Wednesday, April 27, 2011

Cagayan de Oro Adventures

Naaalala ko pa noon. APRIL 11, 2010. Nasa Baguio ako. International Leaders Conference din yun. Annually kasi umiikot yung venue for ILC. Tapos inannounce na sa CAGAYAN DE ORO daw ang susunod. Napabuntong hininga na lang ako. 


Cagayan de Oro? Ang layo. Makakapunta pa kaya ako? Sana...


Umasa ako na makakasama ako sa Cagayan de Oro. Mas naexcite pa ako nung nalaman ko na yung ILC CDO ay tatama sa mismong araw ng birthday ko. Mas may pag-asa na akong makasama sa kadahilanang hihingin ko yun na birthday gift at graduation gift. Nung una ayaw nila ako pasamahin. Kesyo masama daw magbyahe pag birthday, pag graduation. pero wala na silang nagawa. Inilibre ako ng ate ko. (Thanks ate sa treat!)


April 14, 2011 and scheduled flight namin. Two days before pa lang eh nagaayos na ako ng gamit for 5 days. Di naman halatang excited diba? First time ko kasi bibyahe ng tawid dagat. Very unusual na payagan ako nun. Buti na lang kasama ang ate ko.


Umalis kami dito sa bahay ng 10am. Ang flight kasi namin at 3pm. aabot pa kami. Kaso may thrill. Traffic pala sa Manila kahit wala ng pasok. Ang bagal pa ng LRT na nasakyan namin. May sinusundan daw na train. Woooo. Kabado sila kasi daw baka daw di na daw kami makapagcheck-in. Ako naman nakatayo lang. Di ko alam kung dapat ba akong makisabay sa pagpapanic nila sa masikip na LRT. Pero ayun nakaabot naman kami at medyo naghintay din kami ng flight namin na medyo nalate ng konti yung airplane. 


First time ko sumakay sa eroplano kaya medyo excited ako. Tinatakot ako nila ate masakit daw sa tenga pag nag take off at nag landing. Habang naglalakad kami papasok sa plane, sobrang kinakabahan ako sa excitement. Ganun pala sa plane. Parang bus lang kaso sobrang conveniet. May sinuturong pangkaligtasan pa. Medyo masakit sa tenga yung pressure pero may tactika naman para mawala. It's either lumunok ka lang or mag dighay :)


After 1 hour and 15 minutes na byahe via himpapawid, nakapagland din kami sa city of Golden friendship--- Cagayan de Oro city, Misamis Oriental, Northeastern Mindanao. Susyal ang first tawid dagat ko. Mindanao pa ang inabot ng paa ko. Kita naman na masaya ako sa mga kuhang ito diba?


Our Plane
Ako, si Josh at si Ate. Kakalanding lang sa CDO
Si kuya Jomel, ako, at si ate




After that, hinatid na kami sa accomodation. Habang byahe, tinitingnan ko ang environment ng CDO. Malinis, check! Malapit sa kalikasan, check! Civilized, check! Ang lalaki ng high way--check! At dumating na kami sa accomodation namin. 


Fast forward


Kung saan saan kami gumala sa cagayan de oro. Ang dami kasing mapupuntahan doon. may divisoria din doon. Akala ko nga niloloko nila ako na sa divisoria kami pupunta, aba meron pala talaga. Kainan siya, ang daming pagkaen saka mura lang. Nagpunta din kami sa iba't ibang pasyala tulad ng Limketkai mall, SM CDO, Cogon Market, Divine Mercy etc. madami, masaya! 


Nakaabot pa nga kami sa may Iligan City, Lanao del Norte--Sa may Maria Cristina Falls. Ang ganda ng falls. First time ko makakita ng real falls in person kaya namangha naman ako. Akala nga namin pwede magswimming kaya nagdala kami ng damit pero hindi naman din pala. Pero oks lang, busog na busog naman kami sa burger over looking the flass. Eto yung ilang pics sa Maria Cristina Falls:


Ang Maria Cristina Falls
Nakarating na dain sa Maria Cristina. Yehey!
Magkapatid :)
Meet the gang :)
Halos lahat kami dito :) Go team Bulacan! :))


What's fun with my CDO adventure, yung makameet ka ng mga bagong friends mo. I know lahat ng kasama ko taga bulacan because we're one solid YFC Bulacan pero iba-ibang lugar din naman kami sa bulacan. Doon naging close ko silang lahat especially sa dalawang brothers na kasama ko palagi. Taga Central Bulacan sila samantalang ako sa South Bualcan. May nameet din kaming kaibigan, YFC CDO siya. Siya yung naging kasama namin sa paglilibot. Kumbaga siya yung nagtour saamin sa CDO. Napakabaet niya. Actually kaming apat ng naunang 2 brother ko na binaggit ang laging magkakasama. Sad nga lang kasi iba sila ng accomodations.


Ang pinakamasaya sa CDO adaventure, yung makasama mo yung 6000+ YFC na kasabay mong umuupo sa grounds at nakikinig sa mga teachings. Kasabay mo na nagwoworship at nagdadasal. Kasabay mong natouch ang buhay.








April 18, 2011, flight back namin pauwi ng bulacan. nakakalungkot kasi tapos na yung pinakahihintay kong sandali ng 2011. Magkakahiwahiwalay na kami ng mga bago kong close friends. Pero that's life. May facebook naman at cellphone for communication. Saka ang mahalaga, may pag-iipunan na ulit ako. Next year's International Leaders Conference ay sa AKLAN na. Wee, BORACAY!


Bawal daw magpicture gamit ang phone. Sorry naman pasaway ako. 


Salamat sa mga nagbasa :)


Credits to ate Jerri Mae and Josh gatan for the pictures. 

8 comments:

MiDniGHt DriVer said...

Ayos.. Team Bulacan... Ako na lang kulang.. hehehe

Ang taas pala talaga ng maria cristina falls, at ang ganda.

Rico De Buco said...

kaw na ang leader hehehe..wow buti ka pa nakarating ka na jan ako hindi pa

krn said...

masarap ang bawal. kitams ang ganda ng kuha mo. hehehe. ang saya... inggit naman ako.

Renz said...

@sir midnight driver wow taga bulacan ka din po sir? where particularly?

@sir rico de buco haha. makakarating ka rin po dito soon :)

@ate krn madami pa akong kuha na aerial view. hal;os lahat ata. hehe. wag mainggit dadating ka din po jan :)

Bino said...

never been to cdo. maganda pala ang lugar ah

BatangGala said...

nice photos! kitang kita namin na nag enjoy ka talaga. gusto ko ring makarating sa maria christina falls. at oo, ikaw na matangkad! hehe:)) sensya na ah, minsan na lang makadalaw sa blog.

cagayan de oro jobs said...

Seems that you have had fun in visiting our place here in Cagayan de Oro. Thanks for the positive comments. We hope you could go back to the City of Golden Friendship anytime soon.

Anonymous said...

Great post over again. Thank you:)