Saturday, March 6, 2010

JS Prom

Isa sa pinakamasaya, exciting at pinakahihintay na moment ng mga juniors at seniors ay ang JS prom. Grabe super saya neto, at alam kong napakaunforgettable ng araw na to.

Inannounce sa klase na magkakaroon daw kami ng JS. Wooo ang saya. Naimagine ko agad yung gabi, tapos with lights, with music. Naexcite ako.

After ilang days, eto na ang pinakahihintay na JS. Bago maggabi, naligo ako, super ligo, nagbihis, powder, ayos ng buhok, salamin, pabango, ayos ng damit, at isa pang ronda sa salamin bago pumunta sa school. Ayun, mejo magsisimula na pala ang prom. Sakto ang dating ko.

Pagdating doon, nagsimula ang party, dancing, foods etc ang daming ginagawa sa party. Siyempre naisayaw ko lahat ng gusto kong isayaw pero pinakamasaya yung last dance ko. Siya yun. :D

Siyempre ang bagal ng oras, super bawat kilos ko, cherish lahat. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, at ako ang bumasag ng katahimikang iyon. Papalapit ang muka ko sa tenga niya upang ibulong ang TATLONG salitang iyon ng biglang...


BOOOOOOGGGG

Nauntog ako! Shit nananaginip nanaman ako. Wala nga pala kaming JS kasi pinarusahan ang mga naklaraang batch ng seniors at pati kaming mga juniors ay nadamay. Tsk. Sayang, gusto ko pa naman magkaJS. Inggit ako sa kapitbahay namin na super kwento sa JS nila kaya siguro napanaginipan ko.

Tsk.

Di ko tuloy nasabi yung tatlong words na yon.

2 comments:

batanggala said...

tssssk! kinikileg kileeg na ko, tapos biglang banat ng, panaginip!haha. ayos ah. malay mo neks yir meron na kayong prom. kami kaya kelan?haha

bad_mj97 said...

Hahaha..bitin.sayang di mo nasabi ung 3 words na un ano nga ba un???hehehe