Wednesday, March 10, 2010

Teacher

Sa 12 taon ng pagaaral ko mula nursery hanggang nagyong third year high school ay iba't ibang guro na ang aking na encounter. May masungit, may mabait, magaling, medyo sablay, nakakatawa, tamad at kung anu-anu pa.

Pero ang isang guro ay hindi lamang tulad ng mga perception na hindi approachable. Ang mga guro ay simpleng tao din, na dumaan rin sa buhay ng mga estudyante.

Ngayong third year ako, mayrron akong isang guro na nakakaaliw talaga :D Minsan may pagkamasungit, pero grabe sa tawa. Isang kembot lang daw ang lahat. Kumekeme keme pa. yan si Ms. Fat. Adviser namin ngayong third year.

Newly graduate lang siya, at first year of teaching niya at maswerte kami dahil siya ang adviser namin dahil magaling talaga siya.

First time na nakita ko siya siyempre nung nagenroll ako sa school, siya kasi yung moderator ng theater arts club na nagprapractice ng theater act nila so ayun, super bossy yung dating niya at muka namang magaling.

Sa nakalipas na ilang buwan, 10 buwan to be exact, naging masaya ako dahil isa ako sa mga estudyante niya. Sobrang saya ng mga oras na kasama namin siya, kung saan saan pati sa 7 eleven, sa birthdays ng classmate at iba pa. Super nakakaloko ang tawa na malaki ang boses :D Super payo, super chat sa FB super dance lahat na ng super nasakanya. Kulang nalang ata bato para magtransform na siya.

She is the person who always motivates me to soar high. Naalala ko pa nga kanina yung mga payo niya habang one on one kaming naguusap. "You're smart, you think critical. I know you are somebody in this class. Push and study hard but not to the point that you're not enjoying anymore."

at ito yung pinakanagustuhan ko sa lahat ng sinabi niya. "...I consider you one of my friends (not just a student)"


Pag mabasa niyo po ito :D Kembot na lang :D

5 comments:

krn said...

naks, new layout. its nicer huh. new profile pic din. nice=) you are lucky na meron kang teacher na katulad nya. may mga mababait talagang teachers pero sa experience ko, mas madami ang mga terrors at gustung gustong nahihirapan ang mga estudyante, laging nagmamagaling na parang sila lang may alam lagi,natutuwa kapag may naibabagsak at nagtatago pag pirmahan ng clearance. in your case, you are indeed lucky and blessed.=)

Arvin U. de la Peña said...

tiyak lagi kang pasado sa kanya..hehe..she consider you as a friend not a student..

kaspangarigan said...

Ipagpatuloy mo lang ang magandang relationship na yan. Actually nagpa-practice ka na sa puntong yan dahil sa mundo na iyong patutunguhan (ang trabaho o hanapbuhay) ay ganyan dapat na attitude ang kailangan upang matamo mo ang tagumpay.

Huwag ka lamang manira ng iba para ka kagiliwan. Alam mo bang ang sumbong ng sumbong at mapagsipsip ay ugali ni Satanas?

Rev 12:10 At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.

KESO said...

una sa lahat, ang cute ng layout mo ha hehehe. san mo to nakuha. haha

alam mo, kng may babalikan tlga ako, e yun ang buhay highschool ko, kung saan hndi lng pangalawang nanay ang turing ko sa mga guro ko noon kundi parang mga bestfriends n din. haaay. kkmisss. ibng iba na kse ngayong college, bsta mssbi ko sayo mgpkaenjoy sa buhay hyskul. hehe.

Renz said...

@karen anne, mga bata pa kasi mga teachers namin kea aun mejo nagegets nila takbo ng isip namin. :D thanks for the compliments :D

@kuya alvin. bukod naman dun ehh nagaaral naman ako kaya papasa talaga :) naks confident

@kaspangarigan thanks for a nice comment :D

@keso nakuha q layout q sa btemplates.com :D kaya nga yan din ang naririnig ko sa kanila dats why ineenjoy ko na ang experience with a nice teacher :D