Wednesday, September 22, 2010

Sa bawat

Sa bawat lukso ng isang tao, babagsak at babagsak pa rin siya sa lupa.

Sa bawat pagkain mo, ilalabas at ilalabas mo rin iyan sa kahit anung paraan.

Sa bawat pagbili mo ng bago, unti-unti ay malalaos din iyan at mapipilitan ka na palitan iyon.

Sa bawat talbog ng bola, patuloy itong bumabagsak.

Sa bawat patak ng ulan, nababasa nito ang kalsada.

Sa bawat pagkupit sa pitaka ng nanay ay katumbas ang kurot sa ating konsensiya.

Sa bawat mahabang lakarin ay may kaakibat na pagod.

Sa bawat pihit sa manibela ay may kaakibat na dereksyon.

Sa bawat tinta ng bolpen na iyong inaaksaya, mas maraming math problems pa ang hindi mo masasagutan.

Sa bawat pagkagat ng lamok, kasunod lagi ang pantal at kati.

Sa bawat hithit ng sigarilyo ay paglalagay ng kalahati ng buhay sa hukay.

Sa bawat eksaminasyon na sinasagutan at ipinapasa, unti-unting lumilinaw ang bukas.

Sa bawat pagtipa ko sa keyboard na ito, mailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin.

Sa bawat aksyon na ating ginawa, ginagawa at gagawin, palaging may bunga o epekto na kasunod. Maging positibo man o negatibo ito. Lahat ng bagay na mangyayari bukas ay nakasalalay ngayong mga oras na ito. Kung nanaisin mo ng magandang bukas, gumawa ka ng maganda. Kung ayaw mo di huwag.

Dahil

Sa bawat pangyayari, may tamang reaksyon. Nasasaiyo kung paano ka magrereact.

Sa bawat problema, may solusyon, maging mapamaraan at ibukas lamang ang mata.

Ika nga eh nasa huli ang pagsisisi. Nagawa mo na ang isang bagay. Matuto kang panindigan ito, maging positibo ito o lalong higit kung negatibo.

Dahil

sa bawat pagkakadapa ay may pagkakataong bumangon

sa bawat pagbangon ay may pagkakataong lumakad

sa bawat paglakad ay may pagkakataong marating ang nais marating.

Tandaan, sa bawat Gabi, kasunod nito ang bagong umaga.

Related Posts:

  • InconsistencyAko yung tipo ng tao na gustong i-try lahat ng bagay--wag lang drugs at yosi. Ako yung tipo ng estudyante na bibong-bibo. Oo sige, sabihin na natin na ako yung tipo ng tao na mahangad or in other term eh gusto lahat maachieve… Read More
  • Contest lang, walang personalan.PAUNAWA(Lahat po ng ideyang mababasa dito ay mula lang sa aking isip. Wala akong nabasa o narinig mula sa kalaban. Lalong higit, hindi ko sila sinisiraan. Nagsasabi lamang po ako ng nais kong sabihin. Hinihingi ko po ang inyo… Read More
  • Sa bawatSa bawat lukso ng isang tao, babagsak at babagsak pa rin siya sa lupa.Sa bawat pagkain mo, ilalabas at ilalabas mo rin iyan sa kahit anung paraan.Sa bawat pagbili mo ng bago, unti-unti ay malalaos din iyan at mapipilitan ka n… Read More

5 comments:

2ngaw said...

nice parekoy, ganda ng mensahe...at parang parehas tayo ng gustong iparating sa latest entry ko :D

kikilabotz said...

khit kelan hnd mo ko nabigo sa mga entry. always magndang basahin ^_^

Sendo said...

in summary, pag may buhay, may pag-asa hehe ^^

DRAKE said...

palong palo ang mensahe!!!

Nice post, ganda!!

Ingat

BatangGala said...

niiice!!! sa bawat post mo...may natututunan ako. :D