Pader
Isang post nanaman tungkol sa isang bagay na walang kamuwang-muwang sa mundo. Isang matibay na pader.
Ano ba ang pader? Sa post na ito, ipakikilala ko ang pader bilang isang bagay na masakit.
Naniniwala ka ba sa quote na "Friends can be Lovers but Lovers can't be friends."?
Siguro ako maniniwala na. Based on my experience yap, tama to.
Pag friend mo, pwede mong hawakan yung kamay ng walang malisya. Pwede mong titigan, pede kang makipagbonmding ng walang maiilan. Lahat pede. Walang limitasyon. Walang pader.
Pero bakit pag pinagtapat mo na ang tunay na hangarin ay unti unti na ring tumataas ang tila isang pader na humaharang sa inyong dalawa? Isang pader na pilit pinaglalayo ang dalawang taong nais magsama. Isang pader na mahirap akyatin, Isang pader na napakataas at wala ka ng magagawa kundi umalis at maghanap ng ibang daan.
Bakit pag nagpapakatotoo ka saka pa siya lalong nagagalit? Ito ay realidad na masaklap na nagaganap sa buhay ng bawat isa- lalong lalo na ang mga kabataan.
Ano ba ang dapat gawin para mabasag yung pader na yun?
Share ko lang na minsan naencounter ko din yang pader na yan. Ano ba ginawa ko, act natural as if di ko nakikita yung pader. Umiwas ako at unti unti kong napapansin na sa paglipas ng mga taon ay natitibag din pala ang pader na naghihiwalay sa akin at sa kanya. Unti-unting bumalik ang friendship.
PERO
Masyado akong naexcite. Siguro na miss ko lang yung mga times na nagkahiwalay kame kaya masyado akong natuwa sa pagkawala ng pader. Dumating ang balita. Ang luha muling tumulo, at ang pader ay unti-unting binuo muli upang maghiwalay sa amin.
Hay sayang. Hihintayin ko nanaman gumuho ang pader na iyon.
9 comments:
Nagkakaruon lang naman ng isang pader na pilit maglalayo sa inyo kung mayroong isa na hindi sang ayon sa nangyayari...
Tulad na lang sa pag ibig,magkakaruon lang ng pader na maglalayo sa inyo kung isa lang ang nagmamahal, pero kung nagmamahalan kayong dalawa, hawak ng kamay, akbay, halikan, lahat yan walang malisya at walang limitasyon dahil parehas kayong nagmamahal sa isa't isa...
Nice metaphor dude! The wall that you are talking about is such a mess. It is making a barrier between two people...
Friends can be Lovers but Lovers can't be friends."?
Slightly true.. That is why I am afraid to tell my bestfriend how much I love her. Because I know that the words That I will say will make a gab between our relationship..
Kudos For You!
Bakit kailangan pang hintaying masira ang pader...
Gawa ka na lang sarili ninyong rules... Hehe :)
@ mister llama basta maging matapang ka lang dude. It's better to say the truth than to hide it because of your pride. :)
@ LordCM awts. tama ka. ako lang naman ang nagmamahal. Masakit pero totoo
@ Mangyan Adventurer mahirap kasi eh. one sided love toh eh
Friends can be Lovers but Lovers can't be friends."?
sa tingin ko medyo true sya para sa iba, pero may kilala din naman ako na dati lover's sila pero ngaun mag bestfriend na sila.
Friends can be Lovers but Lovers can't be friends."?
medyo true sya para sa iba, pero meron din naman akong kilala na dati lovers sila, pero ngayon mag bestfriend na sila.
ihian ang pader para mawala. takteng yan. haha.. nice post.
aww. one sided. hirap nyan. teka nblangko ako, di ko lam kung anong maiipapayo ko,sawi ako ngayon, pass muna. :D
@ mm meron din akong kilala pero parang ang hirap kasi ehh
@ aneng. salamat :D ihian? pede rin XD
@ Keso yap sobrang mahirap talaga
Post a Comment