Wednesday, March 3, 2010

Ang Bilis

Welcome back again dito sa blog ko after ng ilang linggo ng pagkabusy. Actually pinigilan ko lang talaga ang sarili ko na magblog kasi nga I need to set my priorities. Syempre 4th grading na kaya napakadaming projects. Shooting dito, gawa ng photography, edit ng movie, gawa ng libro overnight walang tulog at umabsent para tapusin yon, gumawa ng chart, poems at research. What the...Junior pa lang ako ganito na ang routine ko, what more next yr? What more sa college. Idagdag pa dito ang final exams na COVER TO COVER 100 items. Tae nakakahagard talaga.

PERO

Set aside na natin iyan. So kanina ay tuluyan na akong nagpaalam sa TEST PAPER! tapos na ang finals naming mga nasa honor roll. Naks! Iinggitin namin ang mga classmate na nagdudusa pa rin sa eskwelahan hahaha. :D Sa July na ulit kami magkakaharap ni test paper ahoo. At sobrang saya kasi liwaliw na lang at baon ang dahilan ng pagpasok.. Ay konting shooting pa pala para sa noli me tangere na movie namin :D

Grabe ang bilis ng panahon. Parang kelan lang eh nag hayskul ako, ngaun malapit na ako grumaduate. Isang taon na lang, aalis na ako sa scgool na naging pangalawang tirahan ko sa loob ng 11 taon. Akalain mo, dati iniisip ko lang na gragraduate ako ng elementary sa bagong covered court ng school namin, ngaun, nalalapit nanaman ang pagakyat ko sa entablado para magtapos ng hayskul.

Isang taon na lang, lalabas na ako sa tunay na mundo. Magaapply na ako for colleges, at magtatapos na ang kasiyahan ng hayskul.

Ang bilis ng panahon. Isang araw magigising na lang ako, Graduation na. Susulitin ko na ang natitirang isang taon sa highschool :D

3 comments:

Kosa said...

Tama yan!
sulitin ang Buhay Hayskul!
mare-realize mo lang kapag tapos ka na kung gaano kasaya ang hayskul kahit gaano ka-busy!

goodluck.

KESO said...

wb renz hehe. kya pla mtgal tgal kitang di nramdaman. busy busyhan pala. and weee. lapit n mg4th yr.. sguro sa ngayon mgiging exctd kn grumadweytt pero pgdating mo ng college, super mamimiss mo ang hyskul life.

stupidient said...

take your time,,,