Thursday, December 23, 2010

Happy Birthday JESUS!




Pasko2010

Sa pagsimoy ng malamig na hangin ng Disyembre

Aking unti-unting nadidiskubre
Pasko nga'y tila nag-aabang na
Waring sumusungaw na sa aming bintana.

Ang bilis, tila ito'y isang kidlat
dumarating na siya, kasimbilis ng kindat
Hatid niyang saya ay mararanasan nanaman
Anu kaya ang nasa kahong iyon? Nais ko nang malaman.

Sayawan, kantahan, kainan at kwentuhan
Samahan pa ng malalakas na halakhakan
Pagkatapos ay bigayan na ng regalo
Ang pinakamasaya sa lahat, wala ng makatatalo.

Iyan ang Paskong Pilipino
Ang pinakamasayang Celebrasyon, Aminin mo!
Kaya naman itong Blogerong ito
Ay bumabati sa inyo ng Maligayang Pasko!

Maligayang Kaarawan sa'yo O Jesus
Ang tagapagligtas ng mundo na ipinako sa Krus
Nang dahil sayo ay mayroong Pasko
Maraming Salamat sa Pakong iyong Regalo!

7 comments:

KikomaxXx said...

wow nice poem...

Adang said...

galing...maligayang pasko

Adang said...

maligayang pasko,,galing ng tula

Diamond R said...

galing.paskong pasko.
merry xmas

zeb said...

nice reflecting poem :D

goyo said...

Maligayang Pasko sa'yo RENZ!

at Maraming salamat sa pagbati sa aking ng kongratyulasyon.. :D

Renz said...

@kikomaxxx salamat po :]

@adang salamat po. Merry Christmas at happy New Year din po

@diamondR salamat :] hehe paskong pasko ba? haha

@zeb salamat bro!

@Goyo Happy New year ! :] hehe welcome bro!