Sa bawat pagkain mo, ilalabas at ilalabas mo rin iyan sa kahit anung paraan.
Sa bawat pagbili mo ng bago, unti-unti ay malalaos din iyan at mapipilitan ka na palitan iyon.
Sa bawat talbog ng bola, patuloy itong bumabagsak.
Sa bawat patak ng ulan, nababasa nito ang kalsada.
Sa bawat pagkupit sa pitaka ng nanay ay katumbas ang kurot sa ating konsensiya.
Sa bawat mahabang lakarin ay may kaakibat na pagod.
Sa bawat pihit sa manibela ay may kaakibat na dereksyon.
Sa bawat tinta ng bolpen na iyong inaaksaya, mas maraming math problems pa ang hindi mo masasagutan.
Sa bawat pagkagat ng lamok, kasunod lagi ang pantal at kati.
Sa bawat hithit ng sigarilyo ay paglalagay ng kalahati ng buhay sa hukay.
Sa bawat eksaminasyon na sinasagutan at ipinapasa, unti-unting lumilinaw ang bukas.
Sa bawat pagtipa ko sa keyboard na ito, mailalabas ko lahat ng gusto kong sabihin.
Sa bawat aksyon na ating ginawa, ginagawa at gagawin, palaging may bunga o epekto na kasunod. Maging positibo man o negatibo ito. Lahat ng bagay na mangyayari bukas ay nakasalalay ngayong mga oras na ito. Kung nanaisin mo ng magandang bukas, gumawa ka ng maganda. Kung ayaw mo di huwag.
Dahil
Sa bawat pangyayari, may tamang reaksyon. Nasasaiyo kung paano ka magrereact.
Sa bawat problema, may solusyon, maging mapamaraan at ibukas lamang ang mata.
Ika nga eh nasa huli ang pagsisisi. Nagawa mo na ang isang bagay. Matuto kang panindigan ito, maging positibo ito o lalong higit kung negatibo.
Dahil
sa bawat pagkakadapa ay may pagkakataong bumangon
sa bawat pagbangon ay may pagkakataong lumakad
sa bawat paglakad ay may pagkakataong marating ang nais marating.
Tandaan, sa bawat Gabi, kasunod nito ang bagong umaga.
5 comments:
nice parekoy, ganda ng mensahe...at parang parehas tayo ng gustong iparating sa latest entry ko :D
khit kelan hnd mo ko nabigo sa mga entry. always magndang basahin ^_^
in summary, pag may buhay, may pag-asa hehe ^^
palong palo ang mensahe!!!
Nice post, ganda!!
Ingat
niiice!!! sa bawat post mo...may natututunan ako. :D
Post a Comment