Akalain mo, magsusulat nanaman ako ng last words para sa taong ito. Parang Kailan lang eh sinulat ko yung Last Words for 2009 ko tapos ngayong napalitan ng 2010 yung 2009. Ang bilis ng panahon talaga. Parang bawat araw na dumadaan ay isang kurap lang. Siguro dahil busy ako kaya parang ang bilis ng oras ko.
Kung susumahin, naging maayos naman ang taong
2010 sa akin. Ang taon na nagbukas sa akin ng maraming opportunidad lalung lalo na sa larangan ng pagsasalita. Ilang beses kasi akong nagemcee, nagtalumpati, ininterview, pinadala sa ibang school para makipagtalastasan. Inborn kasi akong madaldal. sabe ng nanay ko bata pa lang ako eh madaldal na ako. Aminado naman ako. Itong taon na to ang taon na nadevelop ko ang sarili ko sa larangang iyon.
Congratulate me. Hindi ako naging masyadong emosyunal ngayong taon. Siguro nung mga unang part lang. Aftershock lang yung ng 2009 nightmares ko. HEHE
Ngayong taon din na to, mas bumigat ang responsibilidad na inatang sa balikat ko. Officer ako sa isang school club. Sa community naman eh hawak ko pa ang south Bulacan Kids for Christ bilang Sector Kuya. Pero habang bumibigat yung mga trabahong nakaatang sa balikat ko, doon ko nakikilala yung mga kaibigang handang tulungan akong magbuhat. kaya kasabay ng mga responsibilidad na lumalawak ay ang pagkakaibigang lumalalim.
Kahit na mahina pa rin o masasabi kong wala pa rin akong stable na love life (dahil bata pa naman ako), masaya pa rin ang taon. Masaya makipagbonding sa mga kaibigan. Susulitin ko muna to bago magfocus sa iisang tao lang. (hindi bitter toh XD)
Last words for 2010?
Dear 2010,
Thanks sa napakalaking impact na ginawa mo sa buhay ko. Sa pamilya man, sa eskwelahan, social life, spiritual life at kung anu man sa life ko. Masasabi kong sa mga panahon na kasama kita eh medyo naging matured naman ako. Nakasaksi ka sa maraming paghihirap ko at kasama kitang magdiwang ng matapos ang mga iyon.
Ngayon, ilang oras na lang ay aalis ka na, darating na ang kapatid mong si 2011. Pakisabi naman sa kanya na maging mabait siya para a akin at sa pamilya ko. Tulad mo, sana maging maayos kaming magsama. Sana sa darating na 2011 eh lalo pa akong magmature. Pati sana looks ko ay magmature din. Yung poging pogi ba. HAHA
O cya, baka mahuli ka na sa party mo mamaya. Salamat ulit sa lahat
--RENZ
Sa lahat, Happy New Year! Salamat at naging parte kayo ng SULATKAMAYKO ngayon sa kanyang 17th month at ikalawang New Year Celebration.
PARTEH PARTEH!
2 comments:
akala ko parang tulad lang ng last entry ko for 2010, mahaba pala lolzz
happy new year sayo at sa lahat ng minamahal mo :)
weee.. happy new year din chong...
Post a Comment