Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes. Kung tutuusin isang linggo na lang at magtatapos na ang klase. Ang bilis. Isang taon nanaman pala ang lumipas. 10 buwan ng pagaaral, 10 buwan ng pagtitiis, 10 buwan ng pagdidiskubre ng mga bagay-bagay, at 10 buwan ng matinding dramahan. 10 buwan ng pinatinding pagkakaibigan, 10 buwan ng kasiyahan. Ngayon, isang linggo na lang. Ang bilis talaga ng panahon.
Higit 10 mga proyekto ang aming pinagpuyatan, na talaga namang pinagtiyagaan ipagpaliban ang pagfafacebook para sa mga bagay na iyon. Ilang mga tampuhan at ilang pagkakaibigang nagbalik ang nangyari rin sa taong ito. Siguro, itong taon na to ang pinakadramatic sa lahat ng taon ko sa high school.
Sa taong ito labis na nasaktan dahil sa unang pag-ibig. Sa taong ito naranasan ang kataksilan ng kaibigan, sa taong ito naranasang umiyak sa harap ng kaklase, sa taong ito mas nabuild up ang confidence upang humarap sa maraming tao, sa taong ito naranasang unti-unting lumagpak, at sa taon ding ito natutong gumawa ng ilang kalokohan.
Ilang beses kong binalikan ang mga nangyari sa taong ito. Napakarami pala talaga. Mababakas sa mga pictures ng buong klase sa facebook at friendster. Ang sarap balikan kahit mga simpleng pangyayari lang.
Isang linggo na lang mga dude, at hahantong na tayo sa sukdulan ng ating pagiging high school. Seniors na tayo mga dude, pagkatapos ng 6 na tulog na yon. Mamimiss ko kakulitan natin, yung mga food trips, 7 eleven trips, sm trips, overnights, laughing trip, soundtrip, jamming, dance trips, joke trips, mga use it in a sentence, kopyahan sa seatworks at assignments at marami pang iba.
TRESDESANJUAN0910 Love ko kayo lahat, sulitin na natin last week :D
9 comments:
just enjoy ur summer vacation buddy...
Nakaka miss talaga ang pagiging highschool. Magkaiyakan pa kayo nyan sa graduation.hehehe
hi der, batanggala hir. ay rayming? hehe... wow, sinyor kana, kongrats! buti ka pa, ako, halos tatlong taon pa ang bubunuin ko sa bwakanang hayskul...hehe... eniwey, na miss ko tuloy bigla ang hayskul layp ko dati... basta gudlak na lang sa neks yir en i-enjoy ang samer. :)
p.s.
naiinggit tuloy ako, buti pa kayo samer na, sana ako din. :(
=)
@kua jag thanks buddy...enjoy yours too.
@dark lady wala pa ngang graduation kasi third year pa lang nagkakaiyakan na. Partida 4 sleeps pa :)
@batanggala ka batch dapat kita right? hmmm ilang years ba ang high school jan sa bankowber? yaan mo makakagraduate ka rin :)
and thanks for the good luck..sana kayanin ko next yr. :)
ganun talaga kapag nag aral..gragraduate,hehe..i miss high school days..
i agree with Jag..
**buntunghininga!..**
isa pa nga!
**buntunghininga!!!!**
haaaaaays. nakakamiss ang Highschool.
nalungkot naman tuloy ako..
Pero ayus lang yan!
kailangang mag-level up sa lahat ng laro sa mundo! kaya naman pag-igihan nyo ang huling isang taon pa sa HS.
goodluck sa totoong laban ng Buhay!
ang saya saya tlga ng hyskoool. high is cool tlga. mgpka enjoy sa bkasyon. hihi
@kua arvin kea nga po, malapit lapit na rin ako grumadweyt
@kosa thanks po :D kakayanin ko toh :D
@keso yeah high is COOL talaga :D at magpapakaenjoy ako sa bakassyon :D
Post a Comment