Bisitahin ang page. Click mo ang SMILE
December 8, 2009, last year yun, nagsimula ang adbokasiyang ito. Ito ay isang advocacy ng co-blogger na si Mr. Charlie Montemayor o kilala sa tawag na LordCM.
Ngayon, December 8, 2010 na. Isang taon na ang nakalipas noong una akong maki-smile sa kanila kahit sa harap lamang ng monitor ng PC namin. Nakakatuwa. Nakakawala ng stress, ng lungkot. Naaalala ko pa nga nung mga panahon na yan eh super lungkot ko kasi nga basta. Secret na yun. basta SMP ako noong mga panahong yan. Ngayon, single man ako masaya pa rin naman.
Nabalitaan ko na mayroong SMILE PROJECT sila LordCM at sobrang nanghinayang ako dahil hindi pa ako pwedeng makatulong sa kanila dahil sa mga kadahilanang: nag-aaral pa lang ako at high school pa lang ako, malayo ang Bulacan sa Baguio, wala akong pamasahe, di ako papayagan kasi hindi nila alam na nagbloblog ako and joining this advocacy this time ay hindi pa napapanahon. Siguro soon.
Pero kahit na nandito lang ako sa amin sa Bulacan, hindi naman ako nabigong magpasmile ng mga tao ngayong araw, lalong higit yung mga bata na tinuturuan ko. Sa mga hindi po pala nakakaalam, teacher po ako tuwing Wednesday. Katekista po ako. Walang sweldo, walang subsidiya, estudyanteng guro lang.
Kanina sa klase namen, hindi na ako nag lesson. Nagkaroon na lang kami ng Mini-Party. Puro saya, sayaw, kanta, games at prizes. Sobrang natuwa ako sa mga maliliit na ngiti ng mga grade 1 na hawak ko. Sa simpleng mga kendi lang ay ang laki-laki na ng ngiti nila. Lahat ng bagay na binibigay ko sa kanila naaapreciate nila.
Sobrang natuwa lang ako sa sinabi ng isang bata, "Sana po maging teacher din po si kuya Louie kasi po para marami pa siyang maturuan at mapasayang mga bata". Yan ang mga salitang bumuo sa araw ko. Sa isang grade 1 na bata nagmula ang mga bagay na iyan.
Kung tutuusin mga kendi at stars lang ang naibigay ko sa mga batang yun. Wala akong ganong kadaming perang pambili ng mga bagay tulad ng mga damit at kung anu pang bagay na gusto nila. Gaya sana ng mga bata, matuto tayong i-appreciate lahat ng bagay na natatanggap natin. Matutong iappreciate ang lahat kahit sa isang SMILE lang.
Ngayong araw, mag smile tayo. Ngayong linggo, magsmile pa rin tayo. Ngayong buwan, sige smile lang. Buong taon, tara, smile tayo dahil wala ng mas gaganda sa mundong puno ng ngiti.
Happy Smile Day!
5 comments:
Salamat pre sa patuloy na suporta sa IMS, sana nga tuloy tuloy na to para lahat ng bata pwede na mag smile lage
Ang sarap ng pakiramdam kapag may napa smile ka diba? :)
HAPPY SMILE DAY renz! ayy, belated na pala. hihi:)) actually, ngayon pa lang ang smile day dito. haha:)) ako din gusto ko ang advocacy ng IMS, lalo na ang Project SMILE this year. and i salute you for making lil kids smile on your own way! kaya naman isang big SMILE para sayo! :DDD GBU :)
kahit siguro hindi celebration ng ISM isa pang magandang maibibigay natin sa mga bata ay ang Prayer, Prayer na hindi sila maabuso at magtagumapy sila sa mga bagay na gugustuhin nila :SMILE :D
renz! Malay mo balang araw makatulong dn tayo sa campaign na ito... Sa totoo lang nag smile din ako dito pero gusto ko pa talagang makatulong ng malaki pero hanggat dun pa lang ako makakatulong at sa pamamagitan ng pagdadasal.
@LCM sure na sure po na lage ako support sa IMS. Promise. Hehe. pag free na ako baka nga magjoin pa ako sa misyon :] hehe
@Batanggala smile din para sayo :] hehe. Ikaw din magpasmile ka din.
@zeb tama ka po. Sa lahat ng pagkakataon kelangan ng dasal :]
@halojin sa takdang panahon tayo na dion ang haharap sa mga batang yan :]
Post a Comment