Tuesday, September 14, 2010

untitled

I blog to express. Not to impress.


wala lang. Wala kasi akong maisip na introduction para sa post na ito. naisip ko lang i-publish ang mga walang kwentang doodle poem na trip ko ngayong ipublish sa gitna ng usong-uso na dengue, sore eyes, at kung anu-anong sakit, pati sakit ng katawan pwede na rin. Sa gitna ng mga damong pinuputol ng maintenance sa school. Sa gitna ng lamesang pinagsulatan ko nito. Eto na, eto na, walang kokontra.

Pagkatapos niyo pala basahin kayo na magbigay ng title, wala akong maisip kasi napagtripan ko lang naman talaga ito isulat sa 5 minutes ng buhay ko XD.

Untitled

Buhay, O buhay
Punum-puno ka ng kulay
Kasiglahan mong taglay
Sagot sa aking pagtagulaylay

Puso, O puso
LAGI KANG NATUTUKSO
damdaming laging bumubugso
Puso ko, ikaw ay lumulukso

Tubig, O tubig
Buka ka ng aking bibig
Ikaw ang aking ibig
Ikaw ang buhay ko, O tubig

Bolpen na aking panulat
Ikaw sa akin ay nagmulat
Ikaw sa kanila'y gumulat
sa mga likha ko na ikaw ang pinanulat

Tama na nga itong kahangalan
gasgas na ang aking pangalan
ano nga ba ang inyong kasalanan?
nadawit pa kayo sa aking kahangalan.

Ang corny no, pero tulad nga ng nakalagay sa pinakataas, I Write to express, not to impress. Maimpress man kayo o hindi ayos lang.

(muka akong tanga ngayon. Sabog na sabog ako)


LORD LET ME SURPASS THESE

Related Posts:

  • You are the Moon- by MalfunctioningEto ulit ang panibagong poem ng aking kaibigan na si MALFUNCTIONING na kung maaalala niyo sa entry na Ballpen at Papel, kung saan ipinakilala ko siya.Sana ay magustuhan ninyo ito at magiwan sa inyo ng mga aral.You are the Moo… Read More
  • Moving on again and again (by me :D)Mahirap sa love ang one sided. (hindi yan bangs hah). Mahirap mag move on. At pag nagmove on kana at muli siyang nagparamdam sa iyo, malamang sira ang efforts mo. Ang saklap ng ganitong sandali sa buhay. Naexperience ko na to… Read More
  • Pananaw ukol sa Pag-ibigLOVE is in the AIR, mapabata man o matanda lahat yan may sariling interpretasyon sa sinasabing LOVE. Eto ang isa, isang interpretasyon ng 4th year high school tungkol sa pag-ibig sa opposite sex. Sana magustuhan niyo yung tul… Read More
  • untitledI blog to express. Not to impress.wala lang. Wala kasi akong maisip na introduction para sa post na ito. naisip ko lang i-publish ang mga walang kwentang doodle poem na trip ko ngayong ipublish sa gitna ng usong-uso na dengue… Read More
  • This Sleepless Night- by Louie Renz (That's me)This sleepless night-by: Louie RenzYou’re the reason why I can’t sleep tonightYour Face, Your everything still vivid at my sightAm I in love or deeply infatuated?At times you’re with him, I feel very frustratedIn love, yes it… Read More

5 comments:

Allen said...

hahaha.. wla din ako maisip na title sir.. pero parehas tayo, to express, not to impress..hirap magisip ng title sa khit anong blog..haha

Allen said...

maganda yan sir.. gnyan din layunin ko..haha

wla din ako maisip na title jn eh..haha

Led said...

Pre, isa kang literary genius! Haha
Maganda yung tema ng tula mo. :)

krn said...

Puso, O puso
LAGI KANG NATUTUKSO
damdaming laging bumubugso
Puso ko, ikaw ay lumulukso

nakkksss. in lab si renz!
joke :)

Sendo said...

expresso blog ^^ hehe..ayos ^^