Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin. Tunay ka bang isa samin?
Grabe sobrang sikat ngayon ng commercial na yan ni MV, isang kandidato sa darating na eleksiyon para sa pagkapresidente. Naisip ko lang, sa isang araw na paulit-ulit pinapalabas itong commercial na ito sa isang araw, at ilang araw sa isang linggo, at ilang linggo sa isang buwan eh sobrang daming pera na ang natapon doon. Hindi lang yon, ilang commercials na din ang nailabas niya? di ko na nga din mabilang. Pati mga TV personel pasimple pa sa pagaadvertise.
I'm not saying na mali ang ginagawa niya. Ano nga ba naman ang alam ko, ni hindi ko nga alam kung paano bomoto nor hindi pa rin ako botante. 15 anyos pa lang ako, magaaral at ewan ko ba bakit pati ang pulitika pinapasok ng isipan ko.
Back to the lyrics ng kanta.
"Si V ang tunay na mahirap..."Paano naging mahirap? Tignan mo lang yung sa commercial niya diba. Ewan ko ba. Ang politika talaga ang gulo. Tapos pag naluklok san kukunin ang pinangkampanya?
Tsk..isip-isip mga kababayan.
5 comments:
BASE!!! oo tama ka renz..
nakakabaliw pa minsan dahil LSS ako jan sa lintik na kantang yan/ wahahahaha
Hindi nmn cguor nya gawin yun kung wala syang sapt n budget, eh kung ganun mamumulubi si Villar, anyway, let us wait sa darating na election para malamn natin.
magandang labanan to between Villar and Aquino!
Pera sa Pera!
pakulo sa pakulo!
akooooo...
ako ang tunay na mahirap.
pero Hindi ako naliligo sa dagat ng basura!
mahirap ka na nga, sa Dagat ng Basura ka pa maliligo?
sa malinis na tubig na ahhh!
taena! hehehe
perstaym ko po dito
teka walang kinalaman ang comment ko sa post mo... hehehe kasi kahapon pa yata ako galing dito sa kuta mo at simula nun di na nawala ang kanta mo sa utak ko... hahahaha
nice blog parekoy
@aneng..natatawa na nga lang ako pag naririnig ko yung kanta LOL..
@tim yun na nga lang ang magagawa natin.maghintay at para sa inyo--bumoto..Di pa kasi ako botante
@Kosa di ka tunay na mahirap..nakakapagblog ka nga eh :LD
@saul yung back at one po ba?
Post a Comment