Saturday, December 31, 2011

So long 2011


Ilang oras na lang ay magpapalit na naman ng taon. Isa na namang makabuluhang taon ang magtatapos at may bagong taon na naman na papasok para matututo. Sa totoo lang, ang daming nangyaring pagbabago sa akin ngayong taon na ito. Sobrang daming blessings ang aking natanggap ngayong taon na ito. 

Una ay sa academics. Noong January ay hindi ko talaga alam kung saan ako papasok sa kolehiyo. Nagpapasalamat naman ako dahil ako pa ang namili sa tatlong unibersidad na tumanggap sa akin at tulad nga ng nasabi ko dito sa blog ko, UPLB ang pinili ko. Nakapagtapos rin ako ng high school ngayong taon. Kasabay rin ng pagtatapos na iyon ang maraming karangalan na aking tinanggap. Nagbunga ang ilang taon na aking pinaghirapan! Sulit na sulit! Naging maayos din ang aking unang semestre sa UPLB. Magaganda ang grado na aking nakuha. Sana lang ay magtuloy-tuloy ito. :)

Pangalawa, sa aking pamilya. Nakakatuwa lang dahil sa tinagal tagal naming pag-aaya sa parents namin na sumali sa Couples for Christ eh napapayag na namin sila. Sobrang dami rin ng material blessings na dumating sa pamilya namin. 

Pangatlo, sa buhay YFC ko. Naging active ulit ako sa YFC this year. By God's grace, nakapunta ako sa International Leader's Conference sa Cagayan de Oro. Nakapagserve din ako sa Provincial Youth Conference dito sa aming probinsiya bilang emcee. Nakapunta rin ako sa Regional Youth Conference sa Bataan. All for God ika nga. Basta YFC, kayang magtiis makaipon lang at makapunta sa mga events.

Pang-apat, sobrang dami kong nakilala ngayong taon. Ikaw ba naman na ilagay sa isang lugar na totally wala kang kilala. Ilan na jan ay yung mga dormmates ko especially yung room 207 barkada ko, ang BS Electrical Engineering Bloc W1, ang YFC UPLB Campus Based, ang Students with a Purpose especially the Thursday Group at ang maraming maraming naging classnates sa iba't-ibang subjects. Sila kasi yung nakatulong sa akin para magadjust sa bagong environment na ito.

Panghuli, ang mga trials. I consider them as blessings in disguise. Binigay yun ni God sa akin, at sa family ko para mapagtibay ang akin/aming loob. Hindi naman kasi nagbibigay si God ng trials na hindi natin kayang lampasan. Malaki ang tiwala niya sa atin kaya binibigyan niya tayo ng blessings.

Sa totoo lang, kulang ang mga salita upang idescribe kung gaano naging makulay ang aking taon. Hindi rin makaya ng aking kamay na i-tipa lahat lahat dito. Magkagayun man, lahat ng mga nangyari ngayong taon ay nag-iwan ng aral sa akin. Sigurado yun! Nawa ay naging makabuluhan din ang inyong taon. 

Kaya nga may NEW YEAR kasi may bagong pagkakataon. Kung hindi naging maganda ang taon na ito, subukang bumawi sa susunod. Life's full of second chances.

Let's make it on 2012! Bawi tayo sa kung ano man ang naging failures natin. For this coming year, I'll try to be more mature, tutal, I'll be turning 18 this 2012. Legal na! Malaki na ang responsibilidad. 

Maraming salamat sa pagiging parte ng buhay ko sa simpleng pagbabasa lang sa blog na ito. I-try ko din magblog hangga't kaya :)

Happy New Year! Cheers to 2012!

Sunday, December 25, 2011

Pasko

Pasko (Pangngalan)-- Panahon kung saan ang mga pantalon ay nagsisikipan at ang salitang diet ay taboo.

HAHA

Pasko na naman. Panahon na naman ng sandamakmak na party na katatampukan ng sandamakmak na pagkain. Pilitin mo mang pumikit para hindi iyon makita, maaamoy at maaamoy mo pa rin ito at ito ang magiging dahilan ng iyong pagmulat muli. Bwahahaha. 

Ang pasko rin ay sinasabi nila na para sa mga bata which is I agree. Sobrang nami-miss ko lang yung kabataan ko, I mean here nung sobra pa akong bata ha, (mag 18 pa lang naman ako), madami akong natatanggap na mga regalo. Iba't ibang klase ang mga iyon. Mula sa damit, laruan at siyempre ang pinakagusto ng mga magulang--cash. Alam niyo yan! Ang cash na regalo sa bata ay napupunta sa magulang. Tama? haha. Ngayong pasko na ito, wala na akong masyadong natatanggap na regalo. Mayroon man, simple lang ito at kaunti. Hindi kagaya noon na ang dami talaga.

Salamat naman at malaki na ako. Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Alam ko na kung bakit madaming handa tuwing Pasko--ipinagdiiwang kasi natin ang kaarawan ng ating hari na walang iba kung hindi si Hesukristo. Alam ko na rin kung bakit ang mga bata ang lubhang masaya sa Pasko--dahil gaya ng pagbibigay ng tatlong hari ng regalo sa sanggol na ipinanganak sa Bethlehem, binibigyan natin ng mga regalo ang mga bata. 

Simple lang ang naging pasko ko at ng aking pamilya. Ngayon na lang kami nakumpleto ulit sa araw ng Pasko. Hindi kasi kami nakauwi nila mommy sa probinsiya kasi may pasok na agad sila kinabukasan. Hassle naman daw. Kaunti lang ang aming handa. Tamang tama lang iyon upang pagsaluhan namin sa aming hapag. Wala rin kaming mga bagong damit na suot suot. Tama na sa amin ang aming mga lumang damit. Sinalubong namin ang Pasko na magkakasama at nagdarasal. Sobrang isang napakagandang regalo sa akin yung makapaglead ako ng dasal para sa pamilya ko. Sobrang masarap na regalo na rin yung yakap ng mga magulang at kapatid mo. Walang materyal na bagay ang tutumbas pa sa regalong natanggap ko ngayong pasko. 

Tunay na ang panahon ng kapaskuhan ay panahon ng pagsasaya. Marapat lang naman kasi na ipagdiwang natin ang kapanganakan ng Kristo na nagligtas sa atin. Sa kabila ng malalakas na tugtugan, bumabahang inuman at nakabubusog na kainan, huwag natin kalimutan na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagpapasalamat sa regalo ng panginoon sa atin--si Hesus. 

Bukod doon, alalahanin din natin ang mga kapatid natin na mas nangangailangan ng ating mga tulong.

Mula dito sa sulatkamayko, ako at ang aking pamilya ay bumabati sa inyo ng isang mapagpalang Pasko! 

Friday, December 23, 2011

pananaw ng kabataan sa pag ibig

Pananaw ng kabataan sa pag-ibig?

Sa totoo lang, ang pag-ibig para sa mga kabataan ay yung pag-ibig sa opposite sex. Ito ay isang realidad. Siguro nga ay talagang ito ang naiisip ng mga kabataan ngayon dahil sa iba't ibang dahilan.

Una, ang impluwensiya ng media. Hindi lingid sa ating kaalaman na patok na patok ngayon ang mga teleserye na nagtatampok ng pag-iibigan. Wala naman siguro kasing dating ang teleserye na walang love story hindi ba? Sa tingin ko yun ang nag-iiwan ng impluwensiya sa utak ng mga kabataan--na sa buhay, ang pag-ibig ay yung kayong dalawa ay nagmamahalan.

Pangalawa, dahil sa curiosity ng kabataan, akala nila(namin) na kailangan sa ganitong edad nila (namin) ay mayroon na silang(kaming) mga partners which is in reality, hindi naman talaga.

Pangatlo, masyadong general ang word na pag-ibig or love at kaming mga kabataan ay mas naiinterpret ito as the intimacy between the opposite sex apart from others like love of the country, love of your friends, neighbors etc.

Sana ay nasagot ko ang tanong ng maayos :)
Maligayang Pasko!

Tanong ka lang..

Monday, December 19, 2011

Bangon CDO

Alam ko, madami na ang mga blog posts tungkol sa sinapit ng Mindanao sa kadaraang bagyong Sendong, pero heto pa rin ako upang makiisa sa pagtulong, hindi man sa pamamaraan ng pagvovolunteer, kung hindi sa isang panawagan.

Alam naman natin ang sinapit ng ating mga kababayan sa Mindanao lalung-lalo na yaong mga taga CDO at Iligan. Hindi ko lubos maisip na ang lugar na iyon, kung saan ang mga mata ko mismo ang nakasaksi ng ganda, ganun na rin sa mga mababait na tao doon ay nahaharap ngayon sa isang crisis. Tunay nga na hindi natin alam kung ano ang kinakaharap nating lahat. Heto na nga at dumating ang isang sakuna na puminsala sa daan daang mga pamilya. Isang sakuna na kumitil sa mga pangarap. Isang sakuna na pumawi sa mga ngiti ng mga tao lalo na yaong mga naapektuhan.

Ang pangyayaring ito ay gumising na naman sa kamalayan ng sangkapilipinuhan. Panibagong dagok na naman ito na sumusubok sa ating pagkakaisa. Hayaan ninyo na magbahagi ako ng ilang pictures dito. Itong mga pictures na ito ang pumukaw sa aking puso. (ang mga pictures ay hindi sa akin. credits sa mga may ari nito):







Nakalulungkot lang talaga na ngayong magpapasko pa nangyari ang trahedya na ito. Wala naman tayong magagawa dahil natural na kalamidad iyon. Ang tangi na lang nating magagawa ay ang magkaisa bilang isang bansa. sinu-sino pa nga ba ang magtutulungan kung hindi tayo tayo din, hindi ba? Ngunit ang tanong ay papaano? Narito ang ilan sa mga pwede nating maitulong:


GMA KAPUSO FOUNDATION:


Material donations may be delivered to the GMA Kapuso Foundation office Mondays to Fridays from 9:00 a.m. to 6:00 p.m. Aside from old clothes, food items and medicines, we also accept hygiene products, mats, blankets, medical equipments, toys as well as other things that are helpful to our beneficiaries.


For monetary donations, the Foundation accepts cash or checks. Our finance officer can personally accept these in our office, from Mondays to Fridays, 9:00 a.m. to 6:00 p.m. or you may course your donations through the following:

•METROPOLITAN BANK & TRUST COMPANY (METROBANK)
Peso Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:3-098-51034-7
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:2-098-00244-2
Code:MBTC PH MM

•UNITED COCONUT PLANTERS BANK (UCPB)
Peso Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:115-184777-2
:160-111277-7
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:01-115-301177-9
:01-160-300427-6
Code:UCPB PH MM

•CEBUANA LHUILLIER (all branches nationwide)

•NO SERVICE FEE CHARGED!


Donation are also accepted in the following banks:

BANCO DE ORO (BDO)
Peso Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:469-0022189
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:469-0072135
Code: BNORPHMM

PHILIPPINE NATIONAL BANK (PNB)
Peso Savings
Account Name :GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Numbe:121-003200017
Dollar Savings
Account Name:GMA Kapuso Foundation, Inc.
Account Number:121-003200025
Code:PNB MPH MM


Pwede din yung sa globe, kung globe user ka (this is for RED CROSS HUMANITARIAN EFFORTS)
text RED send sa 2899
minimun po ito ng 5php. This was according sa isa kong nabasa. 

Above all, maganda kung lahat tayo, bilang isang bansa, ay magdadasal para sa mga biktima ng mga kalamidad na ito.


Bukas, alam ko, pagtila ng ulan, lahat tayo ay babangon. Kapit-bisig nating haharapin ang bagong umaga. Tulong-tulong tayo bilang isang Pilipinas. Bangon CDO. Bangon Pilipinas!

Thursday, December 15, 2011

Hala sige takbo!

(Oops na post bigla yung title nito kahit wala pang body. Eh kasi naman, naka iPad daw kasi. Libre lang ito ngayon kasi next year eh may bawas na ito sa aming free 20 hour of Internet service.)

Ayun nga. Ngayong araw ang huling araw ng klase ngayong taon (I suppose). Karamihan kasi sa mga teachers namin ay hindi na nagkaklase kasi dama na namin ang Christmas season. Iba na rin talaga ang simoy ng hangin dito. Ang kakaibang laming nito ay humihila as akin pabalik as kama as tuwing pipilitin kong gumising ng maaga. At ngayon nga, mabibigyan ko na ng hustisya ang pagod kong katawan. Ang sarap Siguro matulog ng matulog.

At dahil nga huling araw ng taon, may pahabol din na pasabog ang isang kilalang frat dito as UPLB. Alam ko nahulaan niyo na---OBLATION RUN. Naging tradition na ito ng unibersidad kahit noon pang hindi pa ako estudyante dito. Silang mga nagsisitakbong nakahubad, bitbit ang mga placards at Rosas, matapang na ipinahahayag ang kanilang saloobin sa isang isyu kahit na hindi nila batid kung nakukuha ba ng mga tao ang nais ipahayag oh ang natatandaan lamang nila ay ang kanilang mga katawan na nakalantad sa madla.

Ito ay isang katotohanan. Siguro nga, noong mga bago pa lang ay epektibo talaga ang ganitong paraan ng pagproprotesta.Ipinakikita kasi nito ang transparency ng tumatakbo. Ipinakikita nito ang malinis na hangarin ng tumatakbo na bilang isang sinserong nagproprotesta ay handang ipakita ang lahat. Hindi ko lamang alam sa panahon ngayon. Totoo na may impact ang ginagawa nila pero yung impact ba na yun ang naiiwan sa mga isipan ng mga Tao? Nakasisiguro akong mas pag-uusapan pa ng mga tao ang kanilang mga pinakatatago kaysa sa isyu na kanilang ipinahahayag. Yaon ang katotohanan.

Ang pagtakbong hubad ay isa lamang pamamaraan ng pagproprotesta. Maraming pang ibang pamamaraan. Sa lahat ng ito, isa lang naman ang nais ipabatid ng mga nagproprotesta---ang maipahayag ang kanilang saloobin sa karapatan na pilit Ipinagkakait sa kanila.

Kaya naman, bilang isang mag-aaral ng pambublikong unibersidad, Paaral ng gobyerno at ng sangkapilipinuhan, naniniwala Ako na may karapatan ako. Dahil doon, may kakayahan akong ipaglaban ang sa tingin ko ay tama. Gayun din, sumusuporta Ako sa pagkikipaglaban sa mga isyu na bumabagabag sa aming mga mag-aaral Hindi man ito sa pamamagitan ng pakikitakbo sa oblation. Susuporta Ako sa pamamagitan ng pagpapahayag ng asking sarili sa ganitong uri ng peryodiko.

Higit sa mga Rosas at hubad na katawan ang mensaheng gustong iparating nga oblation run. Umaasa Ako na Ito ang tatatak sa isipan ng mga manonood nito Mamaya.

Hala, sige takbo.

Tuesday, December 13, 2011

Buhay pa ako

Akalain niyo yun, dahil sinasamantala ko lang ang libreng wifi na nasasagap ni laptop mula sa di kalayuang hostel na karamihan ay koreano eh naisipan kong magbukas ng blog at nangati naman ang aking daliri na para bang may utak ito at naisipang tumipa ng tumipa sa keyboard. Ang tagal ko ding nawala. Who would have thought? kakaunti lang naman ang mga readers nito at sigurado naman ako na di niyo napansin na nawala ako. (self pity?) haha. De joke lang.

Sa totoo lang, na miss ko magsulat dito sa pahinang ito. Marami akong naitagong drafts na hindi ko na pinost dahil feeling ko inappropriate kaya hayaan na lang natin ang mga iyon. Ang mahalaga, heto ako ngayon at tumitipa upang may pag-aksayahan naman ako ng oras at ng sa gayon ay maaksaya din ang oras niyo. bwahahaha

So yeah, okay naman ako dito sa UPLB. Parang noong isang taon lang eh nangangamba ako kung saan nga ba ako mag-aaral ng kolehiyo pero ngayon isa na akong iskolar ng bayan. Patuloy pa rin naman akong nangangarap katulad ng dati. Patuloy ko pa rin pinag-iigihan sa aking pag-aaral dahil ito na talaga yung realidad. Dito ay hinuhulma ko na ang aking bukas. 

Mahirap sa umpisa dahil una sa lahat malayo ka sa pamilya mo. Pero actually sa umpisa lang yun. Mga 3 days. joke sige mga 5 days naman. Sanay na din kasi ako na kung saan saan napupunta at medyo sanay din naman ako makipagsoscialize kaya ayun madali naman akong nakacope dito. Sa katunayan nga, sobrang masaya na ako ngayon dito kasi ang dami ko ng mga kaibigan. Hindi ko na iniisip kung lilipat pa ba ako sa UP Diliman kasi mas malapit sa amin. Parang dito na ako nakaugat eh. Parang taga laguna na talaga ako. haha

Sa loob ng isa at two fifths na semester, feeling ko madami na akong natutunan lalo na sa kulturang UP. Ibang iba ito sa school na kinagisnan kong pasukan. Una, public school ito. Pangalawa, ang laki ng grounds at ang daming students. Pangatlo, open-minded ang mga tao at ang mga sensitibong usapan sa mga private school ay hindi taboo dito. Pang-apat, freedom kung freedom dito. Walang pakialamanan kung ano man ang trip mo sa buhay. Pang-anim ay may pang pito pang rason. basta, sobrang madami. feeling ko nagiging tunay na tao ako dito sa UP. Kahit sinasabi pa nila na ang mga estudyante ng UP ngayon ay MATATAPANG na lang. 

Gaya nga ng sinasabi sa header ng blog na ito, patuloy na iikot ang mundo. Marami pa akong maeexperience at sigurado akong iyon ay ang bubuo sa future na ako. Masyado pang maikli ang nailagi ko sa unibersidad upang sukatin kung ano na nga ba ang narating ko. sa ngayon, binalitaan ko lang kayo sa kung ano nga ba ang nangyayari sa akin. 

Invalid na yung reason ko na wala akong gamit pang-blog kasi may laptop na pero humihingi ulit ako ng pasensiya kung hindi ko ito maisisingit sa schedule kong malupit. Haha.

Yun lang, maraming salamat sa pagbibigay ng oras sa pagbabasa. :) hanggang sa muli!

Saturday, August 27, 2011

Long Weekend Rocks!

Umaga na naman. Ang sarap matulog dahil sa lamig ng hanging dala ng pagsusungit ng panahon.Pero may isang pwersa na pumilit sa akin na gumising. Ito ay ang simoy ng isang masarap na LONG WEEKEND!


Haha. makaintro wagas!


Ang saya saya noh. Ang haba ng weekend. Noong ngang bago itong long weekend eh nagtataka pa ako kung paano siya naging long weekend. Pero kahit ganoon pa man, naexcite pa rin ako dahil pagkakataon na ito para makapagrelax.


Relax? Teka paano?
Ah eto pala yung relax. (Sorry kung madilim yung picture. Dilim dito sa sala ehh)




Picture ko yan with my reading materials sa History 1 subject ko. Super long exam ko kasi sa wednesday. Hindi pa kami nakapag long exam ever sa subject na yun kaya tiyak mahaba siya at hindi nakapagtataka na ang kapal ng reading materials na nagdudulot sa akin ng stress. Ahuhu. Iyan tuloy ang pagkakaabalahan ko this weekend. medyo nakakatamad.


Pero bilang isang estudyante na pinag-aaral ng sambayanang Pilipino, kailangan kong magreview para naman sulit ang buwis na ibinabayad ninyo. Sana din tama ang buwis na ibinabayad dahil malaking motivation yan sa amin. You know, medyo may presyo na din dito. Anyways, sobrang out of topic na ako.


Gusto ko lang kayo batiin ng happy long weekend! Isa pa, gusto ko din kayo batiin ng happy National Heroes Day! Sa mga OFW na tinagurian na bilang mga bagong bayani, saludo po ako sa inyo! Sa lahat, nawa ay magsilbi tayong bayani sa bawat isa. Para naman sa ating mga kapatid na muslim, Maligayang pagtatapos ng Ramadan. 


Yun. So tara relax relax :)))

Thursday, August 25, 2011

unknown title

I just want to blog today. Wala naman kasing importante ngayong araw. Kung pwede nga lang sana na hindi na nageexist ang August 25. Sana pagkatapos na lang ng August 24 eh 26 na agad para mas masaya diba?


























HAHAHA


Joke lang!


Alam niyo ba na ang araw na ito ay special? Ang araw na ito kasi ay ang birthday ng isang malapit na malapit na kaibigan para sa akin. Siya ay si Armando Nathaniel Pedragoza. (Tama ba spelling?) 
Sa palagay ko ay hindi niyo siya kilala. Malamang kasi shy type daw siya. (Self-proclaimed) Pero hindi naman :))) 


Nakilala ko si Nathan dito sa UPLB. Hindi ko siya coursemate sapagkat Applied Physics ang course niya at Electrical Engineering naman ako. Hindi ko rin siya classmate sa kahit anung subject. Nagkakilala ko siya sa isang page sa facebook para sa mga freshmen ng UPLB. Iniwan ko yung number ko doon sa isang thread at presto, may isang makulit na tao ang nagtext sa akin. Kinulit niya din ako sa fb chats and etc. Siyempre ako naman bilang isang mabuting kaibigan (ehem XD) ay kinulit din siya para makaganti at lumabas na mas magaling ako mangulit dahil madali siya mapikon XDXD.


Who would have thought na sa ilang buwan pa lang naming magkakilala eh naging close na agad kami. Siguro dahil kakaiba din kasi ang ugali netong tao na to. Napaka-sigasig niya, napaka-persuasive napaka-baet (ehemm) at siyempre calm. 


Best friend ko nga ba siya? First define best friend? Sa akin kasi ang best friend na tawagan ay iba sa best friend na turing. I never called him as my best friend but I consider him as one. Best friends will always be best friends kahit naman hindi kayo magtawagan na best hindi ba? 


Alam niyo rin ba na dahil sa kanya at sa mga kalokohan niya ay nadiscover ko ang isa pang pamilya na sobrang nakakainspire sa akin dito sa UPLB? Dinala niya ako sa SWAP (students with a purpose) isang lunes na wala akong idea kung ano ang pupuntahan ko. It was our first time to meet then. Libre niya daw ako ng dinner. Ako naman, since pagod ako sa byahe kasi galing pa akong bulacan, eh pumayag ako. You know, butas ang bulsa XD. Pero hindi pala niya ako ililibre ng dinner kasi may FREE FOOD talaga doon sa pinuntahan namin. Tingnan mo nga naman ang wais. XD Pero thanks to that, naging active pa rin ang spiritual growth ko dito sa UPLB.


Nathan, 
Happy Birthday! Salamat sa lahat. Yari ka mamaya kailangan mo kami pakainin nila kuya Dennis! May ibibigay din pala ako sa iyo. Yung statement doon ang tandaan mo palagi. Kung ano yun, malalaman mo mamaya. WEEE. 
You know I can't say a lot at alam mo na kapag nagsasalita ako, madalas double meaning or kung hindi man eh triple o quadruple pa. So hanggang dito na lang.
Salamat!


:)


PS
Alam niyo ba na si Nathan daw ang SELF PROCLAIMED na number one fan nitong blog na ito. Nagkunwari pa siyang anonymous writer at nag email sa akin ng compliments. I know it was him kasi sa isang email ko siya nag-mail. Buking :))
hahaha


SMILE always!

Monday, August 8, 2011

Leaving Home again

Ano ka ba Louie Renz? Hindi ka na nasanay. Nagdodorm ka na pero eto ka na naman at parang ayaw mo umalis sa bahay ninyo? Kailangan mong umalis kasi mag-aaral ka sa UP. Kailangan mo umalis kasi may meeting ka mamaya sa group mo sa history. Kailangan mo umalis kasi andoon ang future mo. Bubungkalin mo pa.

Hays. aalis na naman ako. 2 to 3 weeks ulit bago makauwi. saglit lang naman compared sa mga iba na umaabroad talaga pero nakakahomesick lang din ng kaunti. Wala naman magagawa kung hindi ang tumalima kasi iyon ang nararapat hindi ba?

Sa kasalukuyang oras, nasa harap ako ng pc, katabi ang gamit ko. Pag ka post ko nito ay agad kong papatayin ang computer at ako ay aalis na pabalik sa Los Banos kong mahal. Bwahahaha. Drama lang.

Ingat tayo lagi. Sorry hindi na ako nakakadalaw para makapagblog read. Sorry talaga. :_)

Saturday, July 23, 2011

Konting paramdam

Hephep hooray!

Buhay pa naman ako at dahil doon ay nagpapasalamat ako kay God. 

Isang buwan na din ang lumipas nang una akong akong pumasok sa malaking mundo ng buhay kolehiyo. Sa ngayon, masasabi kong masaya naman ako sa mga nangyayari. Madaming mga bagong kaibigan ang dumating. May mga makukulit, may mga seryoso, may mukang suplado, may mayabang at kung anu-anong uri ng tao. Talaga ngang sobrang dami kang maeencounter na tao sa kolehiyo kasi paiba-iba ka ng kaklase sa bawat subjects.

Masarap din pala mabuhay sa isang dormitoryo. Malayo man sa pamilyang kinagisnang kasama eh masaya pa rin dahil sa mga bagong kaibigan na karamay sa kalungkutan. Oha, may ganun pa. Pare-pareho naman kasi kaming nalayo sa pamilya kaya kung hindi kami magtutulungan na pasiyahin ang isa't isa ay mahohomesick talaga kami. 

Isang buwan na din pala akong nakakaramdam ng kakaibang init. Ang init kasi sa los banos as in. Pati tubig doon ay mainit din. Libreng hot spring kami lagi sa aming cr sa dorm. Yun nga lang, masakit maligo pag tanghali kasi mainit talaga. Bukod sa init ng tubig eh siyempre nararamdaman ko din ang init ng pagtanggao ng ubnibersidad sa akin at sa iba pang freshmen. Sa sobrang init nga eh ang dami kong napuntahan na event for freshmen na may libreng foods. Oh diba, solve na ang tyan, solve pa ang bulsa. Saan ka pa? Dito na sa LB.

Ngunit sa isang buwan na nakalipas, mayroong isang bagay na hindi ko pa nararanasan at iyon ay mararanasan ko na sa darating na linggo. Iyon ay ang HELL WEEK or examination week sa UP. Actually hindi naman confined sa isang linggo ang lahat ng exams sa lahat ng subject. Iba iba rin ng schedule. So hindi lang siya basta week. Ito ay HELL WEEKS. 

Ayon, so wish me luck at pati na rin ang lahat ng may paparating na exams. napa-update lang ako dahil namiss ko magblog at para pasalamatan ang self-proclaimed number one fan ng blog ko na si ARMANDO NATHANIEL PEDGRAGOZA. Oh yeah palakpakan! :)

By the way, miss ko na kayong lahat.

Belated Happy 2 years old my sulatkamayko! :) (July 4)

Thursday, June 9, 2011

Unang Tikim

Nasundan nga ang huli kong post at ngayon nasa isang computer shop ako sa loob ng campus ng UP Los Baños. Apat na araw na din ako dito. Sa loob ng apat na araw na yon ay marami akong mga bagong karanasan. Iba't ibang unang tikim sa buhay kolehiyo.

Hinatid na ako ng parents ko dito last monday at nagstay ako sa New Forestry Residence Hall sa may upper campus ng UPLB. Di naman kaiba sa akin ang mga araw na walang kasamang magulang kaya ayos naman sa akin na magdorm, lalo pa't komportable ang lugar. Nakakapanibago kasi wala na ngang gumigising sa akin sa umaga, nagluluto ng pagkain ko at nagpapayo sa akin, pero sa loob ng apat na araw na pamamalagi ko sa kabundukan ng makiling eh masasabing nakakapagadjust na din ako.

Maayos naman ang naging pakikisama ko sa aking mga roommates. Sa bawat kwarto eh apat ang tao pero sa kaso namin, hindi pa rin lumilipat ng UPLB ang isa. Sana eh ganun na nga lang para maluwag kami sa kwarto.

Official na nagstart akong pumasok noong Tuesday. Campus tour lang naman iyon na nakakapagod. Pero bago ako mapagod, sobrang nakakabobo as in. LATE ako sa campus tour, meaning to say hindi ko nahanap sa pila ng mga estudyante yung block ko kasi nakaalis na daw sila. Medyo pinawisan na ako noon pero good thing may tumulong naman sa amin. nakapagtour rin kami ng maayos at ayon nalaman ko kung saan ako papasok na building.

Wednesday, walang masyadong klase. Puro opening convocation lang, University wide at sa college namin. Bago pala yun ay nagkaroon din ng librang almusal para sa aming freshmen. Medyo hindi masyadong madami ang nakain ko kasi nga hindi ko na mahawakan yung ibang binibigay na pagkain pero ayos lang kasi nga nabusog naman ako. Nakapagbond ako with my new friends sa UPLB. Isang ka course ko-- BSEE; at isang BSIE. Ang twist nga lang eh maghapon umulan, so maghapong babad ang paa ko sa tubig. nakatsinbelas lang kasi ang Renz. Ayos lang, new experience. At isa pa, nakailang brownout din ang naexperience namin.

Ngayon, dalawa lang ang subject ko. Isa sa umaga at isa sa hapon at pareho na silang tapos. Medyo nakakapanibago kasi large class kami pero siguro nasasaakin din naman yun kung magpapadistract ako or hindi. Ngayon din, balak ko na lumakad sa sakayan pa forestry kung nasaan ang dorm ko. Medyo madalang ang jeep na umaakyat doon sa upper campus eh kaya magaabang na ako.

Di ko alam kung masusundan pa ito ulit pero sana.

Salamat sa patuloy na suporta at hinihiling ko ang panalangin ninyo na sana makaya ko itong lahat. :)

Tuesday, May 31, 2011

to blog or not to blog

Naiisip ko lang, kaya ko pa ba magblog? This past few days kasi parang nawalan na ako ng appetite mag post ng something. Naging busy din kasi this past few months at hindi na nakapagbukas. Ang resulta, tinamad na rin. Bueno, this is just a personal blog naman. Wala naman akong nakukuhang income dito. Sabe ko nga nung binuksan ko itong blog ko, magsusulat lang ako ng mga gusto ko. Hindi ko naman ineexpect na may magbabasa ng mga ito (meron nga ba?). Pero for now, hindi ko alam kung kaya ko pa ngayong papasok na ako ng college. Magiging super busy na ako siguro. At walang akong internet source sa bundok makiling so pano ba yan, kung masundan mag itong post na ito eh maganda. Pero kung hindi man, adios. Mananatili pa rin ang link na ito kung gusto niyo mag backread sa mga personal kong kwento. Salamat sa lahat ng naging parte ng sulatkamay ko sa magdadalawang taon nito sa blogosperyo. Oh siya.


:) mamimiss kayo ni renz. Di bale, fb fb na lang muna for now.

Wednesday, May 11, 2011

What I LOVE about LOS BAÑOS

Isa sa mga nagustuhan ko sa pagbisita ko sa Los Baños, hindi lang sa masarap ang hangin dito dahil sariwa at madaming buko which is my favorite, ay yung pagiging eco-friendly nito. I'm not quite sure if this is implemented all over Los Baños, pero naexperience ko ito sa UPLB and sa kalapit na mga establishments. Ano ba ito? Gumagamit sila ng brown paper bags.

Yes I admit, mas convenient gamitin ang plastic bags kaysa sa paper bags kasi mas matibay ito compared to those papers na madaling mapunit or nababasa. Kaya nga dumami ng dumami ang gumagamit ng platic as time goes by at hindi na nagagamit masyado yung mga paper bags. Sa totoo nga, namulat at nagkaisip na ako sa mundong ito na puro plastik na ang ginagamit. Hindi ko na naabutan yung traditional na paper bags and bayong.

Ano ba ang kagandahan ng paggamit ng paper bags? 

Una sa lahat, alam naman natin na dumadami na ang basura natin ngayon. Ang laki kasi ng basurahan natin--isang buong bansa. Kaya naman sa maikling panahon lang ay napuno na yung mga dumpsites at ang nagiging solusyon ay ang paghahanap ng bagong dumpsite. (One example for an instance is the Puyat Landfill here in San Jose del Monte which is tinututulan namin. Basahin mo ito). Pagnagkaganoon maaapektuhan ang maraming tao at ang ecosystem.

Ang paggamit ng paper bags ay nakakatulong na maibsan ang mabilis na paglobo ng mga basurang hindi natutunaw. Alam ko, hindi na natin mapipigilan ang gumamit ng plastik dahil parte na ito ng systema natin pero kaya natin itong maiwasan sa paggamit ng mga paper bags. 

In my youth organization which is Youth For Christ, we already started. Sa tuwing nagbebenta ng stuffs tuwing conferences, hindi na kami gumagamit ng plastic bags kundi paper bags na. Hindi na rin kami gumagamit ng plastic spoons and plastic bottles. Nagdadala na lang kami ng metal spoons and tumblers for water. Oh diba, eco-friendly.

I hope ang Manila ay sumunod na rin sa yapak ng Los Baños. Pwede naman tayong bumalik sa kinamulatan natin noon diba? At pwede rin na maging responsable tayo sa mga basura natin. 

I am an advocate for a greener nation--opo tama kayo dahil bilang isang facilitator ng mga batang kalikasan, kailangan na sa akin magmula ang gagawin ng mga bata. Tama?

Lost in Space

Hi mga ka-blog. Kamusta na kayo? Sorry ang dalang ko magblog recently. Kung anu-ano kasi ang mga bagay na inuuna kong asikasuhin kaysa magsulat.


Gusto ko lang ipaalam sa inyo na buhay pa naman ako. Yeah, inhale-in exhale-in over here. Anyways, anu nga ba ang pinagkabusyhan ko? Since wala naman akong maikwentong kapakipakinabang ngayon, kukwentuhan ko na lang kayo ng mga nangyari sa akin this past few weeks.


April 29, 2011
Bumalik ako sa University of the Philippines Los Baños (kailangan buo?) upang magpamedical exams. Maaga akong ginising ni papa kasi mga magcocommute lang kami at balita ko super mahaba daw ang pila sa University Health Service (UHS) kapag tinanghali ka na kaya ayun, kahit burden eh bumangon pa rin ako. Nagayos ng sarili, nagbreakfast at umalis na kami. First time ko ito magcommute kasi last time na nagpunta kami sa UPLB eh may sasakyan kami. So far, so good. May hassle man ng onti pero that's part of life. Sa una laging nagkakamali. 


After the sleepy almost four hours na byahe, nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa loob ng UPLB, naghahanap ng university registrar. Too bad, it was our first time kaya nga hindi namin alam ni papa kung saan pupunta. Ang masama pa doon, yung ruta ng jeep na nasakyan namin is KALIWA at mas gamay ko ang daan sa KANAN kaya bumaba na lang kami at nagtanong tanong kahit na umaabon. 


After that, nakakuha na ako ng medical permit tapos pumunta naman kami sa UHS which is nasa taas ng bundok. Literally ang taas ng location. Nakakapagod maglakad kaya pagdating sa taas eh hingal na ako at medyo pinawisan na din ng konti. Buti na lang maaga kami for medical. kakaunti pa lang ang tao. So ayun, pumasok na aako sa loob ng hospital. 


Station by station ang process. Sa una, kukuhanin yung x-ray results mo at bibigayn ka ng form to accomplish. Then, tatanungin yung history ng pamilya niyo tapos vital signs, height and weight then visual test. Hindi pa natatapos yun. Lumipat ako ng panibagong mahabang pila sa dental exams at doon ko naka EB yung schoolmate ko na nakilala ko sa FB. She's kind and nice pero umalis din sila agad ng mom niya. 


After that, lumipat kami ng kabilang building for the physical exams. So separate na ang pila ng boys sa girls. Nagtataka kami kung bakit sa girls ang dami nila pero mas mabilis matapos ang physical exams nila kaysa sa amin na kakaunti nga lang. Kaya naman pala, may hubaran session pag lalaki ang mag physical exams. 


Hindi ko na iku-kwento ang nangyari basta nakakailang pero that's it. Nakaraos din kahit na nakakailang talaga. Pero sabi ko na lang, mga propesyunal naman yun at walang halong malisya yun kaya oks na. Sumakay na kami ni papa ng jeep pababa sa lower campus para asikasuhin yung mga bagay na iba.


Talagang naging kakaibang experience to para sa akin. First time ko sa mga bagy-bagay tulad ng pagcommute from Bulacan to Laguna, pag undergo ng physical exams at maligaw sa loob ng UPLB. It was a fun experience at from that may natutunan ako-- hirap maligaw sa UP. lalo na pag umuulan pramis! :)


next time na yung ibang  kwento

Thursday, April 28, 2011

Friendster





Bago pa man mauso ang facebook at maaliw tayo sa mga apps na handog nito, una tayong naaddict sa FRIENDSTER. Sino nga ba ang walang friendster noon? Kahit nga yung mga ilang classmates ko na walang facebook ngayon ay may friendster din. Kung baga, nauna tayong namulat sa mga testi or comments na yan, kaysa sa mga like like ng facebook. 

Nagsimula ako mag friendster nung grade 5 ako. Take note, friendster ang una kong site na nalaman sa internet. 11 lang ako noon kaya inadjust ko pa ang age ko sa 21 para swak sa friendster. Ni hindi pa ako marunong mag email noon pero FS user na ako. Siyempre impluwensiya ng kaklase, napaFs ako sa murang edad. Partida wala pa kaming internet noon so talagang gumagawa ako ng paraan makapag fs.


Alam niyo ba yung takip ng MATADOR brandy? Yun ang nagiging paraan ko para makapag computer sa labas. Paano? Dati kasi may summer promo sila. Yung cap nun yung may mga 5 pesos na nakalagay, pinapapalit ko sa tindahan. Sa bawat 5 pesos, 4 pesos ang palit. Sa bawat Matador na premyo, 15 pesos ang palit. Since madalas naman ang inuman sa street namin, kinukuhanan ako ni papa at pinangcocomputer ko naman. Yan ang wais na bata.


Naalala ko din, sa friendster ko una inupload ang unang picture ko using webcam. Old school no? Sa bahay pa ng classmate ko noon yun at grabeng tuwa ko dahil may picture ako sa computer. Ginawa ko pa ngang desktop picture ng pc namin yun wahahaha. 


Friendster din ang una kong binuksan na site nung nagka internet kami sa bahay. May camp nga kami nun eh, umuwi lang ako ng bahay para hintayin yung magkakabit ng net sabay nag friendster ako. Madami akong memories sa friendster na yan. Jan ko din kasi nakilala yung ilang blogger friends ko dati nung nagsisimula pa lang ako magblog. Sila kuya led at marami pang iba. Sadly nagsipagsarado na ang kanilang blogs at hindi na rin gaano nakakapagtestihan dahil nga nandyan na ang facebook.


Bakit nga ba pinaguusapan natin ang nananahimik na friendster ngaun? Ahm kasi may mga balita, look mo ang pic:






Basahin ang kabuuang balita dito


Nakakahinayang naman kung mawawala na lang lahat ng pictures, testi, messages, groups at mga bulletins natin diba? Aminin niyo man at sa hindi, friendster muna ang kinabaliwan niyo bago ang facebook. Marami kayong pinagdaanan with fs. Madami na din kayong naupload na parte na ng memorya nio kaya kung ako sa inyo, bago mag May 31, gawin niyo na ito:


eto yun 


Isalba niyo na ang files niyo. At pagkatapos, tingnan natin kung maganda ba ang pagupgrade ng FS. Though alam ko na mas magandang mag FB kasi mas convenient, try pa rin natin. Ika nga sa kasabihan, "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan" or in short, "ang hindi marunong lumingon sa friendster ay hindi makakarating sa susunod sa facebook." Waley. Basta yun na. Isabla natin ang files natin.


Oh pano, log in na. Eto na link --> PINDOTIN MO AKO




add niyo din ako hehehe --> PINDOTIN MO DIN AKO

Wednesday, April 27, 2011

Cagayan de Oro Adventures

Naaalala ko pa noon. APRIL 11, 2010. Nasa Baguio ako. International Leaders Conference din yun. Annually kasi umiikot yung venue for ILC. Tapos inannounce na sa CAGAYAN DE ORO daw ang susunod. Napabuntong hininga na lang ako. 


Cagayan de Oro? Ang layo. Makakapunta pa kaya ako? Sana...


Umasa ako na makakasama ako sa Cagayan de Oro. Mas naexcite pa ako nung nalaman ko na yung ILC CDO ay tatama sa mismong araw ng birthday ko. Mas may pag-asa na akong makasama sa kadahilanang hihingin ko yun na birthday gift at graduation gift. Nung una ayaw nila ako pasamahin. Kesyo masama daw magbyahe pag birthday, pag graduation. pero wala na silang nagawa. Inilibre ako ng ate ko. (Thanks ate sa treat!)


April 14, 2011 and scheduled flight namin. Two days before pa lang eh nagaayos na ako ng gamit for 5 days. Di naman halatang excited diba? First time ko kasi bibyahe ng tawid dagat. Very unusual na payagan ako nun. Buti na lang kasama ang ate ko.


Umalis kami dito sa bahay ng 10am. Ang flight kasi namin at 3pm. aabot pa kami. Kaso may thrill. Traffic pala sa Manila kahit wala ng pasok. Ang bagal pa ng LRT na nasakyan namin. May sinusundan daw na train. Woooo. Kabado sila kasi daw baka daw di na daw kami makapagcheck-in. Ako naman nakatayo lang. Di ko alam kung dapat ba akong makisabay sa pagpapanic nila sa masikip na LRT. Pero ayun nakaabot naman kami at medyo naghintay din kami ng flight namin na medyo nalate ng konti yung airplane. 


First time ko sumakay sa eroplano kaya medyo excited ako. Tinatakot ako nila ate masakit daw sa tenga pag nag take off at nag landing. Habang naglalakad kami papasok sa plane, sobrang kinakabahan ako sa excitement. Ganun pala sa plane. Parang bus lang kaso sobrang conveniet. May sinuturong pangkaligtasan pa. Medyo masakit sa tenga yung pressure pero may tactika naman para mawala. It's either lumunok ka lang or mag dighay :)


After 1 hour and 15 minutes na byahe via himpapawid, nakapagland din kami sa city of Golden friendship--- Cagayan de Oro city, Misamis Oriental, Northeastern Mindanao. Susyal ang first tawid dagat ko. Mindanao pa ang inabot ng paa ko. Kita naman na masaya ako sa mga kuhang ito diba?


Our Plane
Ako, si Josh at si Ate. Kakalanding lang sa CDO
Si kuya Jomel, ako, at si ate




After that, hinatid na kami sa accomodation. Habang byahe, tinitingnan ko ang environment ng CDO. Malinis, check! Malapit sa kalikasan, check! Civilized, check! Ang lalaki ng high way--check! At dumating na kami sa accomodation namin. 


Fast forward


Kung saan saan kami gumala sa cagayan de oro. Ang dami kasing mapupuntahan doon. may divisoria din doon. Akala ko nga niloloko nila ako na sa divisoria kami pupunta, aba meron pala talaga. Kainan siya, ang daming pagkaen saka mura lang. Nagpunta din kami sa iba't ibang pasyala tulad ng Limketkai mall, SM CDO, Cogon Market, Divine Mercy etc. madami, masaya! 


Nakaabot pa nga kami sa may Iligan City, Lanao del Norte--Sa may Maria Cristina Falls. Ang ganda ng falls. First time ko makakita ng real falls in person kaya namangha naman ako. Akala nga namin pwede magswimming kaya nagdala kami ng damit pero hindi naman din pala. Pero oks lang, busog na busog naman kami sa burger over looking the flass. Eto yung ilang pics sa Maria Cristina Falls:


Ang Maria Cristina Falls
Nakarating na dain sa Maria Cristina. Yehey!
Magkapatid :)
Meet the gang :)
Halos lahat kami dito :) Go team Bulacan! :))


What's fun with my CDO adventure, yung makameet ka ng mga bagong friends mo. I know lahat ng kasama ko taga bulacan because we're one solid YFC Bulacan pero iba-ibang lugar din naman kami sa bulacan. Doon naging close ko silang lahat especially sa dalawang brothers na kasama ko palagi. Taga Central Bulacan sila samantalang ako sa South Bualcan. May nameet din kaming kaibigan, YFC CDO siya. Siya yung naging kasama namin sa paglilibot. Kumbaga siya yung nagtour saamin sa CDO. Napakabaet niya. Actually kaming apat ng naunang 2 brother ko na binaggit ang laging magkakasama. Sad nga lang kasi iba sila ng accomodations.


Ang pinakamasaya sa CDO adaventure, yung makasama mo yung 6000+ YFC na kasabay mong umuupo sa grounds at nakikinig sa mga teachings. Kasabay mo na nagwoworship at nagdadasal. Kasabay mong natouch ang buhay.








April 18, 2011, flight back namin pauwi ng bulacan. nakakalungkot kasi tapos na yung pinakahihintay kong sandali ng 2011. Magkakahiwahiwalay na kami ng mga bago kong close friends. Pero that's life. May facebook naman at cellphone for communication. Saka ang mahalaga, may pag-iipunan na ulit ako. Next year's International Leaders Conference ay sa AKLAN na. Wee, BORACAY!


Bawal daw magpicture gamit ang phone. Sorry naman pasaway ako. 


Salamat sa mga nagbasa :)


Credits to ate Jerri Mae and Josh gatan for the pictures. 

Wednesday, April 20, 2011

seventeen

What's significant with the number 17?
Wala lang.
It's just a number for most of us. Siguro madami sa inyo ang nagtataka kung bakit puro about seventeen, or I guess madami na din ang nakahula kung bakit.

Yes you got it right. I just turned 17 last April 16, 2011. Graduate na daw ako sa pagiging sweet at isang taon na lang sa pagiging legal na mamamayang Pilipino. Tumatanda na raw ako. Ayos lang. It's still part of being a human.

How did I celebrated my day?
Sobrang special at unforgettable ng birthday ko na ito. Unang una, ito ang birthday ko na hindi lang ako nakatambay sa bahay dahil nalulumbay sa isang bakasyong matamlay. I was out in the streets of Cagayan de Oro, lakad ng lakad with my newly met friends. Umattend kasi ako ng 18th International Leaders Conference ng Youth for Christ in Cagayan de Oro.

Inabot na ako ng birthday ko sa lansangan ng CDO kasi 15th ng gabi ay nag night market kame at kumaen sa divisoria ng CDO. Pagkagising ko, hindi alam ng mga kasama kong brothers sa accomodation na birtdhay ko pala. Nalaman lang nila pagdating sa main vanue nung binati na ako ng ilang sisters na kasama namin from bulacan.

What happened on that day?
Naset-up ako sa SM CDO. Akala ko may i-memeet kami ng 2 kasama kong bro. Ayun pala isusurprise nila ako. Binigyan nila ako ng party hat, balloon, cotton candy and some foods at kinantahan nila ako sa gitna ng SM. Fantastic. Kahit na parang pambata ay natuwa pa rin ako. Very unusual kasi sa akin ang sorpresahin sa birthday ko since lagi namang bakasyon ang birthday ko.

After which, nagpunta kami sa isa pang mall sa di kalayuan. Sa may Limketkai mall kumaen kami ng masarap na ice cream and pastry sa Missy Bon Bon. Kinagabihan nagsimula na ang enlightening sessions and worships.

Sobrang sarap magbirthday together with 6,000+ brothers and sisters from my YFC community. Ang sarap mag worship. Ang sarap ng feeling. Though wala akong internet source doon para mabasa ang sangkatutak na birthday greetings sa FB, ayos lang. Kasi mas masarap yung mag worship. yang facebook makakapaghintay yan.

By the way, super natuwa ako sa mga nagbigay na rin ng picture greetings kahit na namilit lang ako. Pinasaya niyo ako.

(from avery. F super salamat. Ang ganda!)

(from andre. Salamat nak. Ikaw pinakauna. Salamat sa tyaga magedit)

(from taba Lanz. Tabs, tal;agang first time mo ba mag flame photography? salamat na appreciate ko to.)

Kahit na tatlo lang kayo, it doesn't matter. lahat kayo mahal ko pa rin.

Birthday wish?
Ang gusto ko lang naman ay mabuhay ng matiwasay with good health, walang paparazzi, may mabuting sources ng mga pangangailangan ko, may mga kaibigan na makakasama and most especially isang matatag na pamilya. Material things? okay lang kung meron pero it's not my priority.

Oh siya, salamat ng madami sa mga nakaalala. Salamat kay God sa pagbibigay sa akin ng isa pang taon par maexperience ang tinatawag na buhay. A truly remarkable birthday it was and I hope to have more fantastic birthdays to follow.