Tuesday, December 13, 2011

Buhay pa ako

Akalain niyo yun, dahil sinasamantala ko lang ang libreng wifi na nasasagap ni laptop mula sa di kalayuang hostel na karamihan ay koreano eh naisipan kong magbukas ng blog at nangati naman ang aking daliri na para bang may utak ito at naisipang tumipa ng tumipa sa keyboard. Ang tagal ko ding nawala. Who would have thought? kakaunti lang naman ang mga readers nito at sigurado naman ako na di niyo napansin na nawala ako. (self pity?) haha. De joke lang.

Sa totoo lang, na miss ko magsulat dito sa pahinang ito. Marami akong naitagong drafts na hindi ko na pinost dahil feeling ko inappropriate kaya hayaan na lang natin ang mga iyon. Ang mahalaga, heto ako ngayon at tumitipa upang may pag-aksayahan naman ako ng oras at ng sa gayon ay maaksaya din ang oras niyo. bwahahaha

So yeah, okay naman ako dito sa UPLB. Parang noong isang taon lang eh nangangamba ako kung saan nga ba ako mag-aaral ng kolehiyo pero ngayon isa na akong iskolar ng bayan. Patuloy pa rin naman akong nangangarap katulad ng dati. Patuloy ko pa rin pinag-iigihan sa aking pag-aaral dahil ito na talaga yung realidad. Dito ay hinuhulma ko na ang aking bukas. 

Mahirap sa umpisa dahil una sa lahat malayo ka sa pamilya mo. Pero actually sa umpisa lang yun. Mga 3 days. joke sige mga 5 days naman. Sanay na din kasi ako na kung saan saan napupunta at medyo sanay din naman ako makipagsoscialize kaya ayun madali naman akong nakacope dito. Sa katunayan nga, sobrang masaya na ako ngayon dito kasi ang dami ko ng mga kaibigan. Hindi ko na iniisip kung lilipat pa ba ako sa UP Diliman kasi mas malapit sa amin. Parang dito na ako nakaugat eh. Parang taga laguna na talaga ako. haha

Sa loob ng isa at two fifths na semester, feeling ko madami na akong natutunan lalo na sa kulturang UP. Ibang iba ito sa school na kinagisnan kong pasukan. Una, public school ito. Pangalawa, ang laki ng grounds at ang daming students. Pangatlo, open-minded ang mga tao at ang mga sensitibong usapan sa mga private school ay hindi taboo dito. Pang-apat, freedom kung freedom dito. Walang pakialamanan kung ano man ang trip mo sa buhay. Pang-anim ay may pang pito pang rason. basta, sobrang madami. feeling ko nagiging tunay na tao ako dito sa UP. Kahit sinasabi pa nila na ang mga estudyante ng UP ngayon ay MATATAPANG na lang. 

Gaya nga ng sinasabi sa header ng blog na ito, patuloy na iikot ang mundo. Marami pa akong maeexperience at sigurado akong iyon ay ang bubuo sa future na ako. Masyado pang maikli ang nailagi ko sa unibersidad upang sukatin kung ano na nga ba ang narating ko. sa ngayon, binalitaan ko lang kayo sa kung ano nga ba ang nangyayari sa akin. 

Invalid na yung reason ko na wala akong gamit pang-blog kasi may laptop na pero humihingi ulit ako ng pasensiya kung hindi ko ito maisisingit sa schedule kong malupit. Haha.

Yun lang, maraming salamat sa pagbibigay ng oras sa pagbabasa. :) hanggang sa muli!

2 comments:

mots said...

welcome beck balakubeck! galingan mo sa uplb. balita ko maraming mumu jan hehe

Anonymous said...

Yeah! Hahah! Best of luck! Madami ka pang matututunan habang dumadaan ang mga araw. Enjoy lang at keep the fire burning!