Bukas, simula nanaman ng Mahal na Araw, isang linggo ng pagaayuno, at pagbabaliktanaw sa mga nangyari noong mga ilang libong mga taon na rin ang nakararaan. Linggo nanaman ng palaspas. Ito ang pang 15 beses kong magdiriwang ng linggong ito.
Naalala ko lang nung bata ako, aliw na aliw ako sa mga palaspas. Ang sarap kasi tignan nung kapag babasbasan na yung palaspas eh bubuhatin pa ako ni papa tapos iwawagayway ko yung palaspas. Ang saya. Pero ngayong malaki na ako at dahil nga pinagaralan namin, naunawaan ko na ang tunay na diwa ng linggong ito.
Noong bata ako, palibhasa pag mahal na araw ay malapit na ang kaarawan ko, ay hindi ko feel magsacrifice or what so ever, laro lang dito laro doon, maski biyernes santo yata eh walang patid ang paglilibang, pero ngayon, nalaman ko na ang diwa noong mahal na araw.
Noong bata pa ako, madalas akong magyaya magbakasyon sa kung san sang lugar, sa mga masasayang lugar, pero nalulungkot lang ako dahil hindi nila tinutupad iyon, ngayon nauunawaan ko na kung bakit.
Dati pag nagaaya ako magswimming ng mahal na araw sinasabi ng mga tita ko walang tubig ang swimming pool, nagtataka ako, bakit wala? pero ngayon may isip na ako, naiintindihan ko na kung bakit.
Noon, ayaw na ayaw ko magsimba, lalo na pag ganitong holy week. Manonood na lang ako ng mga palabas sa tv, mga mini drama, at kung anu-anu pang cartoons, pero ngayon, gusto ko naman magsimba, babawi ako sa mga nakaraang mahal na araw na sinayang ko. Malaki na ako, alam ko na ang tama at mali, at ngayon, mas malinaw na sa aking isipan ang tunay na diwa ng mahal na araw.
Sana, sa darating na linggong ito, sana ay makiisa naman tayo sa paghihirap ng ating DIYOS. Kalimutan muna natin ang mga saya, isang linggo lang ang hinihinge NIYA para makiisa sa kanya, di pa ba natin tutugunan?
Ikaw ano ang gagawin mo sa Holy Week?
0 comments:
Post a Comment