mga test na yan, ako, isa't kalahating term pa. **bigti!** joke! :)) anyways, at least nagsasabi ng totoo si ser, AND at least, may nai-i-blog ka. e, ako? hahaha:)) balitaan mo ko sa honor roll a, pero dahil for sure kasama ka na sa top, pa-PISBOL ka naman! ano ba yan, nobela na naman ang koment ko. sorry na! naexcite lang. haha:)) sige na nga! bubye na! :D