Thursday, December 15, 2011

Hala sige takbo!

(Oops na post bigla yung title nito kahit wala pang body. Eh kasi naman, naka iPad daw kasi. Libre lang ito ngayon kasi next year eh may bawas na ito sa aming free 20 hour of Internet service.)

Ayun nga. Ngayong araw ang huling araw ng klase ngayong taon (I suppose). Karamihan kasi sa mga teachers namin ay hindi na nagkaklase kasi dama na namin ang Christmas season. Iba na rin talaga ang simoy ng hangin dito. Ang kakaibang laming nito ay humihila as akin pabalik as kama as tuwing pipilitin kong gumising ng maaga. At ngayon nga, mabibigyan ko na ng hustisya ang pagod kong katawan. Ang sarap Siguro matulog ng matulog.

At dahil nga huling araw ng taon, may pahabol din na pasabog ang isang kilalang frat dito as UPLB. Alam ko nahulaan niyo na---OBLATION RUN. Naging tradition na ito ng unibersidad kahit noon pang hindi pa ako estudyante dito. Silang mga nagsisitakbong nakahubad, bitbit ang mga placards at Rosas, matapang na ipinahahayag ang kanilang saloobin sa isang isyu kahit na hindi nila batid kung nakukuha ba ng mga tao ang nais ipahayag oh ang natatandaan lamang nila ay ang kanilang mga katawan na nakalantad sa madla.

Ito ay isang katotohanan. Siguro nga, noong mga bago pa lang ay epektibo talaga ang ganitong paraan ng pagproprotesta.Ipinakikita kasi nito ang transparency ng tumatakbo. Ipinakikita nito ang malinis na hangarin ng tumatakbo na bilang isang sinserong nagproprotesta ay handang ipakita ang lahat. Hindi ko lamang alam sa panahon ngayon. Totoo na may impact ang ginagawa nila pero yung impact ba na yun ang naiiwan sa mga isipan ng mga Tao? Nakasisiguro akong mas pag-uusapan pa ng mga tao ang kanilang mga pinakatatago kaysa sa isyu na kanilang ipinahahayag. Yaon ang katotohanan.

Ang pagtakbong hubad ay isa lamang pamamaraan ng pagproprotesta. Maraming pang ibang pamamaraan. Sa lahat ng ito, isa lang naman ang nais ipabatid ng mga nagproprotesta---ang maipahayag ang kanilang saloobin sa karapatan na pilit Ipinagkakait sa kanila.

Kaya naman, bilang isang mag-aaral ng pambublikong unibersidad, Paaral ng gobyerno at ng sangkapilipinuhan, naniniwala Ako na may karapatan ako. Dahil doon, may kakayahan akong ipaglaban ang sa tingin ko ay tama. Gayun din, sumusuporta Ako sa pagkikipaglaban sa mga isyu na bumabagabag sa aming mga mag-aaral Hindi man ito sa pamamagitan ng pakikitakbo sa oblation. Susuporta Ako sa pamamagitan ng pagpapahayag ng asking sarili sa ganitong uri ng peryodiko.

Higit sa mga Rosas at hubad na katawan ang mensaheng gustong iparating nga oblation run. Umaasa Ako na Ito ang tatatak sa isipan ng mga manonood nito Mamaya.

Hala, sige takbo.

Related Posts:

  • 15th President of the Republic of the PhilippinesHindi lingid sa kaalaman ng lahat ng may isip na ngayon ang araw ng panunumpa ng nahalal na bagong pangulong Benigno Simeon "Noynoy" C. Aquino III sa Quirino Grand Stand. Isa itong history na matatawag dahil matapos ang 9 na … Read More
  • Point of Information Mr/Ms Speaker...Napa OMG talaga ako dahil sa debate na yan (ayy OMG ibang party pala yon), I mean napaSMILE na lang ako ng matapos ang debate namin kanina sa harap ng madlang sangkatauhan ng eskwelahan namin. Nagkaharap na kasi kanina yung 2… Read More
  • PagbabagoPagbabago...Sabi nga sa nakaraang post ko eh walang permanente kundi pagbabago. At obviously bago din ang lay-out ko dahil gusto ko ng pagbabago. Kasabay din ng pagbabago ng layout na ito ay ang pagbabago ng background music … Read More
  • Nadapa ako"Ako nga pala si Louie Renz A. Sucaldito, mula sa IV- St. Luke, TUMATAKBO bilang secretary on board under SMILE party....."TUMATAKBO. Bakit nga ba ito ang term na ginagamit pag eleksyon? Namulat na lang ako sa ganitong sistem… Read More
  • Bloggerong Politiko :Unang araw ng Hulyo, eto na rin ang araw ng botohan para sa KANLUNGAN Student Body Organization ng school namin. Isang normal na araw para sa karamihan. Araw naman ng kaba para sa akin. Eto na ang araw na judgement kung talag… Read More

1 comments:

Anonymous said...

Oblatioooon Run! Hahaha! Baka sa susunod ay ikaw ay makitakbo na rin. :))) Joke. Anyways, sige, ipaglaban mo ang sa tingin mo'y tama. Good luck! XD