Monday, December 20, 2010

Goodbye toys

Nag gegeneral cleaning kame ngayon at siyempre nalabas lahat ng mga gamit ko--simula siguro noong 5 years old pa ako. Nakita ko ulit yung mga laruan ko-- mga kotse at kung anu-ano pang mga laruan.

Nakakatuwang isipin na mahigit 10 years pa nung una kong nilaro yung mga laruan na yun at ngayon eh laruan pa rin sila. Nasa mabuti pa silang kondisyon. Pwedeng pwede pang laruin maghapon. Pero ako na mag-lalaro eh wala ng oras para sa kanila. Kaya nga sa pagdaan ng panahon eh nakalimutan ko na may mga laruan pala ako dati. Naiburo ko lang sila sa isang lalagyan. Hanggang makita ko ulit sila ngayon.

Nakakatuwang mag-reminisce ng mga times na nilalaro ko yung mga laruan na yun. Maghapon, dito sa bahay namin kasama ko ang mga kaibigan ko noon na ngayon eh chicks na ang laruan. Nakakatuwang isipin yung mga pagkakataon na nag-aagawan pa kami kung kanino ang laruan na yon etc.

16 taon na ako. Di naman na siguro tama na maglaro pa ako ng mga ganyan mag-hapon. Kaya kahit na nalungkot ako noong nalaman kong ipapamigay na yung mga laruan ko eh wala naman akong magagawa. Mas mabuti na yun kaysa itago lang sila sa ilalim ng kung anong taguan.

Isang plastic na pula. Doon ko sila itinabi saka ibinigay sa aking maliit ng pamangkin. Medyo mixed emotions talaga ako. Alam mo yung maluha-luha ka dahil kasama ng mga laruan mo na yun ang lahat ng ala-ala ng kabataan mo.

Pinakita ko sa kaniya yung mga laruan. "muel, ganito yan laruin. Tingnan mo itong train, ganito yan buuin. Magiging robbot yan. Eto yung favorite kong kotse. Ingatan mo yan ha."

Ngiting abot tenga ang naging sukli ng aking pamangkin sa mga regalong yun.

"Oh, anung sasabihin mo? babawiin ko yan."

"Thank You!" Sabay yakap at kiss sa akin.

Ok na siguro yan. Mas maganda dahil may maglalaro na ulit sa mga laruan na yun. Alam ko mas madaming saya ang masasaksihan ng mga laruan na yun.

Di na ako bata.
Paalam na sa mga laruan. Wala man ang mga laruan na naging kasama ko sa pag-laki, mananatili naman ang mga ala-ala.
Naiiyak ako. weird

9 comments:

Dhianz said...

kc may sentimental values... pero mas masaya kc mas may napasaya kang tao... oo nga nemen keysa alikabukin lang... at least may napangiti kang isang bata... nakapagbigay ka nang tuwa't saya... so'unz... ingatz... have a merry christmas in advance... Godbless!

Anonymous said...

wow nice one...

mots said...

parang yung toy story 3 heheh

Adang said...

ako wala na akong laruan na natatabi,di tumatagal, ngina ngat ngat ng aso lagi.

pusangkalye said...

I know its not comfortable saying goodbye to the things dear to us. but congratulations, because you know what it is called?----growing up.D:

Axl Powerhouse Network said...

ooh ang bait naman ni bunso hehehe....
oo tama kakamiss paglaruan yung mga toys ati no.. heheh :D

BatangGala said...

haaaay. isa pa nga...haaaay. parang kelan lang e no? ikaw pa yung naglalaro ng toys, tapos ngayon naipasa mo na sa iba? we're no longer kids na nga...anyway, for sure, kung anong saya ang naibigay sayo ng mga toys mo, yun din yung saya na na-share mo kay muel. :)

Renz said...

@dhianz salamat. saka di naman iba sakin yung pinagbigfyan ko

@kikomaxxx salamat sir :]

@mots uu nga po. Kaya nung napanood ko yung toy story naiyak din ako. Napakasentimental kong tao :]

@adang sayang naman po. hehe walang souvenirs ng childhood

@pusangkalye NICE. thanks sir. Grown up naba ako? hehe

@axl sabi nga po ni sir anton eh grow up :]
hehe

SA LAHAT
MERRY CHRISTMAS!

NoBenta said...

kung ako sayo, tinago ko yung mga original at medyo ayos pang mga laruan dahil magkakaroon ito ng value in the future. ako nga, nanghihinayang kapag nakakakita ng mga vintage na toys sa mga exhibits. sayang yung Teenage Mutant Ninja Turtles, G.I. Joe, GhostBusters, Matchbox, Voltes V, at WWF action figures ko! Libo na ang halaga!