Sunday, December 25, 2011

Pasko

Pasko (Pangngalan)-- Panahon kung saan ang mga pantalon ay nagsisikipan at ang salitang diet ay taboo.

HAHA

Pasko na naman. Panahon na naman ng sandamakmak na party na katatampukan ng sandamakmak na pagkain. Pilitin mo mang pumikit para hindi iyon makita, maaamoy at maaamoy mo pa rin ito at ito ang magiging dahilan ng iyong pagmulat muli. Bwahahaha. 

Ang pasko rin ay sinasabi nila na para sa mga bata which is I agree. Sobrang nami-miss ko lang yung kabataan ko, I mean here nung sobra pa akong bata ha, (mag 18 pa lang naman ako), madami akong natatanggap na mga regalo. Iba't ibang klase ang mga iyon. Mula sa damit, laruan at siyempre ang pinakagusto ng mga magulang--cash. Alam niyo yan! Ang cash na regalo sa bata ay napupunta sa magulang. Tama? haha. Ngayong pasko na ito, wala na akong masyadong natatanggap na regalo. Mayroon man, simple lang ito at kaunti. Hindi kagaya noon na ang dami talaga.

Salamat naman at malaki na ako. Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Alam ko na kung bakit madaming handa tuwing Pasko--ipinagdiiwang kasi natin ang kaarawan ng ating hari na walang iba kung hindi si Hesukristo. Alam ko na rin kung bakit ang mga bata ang lubhang masaya sa Pasko--dahil gaya ng pagbibigay ng tatlong hari ng regalo sa sanggol na ipinanganak sa Bethlehem, binibigyan natin ng mga regalo ang mga bata. 

Simple lang ang naging pasko ko at ng aking pamilya. Ngayon na lang kami nakumpleto ulit sa araw ng Pasko. Hindi kasi kami nakauwi nila mommy sa probinsiya kasi may pasok na agad sila kinabukasan. Hassle naman daw. Kaunti lang ang aming handa. Tamang tama lang iyon upang pagsaluhan namin sa aming hapag. Wala rin kaming mga bagong damit na suot suot. Tama na sa amin ang aming mga lumang damit. Sinalubong namin ang Pasko na magkakasama at nagdarasal. Sobrang isang napakagandang regalo sa akin yung makapaglead ako ng dasal para sa pamilya ko. Sobrang masarap na regalo na rin yung yakap ng mga magulang at kapatid mo. Walang materyal na bagay ang tutumbas pa sa regalong natanggap ko ngayong pasko. 

Tunay na ang panahon ng kapaskuhan ay panahon ng pagsasaya. Marapat lang naman kasi na ipagdiwang natin ang kapanganakan ng Kristo na nagligtas sa atin. Sa kabila ng malalakas na tugtugan, bumabahang inuman at nakabubusog na kainan, huwag natin kalimutan na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagpapasalamat sa regalo ng panginoon sa atin--si Hesus. 

Bukod doon, alalahanin din natin ang mga kapatid natin na mas nangangailangan ng ating mga tulong.

Mula dito sa sulatkamayko, ako at ang aking pamilya ay bumabati sa inyo ng isang mapagpalang Pasko! 

Related Posts:

  • seventeen17 (seventeen) is the natural number following 16 and preceding 18.In mathematics- seventeen is the 7th prime number.In Science- the atomic number of chlorine.In the United Kingdom, the minimum driving age for a car or van.In… Read More
  • Hala sige takbo!(Oops na post bigla yung title nito kahit wala pang body. Eh kasi naman, naka iPad daw kasi. Libre lang ito ngayon kasi next year eh may bawas na ito sa aming free 20 hour of Internet service.) Ayun nga. Ngayong araw ang hul… Read More
  • Unang TikimNasundan nga ang huli kong post at ngayon nasa isang computer shop ako sa loob ng campus ng UP Los Baños. Apat na araw na din ako dito. Sa loob ng apat na araw na yon ay marami akong mga bagong karanasan. Iba't ibang unang ti… Read More
  • Buhay pa akoAkalain niyo yun, dahil sinasamantala ko lang ang libreng wifi na nasasagap ni laptop mula sa di kalayuang hostel na karamihan ay koreano eh naisipan kong magbukas ng blog at nangati naman ang aking daliri na para bang may ut… Read More
  • Bangon CDOAlam ko, madami na ang mga blog posts tungkol sa sinapit ng Mindanao sa kadaraang bagyong Sendong, pero heto pa rin ako upang makiisa sa pagtulong, hindi man sa pamamaraan ng pagvovolunteer, kung hindi sa isang panawagan. Ala… Read More

3 comments:

Axl Powerhouse Network said...

maligayang pasko kaibigan!!!

Goyo said...

Maligayang pasko sa'yo Rens!

Unknown said...

Merry Christmas, bro!