Thursday, June 9, 2011

Unang Tikim

Nasundan nga ang huli kong post at ngayon nasa isang computer shop ako sa loob ng campus ng UP Los Baños. Apat na araw na din ako dito. Sa loob ng apat na araw na yon ay marami akong mga bagong karanasan. Iba't ibang unang tikim sa buhay kolehiyo.

Hinatid na ako ng parents ko dito last monday at nagstay ako sa New Forestry Residence Hall sa may upper campus ng UPLB. Di naman kaiba sa akin ang mga araw na walang kasamang magulang kaya ayos naman sa akin na magdorm, lalo pa't komportable ang lugar. Nakakapanibago kasi wala na ngang gumigising sa akin sa umaga, nagluluto ng pagkain ko at nagpapayo sa akin, pero sa loob ng apat na araw na pamamalagi ko sa kabundukan ng makiling eh masasabing nakakapagadjust na din ako.

Maayos naman ang naging pakikisama ko sa aking mga roommates. Sa bawat kwarto eh apat ang tao pero sa kaso namin, hindi pa rin lumilipat ng UPLB ang isa. Sana eh ganun na nga lang para maluwag kami sa kwarto.

Official na nagstart akong pumasok noong Tuesday. Campus tour lang naman iyon na nakakapagod. Pero bago ako mapagod, sobrang nakakabobo as in. LATE ako sa campus tour, meaning to say hindi ko nahanap sa pila ng mga estudyante yung block ko kasi nakaalis na daw sila. Medyo pinawisan na ako noon pero good thing may tumulong naman sa amin. nakapagtour rin kami ng maayos at ayon nalaman ko kung saan ako papasok na building.

Wednesday, walang masyadong klase. Puro opening convocation lang, University wide at sa college namin. Bago pala yun ay nagkaroon din ng librang almusal para sa aming freshmen. Medyo hindi masyadong madami ang nakain ko kasi nga hindi ko na mahawakan yung ibang binibigay na pagkain pero ayos lang kasi nga nabusog naman ako. Nakapagbond ako with my new friends sa UPLB. Isang ka course ko-- BSEE; at isang BSIE. Ang twist nga lang eh maghapon umulan, so maghapong babad ang paa ko sa tubig. nakatsinbelas lang kasi ang Renz. Ayos lang, new experience. At isa pa, nakailang brownout din ang naexperience namin.

Ngayon, dalawa lang ang subject ko. Isa sa umaga at isa sa hapon at pareho na silang tapos. Medyo nakakapanibago kasi large class kami pero siguro nasasaakin din naman yun kung magpapadistract ako or hindi. Ngayon din, balak ko na lumakad sa sakayan pa forestry kung nasaan ang dorm ko. Medyo madalang ang jeep na umaakyat doon sa upper campus eh kaya magaabang na ako.

Di ko alam kung masusundan pa ito ulit pero sana.

Salamat sa patuloy na suporta at hinihiling ko ang panalangin ninyo na sana makaya ko itong lahat. :)

4 comments:

mots said...

sa uplb dapat ako papasok kaso ipinagpalit ko siya sa Bulsu. hihi wala kasi akong pang dorm hahaha

Anonymous said...

i missed this post. di ko nabalitaan na may bago kang post. haha:)) anyways, good to know na nakapag settle ka na sa bago mong mundo. :D i know you're gonna do great. embrace every experience as if you'll never experience it again. ingats lagi! :DDD

Anonymous said...

ps.

nalimutan kong lagyan ng pangalan ko.

-batangG

Arlet Villanueva said...

HAHA, mahirap talaga ang large class pwera na lang kung asa first row ka :)) sana naman wala kang class TBA, madalas mapagtripan ang freshie dati dahil sa TBA eh :))