Usapang Alak
Alak, nakakalasing, nakakatanggal daw ng problema (pero pansamantala lang), isang way daw ng paglalabas ng sama ng loob, isang pampalipas oras, at kung anu-ano pang alibi na maririnig sa mga taong tumatangkilik ng alak. Hindi naman sa kumokontra ako sa paginom ng alak, sino ba naman ako diba, pero nakakabadtrip kasi minsan ang ibang epekto ng alak sa mga taong nagdadala nito :)
Sa totoo lang, di ako masyadong umiinom, una sa lahat dahil bata pa ako, at yon lang pala ang reason ko :) Bata pa ako, pero dahil na rin sa curiosity eh napapasubo na rin sa mga pashotshot at patagong inuman.
What can we get from drinking?
Sabi ng iba, nakakatanggal ng sama ng loob pag lasing kasi paglasing nasasabi lahat ng hindi kayang sabihin pag normal ka right? Moody ang mga lasing lalo na yung mga uminom dahil sa problema. Kesyo pag uminom ka, lutang ka, masasabi mo lahat ng gusto mo, tapos kinabukasan parang wala na kasi di mo na maaalala kasi lasing ka lang nun. Whatever di ko naintindihan :)) Basta ang sakin lang, oo pansamantala mo ngang makakalimutan ang problema mo pag uminom ka pero tandaan mo, PAANO BUKAS? iinom ka nanaman ba? Sus , maawa ka naman sa atay mo :)
Sabi ng iba past time! What the hell! past time na pala ang unti-unting pagpatay sa sarili, so past time mo na ang pag bilang sa araw ng iyong kamatayan at pagbibilang ng sakit? How poor! Kung sa tingin mo magandang past time ang paginom, mag blog ka na lang :)). Saka ang dami pang iba jang alternatives, yung tipong healthy sayo, physically--sports, intellectually, etc.
Bakit nga ba ako nabobother sa alak na yan?
Alam niyo kasi, concern lang ako sa mga taong nalululong sa alak, in a bad sence. Alam niyo yon, di pa end of the world, bakit kelangan magpakalango sa alak?
The best way to kill your problems ay ang isang SMILE sabi nga ni Lord CM.
And to those na talaga namang alcoholic na, hinay hinay lang, atay niyo oh, :) Saka tandaan lang mabuti, WAG ILAGAY SA ULO ANG AMATS NG ALAK, SA TIYAN LANG, para iwas gulo :)
bakit ko nga ba nakuwento toh? meron kasi nangyaring something ngayong gabi lang may konekta dito sa lak na toh :)
oh siya, tagay tagay!
6 comments:
Tama ka jan! Sa tyan lng dapat ilagay ang alak...
aba teka manginginom k b? bata ka p ah? hehehe
ako alcoholic. lol. joke lang. hehe
masarap uminom kahit mapait lasa. labo noh?
Hmmm...mahirap na tanggalin sa "Atin" ang alak kasi naman halos parte na rin ito ng Tradisyon nating mga Pilipino...gaya na rin ng sabi ng iba(narinig ko lang) di kompleto ang saya pag walang alak sa party...
ahm sa totoo lng di ko pa nrrnasan ang mkpginuman haha kaya di ko lam ang feeling ng lasing, pero nktikim na ko ng alak ksee tntry ko din mnsan ung mga alak ng tatay ko pag tulog siya, patago lng. tikim lng tlga kse curious lng. haha
BEER - Helping ugly people have sex since 1862. lol. nakita ko lang sa pics.. :))
masarap uminom ng alak depende sa set-up. happenings/party/reunion. minsan kasi boring kung kwentuhan lang maghapon, masarap may pampainit.. :)
na-follow na kita..nasa blogroll na din kita.. :)
@jag hehe ui di ako ganun umiinom, nakikitikim alng :D
@choknat yun nga ang irony dun, mapait na nga sige pa rin :)
@bad_mj97 yap tama ka dun, ang point lang eh wag sobra sobra diba?
@keso apir! pareho pala tayo, ako medyo patanggong shots lang para di mahalata na uminom pero sobrang dalang lang nun :)
@goyo ang kulit naman nung quote, totoo ba yun? hehe kulit talaga :)
Post a Comment