Ilang oras na lang ay magpapalit na naman ng taon. Isa na namang makabuluhang taon ang magtatapos at may bagong taon na naman na papasok para matututo. Sa totoo lang, ang daming nangyaring pagbabago sa akin ngayong taon na ito. Sobrang daming blessings ang aking natanggap ngayong taon na ito.
Una ay sa academics. Noong January ay hindi ko talaga alam kung saan ako papasok sa kolehiyo. Nagpapasalamat naman ako dahil ako pa ang namili sa tatlong unibersidad na tumanggap sa akin at tulad nga ng nasabi ko dito sa blog ko, UPLB ang pinili ko. Nakapagtapos rin ako ng high school ngayong taon. Kasabay rin ng pagtatapos na iyon ang maraming karangalan na aking tinanggap. Nagbunga ang ilang taon na aking pinaghirapan! Sulit na sulit! Naging maayos din ang aking unang semestre sa UPLB. Magaganda ang grado na aking nakuha. Sana lang ay magtuloy-tuloy ito. :)
Pangalawa, sa aking pamilya. Nakakatuwa lang dahil sa tinagal tagal naming pag-aaya sa parents namin na sumali sa Couples for Christ eh napapayag na namin sila. Sobrang dami rin ng material blessings na dumating sa pamilya namin.
Pangatlo, sa buhay YFC ko. Naging active ulit ako sa YFC this year. By God's grace, nakapunta ako sa International Leader's Conference sa Cagayan de Oro. Nakapagserve din ako sa Provincial Youth Conference dito sa aming probinsiya bilang emcee. Nakapunta rin ako sa Regional Youth Conference sa Bataan. All for God ika nga. Basta YFC, kayang magtiis makaipon lang at makapunta sa mga events.
Pang-apat, sobrang dami kong nakilala ngayong taon. Ikaw ba naman na ilagay sa isang lugar na totally wala kang kilala. Ilan na jan ay yung mga dormmates ko especially yung room 207 barkada ko, ang BS Electrical Engineering Bloc W1, ang YFC UPLB Campus Based, ang Students with a Purpose especially the Thursday Group at ang maraming maraming naging classnates sa iba't-ibang subjects. Sila kasi yung nakatulong sa akin para magadjust sa bagong environment na ito.
Panghuli, ang mga trials. I consider them as blessings in disguise. Binigay yun ni God sa akin, at sa family ko para mapagtibay ang akin/aming loob. Hindi naman kasi nagbibigay si God ng trials na hindi natin kayang lampasan. Malaki ang tiwala niya sa atin kaya binibigyan niya tayo ng blessings.
Sa totoo lang, kulang ang mga salita upang idescribe kung gaano naging makulay ang aking taon. Hindi rin makaya ng aking kamay na i-tipa lahat lahat dito. Magkagayun man, lahat ng mga nangyari ngayong taon ay nag-iwan ng aral sa akin. Sigurado yun! Nawa ay naging makabuluhan din ang inyong taon.
Kaya nga may NEW YEAR kasi may bagong pagkakataon. Kung hindi naging maganda ang taon na ito, subukang bumawi sa susunod. Life's full of second chances.
Let's make it on 2012! Bawi tayo sa kung ano man ang naging failures natin. For this coming year, I'll try to be more mature, tutal, I'll be turning 18 this 2012. Legal na! Malaki na ang responsibilidad.
Maraming salamat sa pagiging parte ng buhay ko sa simpleng pagbabasa lang sa blog na ito. I-try ko din magblog hangga't kaya :)
Happy New Year! Cheers to 2012!
4 comments:
Bilib ako sa fighting spirits mo! Hehe. Kaya mo `yan! Nalampasan mo nga ang 2011 e. 2012 pa kaya. ;) Tiwala lang sa Kanya. :)))
Bilib ako sa fighting spirits mo! Hehe. Kaya mo `yan! Nalampasan mo nga ang 2011 e. 2012 pa kaya. ;) Tiwala lang sa Kanya. :)))
happy new year....
Gud pm can I use the piece the anatomy of a Filipino posted in your blog for the book I am wriitng for educational purpose? please email me at csedilla@yahoo.com thanks
Post a Comment