Tuesday, March 9, 2010

Para sa isang Kaibigan

Ang mundo ng pagbloblog ay lubhang napakalawak. Napakaraming bloggero't blogerra ang maeencounter sa blogosphere kung kanila ngang tawagin. Sobrang saya magblog. Dito mo nailalabas ang lahat ng iyong saloobin, o anu mang gusto mong sabihin. Dito rin makakabasa ng mga hinaing ng ibang tao.

Nagsimula akong magblog noong isang taon lang. Wala pa akong isang taon dito sa blogosphere pero tingnan mo naman, ang dami ko ng friends, andami ko ng readers. Ang daming tumatangkilik sa mga likhang isipan ko, at higit sa lahat, nararamdaman ko naman na tanggap nila ako.

Sa mga nakalipas na buwan sa mundong ito, iba't ibang klase ng tao yung naencounter ko. Yung iba akala ko nanjan palagi para sumubaybay, pero mamaya'y biglang maglalaho. Hindi ko rin sila masisisi. Maski akop ay ganun na rin. Pero may mga blogger na sobrang subaybay sa aking mga blog post. Matiyagang binabasa at matiyagang nagiiwan ng mga ilang salita sa aking post.

Isa na diyan si BATANGGALA. Siya yung blogger na talaga namang binabasa yung mga gawa ko. (ewan ko alng. sa tingin ko naman ehh) Nabasa niya na ata yung laman ng isip ko. (kasi puro yung topic lang naman sa blog ko na girl laman ng isip ko ^^), nakibahagi na rin siya sa kilig moments ko kahit hanggang panaginip lang yun, at nakiramay sa kaemuhan ko :D

Batanggala, salamat dahil isa ka sa mga tunay na kaibigan ko dito sa mundong ito, na lubhang napakalawak, at dahil birthday mo ngayon, binabati kita ng HAPPY SWEET 16 :D. Yes 16 na siya, ako 15 pa rin :D Don't worry isang buwan at isang linggo lang naman kita magiging ate. Happy Happy Happy Birthday Batanggala.

Friends, greet niyo siya. Click kayo dito.

---Renz

2 comments:

Renz said...

kjfhdskf

Anonymous said...

,vncx,mvncx.,jnv,cxnvkhglfdkghdfk