Thursday, December 2, 2010

Last Field Trip for HS

It's been a while since I last updated my blog. Sorry for that. OMG ayoko na po umenglish. HEHE. yeah mga 1 week na din nagkanet pero 1 week din wala maiblog.

Anyways, since past na yun at ang mahalaga ay may kwento ako so ikwekwento ko
na nga. Eto na nga.

Last November 29, 2010, nagkaroon kami ng field trip sa school namin. It's no ordinary stories to be heard sa mga panahon ngayon dahil ngayon ay field trip season. Actually, normal trip lang naman talaga ito para sa amin mga tumatandang estudyante dahil madaming trips na rin ang nasamahan namin. Ang nagpaimportante lang dito eh dahil HULI na ito sa buhay namin bilang mga high school. Nakakalungkot nga kasi hindi pa lahat sa amin eh sumama. Ayus lang, we have retreat pa naman eh pero it's another story.

Ok. Pumunta ang school namin sa Subic, Zambales, ang pinakahot ngayon para pagdausan ng mga field trips. We went particularly sa Ocean Adventure, Zoobic Safari and Duty Free. (Alam niyo ba noong araw ng field trip namin eh doon mismo tumaya sa duty free yung nanalo ng lotto? TSK. Sana ako na lang hehe)

Back to story. Ang usapan sa school eh 5 o'clock daw ang alis and guess what, 5 am dumating ang mga bus. Pero ayos lang. We make the most of out time KODAKING ourselves sa madalim na gym ng school.
Here are some samples:



And then after that, nagstart na ang medyo mahabang byahe from Bulacan to Subic. Hindi naman naging boring ang aming byahe kasi napakakwela ng aming tour guide. Ang dami niyang trivias. Bawat madaanan eh may trivia. Tinanong ko nga siya kung hindi ba siya napapagod, hindi naman daw. Sa tingin ko kaya ko din mag daldal ng ganoong kadami/katagal since madaldal naman akong tao. (in a good way)

Sa Ocean Adventure, meron kaming 4 shows na napanood. Yung una yung sa Sea Lion Marine Patrol. Actually, pagpasok nung Sea Lion, naawa ako sa kanya. Parang pagod na pagod na kasi siya pero he never failed to impress me. Napakahusay na nilalang. Sea Lion na dumidila, nangkikiss, kumakaway at nageexhibition for the sake of a fish. TSK

Next naman eh yung Dolphin and Whales show. Yun naaliw lang din ako dahil isipin mo, mga dolphins naglalakad sa tubig. Ang cute nila. Parang si Dollie sila sa Agua Bendita. Tapos may show din na nagtratrapaulin sila something like that at yung last eh yung sa Jungle Survival.

After that, kumaen na kame ng lunch na provide ng Ocean Adventure then byahe na papunta sa Zoobic Safari.

Sa Safari, puro hayop lang naman din ang makikita mo. yung pinakaexciting na part na CLOSER ENCOUNTER kung saan nakasakay kayo sa jeep tapos hahabulin kayo ng Tiger eh naging boring sa amin. Di na kasi kami inallow na bumili ng pagkain pampahabol sa Tiger kasi over fed na daw yung mga Tigers kaya medyo boring. nakakapagod lang maglakad lakad sa zoo.

And the happiest moment is the bus ride. Super enjoy kami to the point na lahat kumakanta. Flash dito, flash doon. Parang wala ng susunod. Ay, wala na nga pala talagang kasunod yun. Maybe sa college pero that will be another story.
I really enjoyed the trip lalo na sa bus. At lalong naging enjoy pag naiisip ko na last na to. Next year siguro ibang field trip na ang ikukuwento ko.

5 comments:

J-O-Y-C-E said...

Aigoo. Last na nga. Ajujuju.

zebzeb said...

yay!! na miss ko tuloy mag field trip bigla.. :D

Anonymous said...

You enjoyed it, didn't you? Good shots! :]

BatangGala said...

ayossss!!!!!gusto ko ding makakita ng dolpinsss! :DDD may tanong lang ako renz,napansin ko lang kasi sa mga nakaraang post mo na may photo ka, para kang laging nakatingala? ayun, wala lang, kyuryus lang. :)

Renz said...

@joyce yeah. worth remembering :]

@zeb field trip na :] haha

@iprovoked i sure did :] Yeah thanks to my classmate. That's his shots :]

@batanggala, ang cute nila :]
haha yung sa tanong mo, ewan ko kasi pang nasanay akong nakachin-up. pero siguro yung mga napost kong pic dito nagkataon lang na angas effect yung pose ko doon.
Kahit man lang sana sa pic may angas :]]
haha JOKE