Wednesday, September 22, 2010

Sa bawat

Sa bawat lukso ng isang tao, babagsak at babagsak pa rin siya sa lupa.

Sa bawat pagkain mo, ilalabas at ilalabas mo rin iyan sa kahit anung paraan.

Sa bawat pagbili mo ng bago, unti-unti ay malalaos din iyan at mapipilitan ka na palitan iyon.

Sa bawat talbog ng bola, patuloy itong bumabagsak.

Sa bawat patak ng ulan, nababasa nito ang kalsada.

Sa bawat pagkupit sa pitaka ng nanay ay katumbas ang kurot sa ating konsensiya.

Sa bawat mahabang lakarin ay may kaakibat na pagod.

Sa bawat pihit sa manibela ay may kaakibat na dereksyon.

Sa bawat tinta ng bolpen na iyong inaaksaya, mas maraming math problems pa ang hindi mo masasagutan.

Sa bawat pagkagat ng lamok, kasunod lagi ang pantal at kati.

Sa bawat hithit ng sigarilyo ay paglalagay ng kalahati ng buhay sa hukay.

Sa bawat eksaminasyon na sinasagutan at ipinapasa, unti-unting lumilinaw ang bukas.

Sa bawat pagtipa ko sa keyboard na ito, mailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin.

Sa bawat aksyon na ating ginawa, ginagawa at gagawin, palaging may bunga o epekto na kasunod. Maging positibo man o negatibo ito. Lahat ng bagay na mangyayari bukas ay nakasalalay ngayong mga oras na ito. Kung nanaisin mo ng magandang bukas, gumawa ka ng maganda. Kung ayaw mo di huwag.

Dahil

Sa bawat pangyayari, may tamang reaksyon. Nasasaiyo kung paano ka magrereact.

Sa bawat problema, may solusyon, maging mapamaraan at ibukas lamang ang mata.

Ika nga eh nasa huli ang pagsisisi. Nagawa mo na ang isang bagay. Matuto kang panindigan ito, maging positibo ito o lalong higit kung negatibo.

Dahil

sa bawat pagkakadapa ay may pagkakataong bumangon

sa bawat pagbangon ay may pagkakataong lumakad

sa bawat paglakad ay may pagkakataong marating ang nais marating.

Tandaan, sa bawat Gabi, kasunod nito ang bagong umaga.

Related Posts:

  • SMPI know right, usong uso ngayon ang abbreviation na SMP dahil sa commercial ng to the left to the left bottomless ang saya. Kung iisipin ang OA diba, Paskong pasko tapos ikaw magmumukmok. Yung tipong 24 ng gabe tapos noche bue… Read More
  • Smile day in RENZ wayBisitahin ang page. Click mo ang SMILEDecember 8, 2009, last year yun, nagsimula ang adbokasiyang ito. Ito ay isang advocacy ng co-blogger na si Mr. Charlie Montemayor o kilala sa tawag na LordCM. Ngayon, December 8, 2010 na.… Read More
  • PatayPatay na patay ang utak ko ngayong mga panahong ito. Kailan ba hindi? Lagi ko na lang binablog ang pagkatigang ng utak ko. Kasabay kasi ng buwan na ito kung saan ginunita ang araw ng mga patay eh mukhang patay din ang isip ko… Read More
  • Frustration to Inspiration Ako ay isang frustrated photographer.  Nung high school nag-simula ang fascination ko sa pag-kuha ng mga litrato. Sa pag-kakatanda ko, nagsimula ito dahil nanghihiram-hiram ako ng DSLR sa mga kaklase ko noon. Since g… Read More
  • DedicationSinulat to ng classmate ko tungkol sa akin dahil sabe ko sulat siya tungkol sakin. Desperado? Hindi naman. During those times kasi eh nasa library kame ng school, nagtratraining kame for interschool competition at nagkataon n… Read More

5 comments:

2ngaw said...

nice parekoy, ganda ng mensahe...at parang parehas tayo ng gustong iparating sa latest entry ko :D

kikilabotz said...

khit kelan hnd mo ko nabigo sa mga entry. always magndang basahin ^_^

Sendo said...

in summary, pag may buhay, may pag-asa hehe ^^

DRAKE said...

palong palo ang mensahe!!!

Nice post, ganda!!

Ingat

BatangGala said...

niiice!!! sa bawat post mo...may natututunan ako. :D