Thursday, December 30, 2010

Year End Awards


Isang taon nanaman ang magtatapos. Sa loob ng labindalawang buwan ng patuloy kong pagbloblog eh mas madami akong nakasalamuhang bloggero at bloggera kahit sa internet lang. aaminin ko, mas lumawak ang mundo ko dahil sa blog. Mas madaming kwento ang aking nababasa. Mas madaming experiensiya ang aking nasaksihan.

Sa taong ito, masasabi kong mas sumaya ang buhay blogging ko. Mas lumago ang communidad na ginagalawan ko sa blogging world. Kaya naman, bilang pagpupugay sa mga natatanging blogs na pumukaw ng aking damdamin at nag-inspire lalo magblog sa mga susunod pang mga taon, narito ang isang simpleng award.

Wala naman pong value ang awards na to at hindi kasing prestiyoso gaya ng sa iba. Ito ay simpleng recognition para sa inyo.

Una sa listahan ko,
THE CARTOONIST AWARD
para sa blogger na talaga namang napapaWOW ako every time na may bago siyang post dahil hindi nawawala ang mga litrato na karamihan ay GAWA NIYA mismo. Sobrang talented nitong blogger na ito kaya para sa kanya talaga itong award na ito.
Para kay sir MOTS ng TEACHERS PWET

Ikalawa sa listahan,
THE INSPIRING BLOG
Very positive ang outlook sa buhay, ganyan ko nakilala si sir George ng PALIPASAN. Hindi niya ako nabigong maimpress sa mga gawa niytang nakakaenlight namang talaga. Karapat dapat na ikaw ay tumanggap ng award na ito.



Ikatlo sa listahan,
THE LITERARY IDOL AWARD
Siya na ang talented gumawa ng kwento, tula at haiku. Hindi niya ang nadisappoint sa mga kwento niya. Lagi pa akong nabibitin. Sobrang idol ko to sa simula pa lang na nagblog ako. Kaya sir PANJO ng TUYONG TINTA NG BOLPEN, para sayo ang award na ito.

Ika-apat sa listahan,
THE PICTURESQUE BLOG
Para naman ito kay sir ANTON ng PUSANG KALYE na talaga namang nakakabilib ang mga shots. Kaya nga nominee ko siya for TABA 2010 eh. Kakaiba talaga. Hindi ko mapigilan mainggit at magsabing "bukas magkakaroon din ako ng DSLR" haha. Sir, para sa inyo ito.


Huli sa taong ito,
THE PROMISING AWARD
Ito ay para sa blogger na nakikita kong maganda ang future dito sa blogging world. Isa siyang OFW na kasing tanda ko lang. Hanep nuh, pero ang husay niya magsulat. Kilala niyo na ba siya? Edi si JANINE ng BATANGGALA. Etong ka-batch ko na to eh nagiimprove na sa kanyang mga akda. Mapapiksyon man o realidad. Idagdag pa ang nakakatuwang pakikipagusap niya sa kanyang sarili. Oh diba promising talaga. Batanggala, para saiyo itong award na ito.

Sa mga hindi nabigyan ng award, hindi naman po ibig sabihin eh hindi ko gusto ang blog ninyo. Gusto ko din po pero ang mga blogs na napili sa itaas ay ang mga blogs na pumukaw sa aking damdamin.

Sa lahat naman ng makakabasa neto, Salamat dahil naging parte ka ng sulatkamayko ngayong 2010.

Sa mga awardees, salamat sa inyong blogs. Keep blogging.

Sa susunod na year end meron ulit.

9 comments:

zyra said...

yey c0ngrats

Axl Powerhouse Network said...

wahhaha ako wala.. kakatampo naman hehehe.. no its ok.... thanks for being part of my world in my blogsphere.... in this 2010 i learn a lot on u, on your exposure... thanks for sharing your thought..
have a great and wonderful new year :D

Anonymous said...

awww! MARAMING MARAMING THANK YOU renz! di ko alam ang sasabihin ko, but thanks. i never thought of my blog or me as promising at nakakataba ng puso ang malamang may mga taong tulad mo na nakaka-appreciate ng blog ko, kaya maraming maraming salamat! :) and congrats din sa ibang nakatanggap ng awards. God bless! and keep blogging! ingats! :)

-batangG.

will be back soon... :D

Anonymous said...

wow.. sir mots idol...

Renz said...

@ate zyra yeah congrats sa atin lahat. nakaabot tayo ng 2010 sa blogging :]

@kuya ALX sorry kuya. Di ko na po kayo nagawan ng award. Pero taos puso din po akong nagpapasalamat sa inyo. Diba kuya na nga kita?

@batanggala WOW. nagcomment ka pa din kahit anonymous profile. Salamat. Balik ka na ha. Miss ko na kwento mo

@kikomaxxx yeah. galing niya nuh?

panjo said...

wow.. nakakatouch..(teary eye)

two years na akong kasama sa inaawardan mo.. yey!
sabay sabay tayong nagblog nina janine e.. hehe sana walang sasawa.

kunin ko to ha.. lagay ko sa blog ko..

mots said...

uy uy uy. aylabyu ahhaha salamat dito:)))

pinataba mo ang puso ko

Anonymous said...

Congratulations sa mga awardees mo. Happy New Year to all of you guys!

-Bienthoughts

The Pope said...

Maraming salamat Renz for the award, it was really touching. I have been so busy sa PEBA nitong mga nakaraang buwan, until now for the launching of PEBA 2011.

Isang hamon sa akin bilang blogista ang naipagkaloob mong karangalan sa Palipasan upang ako'y magpatuloy sa paglikha ng mga panulat na makakapagbigay inspirasyon sa nakararami.

Isang mapagpalang bagong taon sa iyo at sa buo mong pamilya.