Tuesday, September 14, 2010

untitled

I blog to express. Not to impress.


wala lang. Wala kasi akong maisip na introduction para sa post na ito. naisip ko lang i-publish ang mga walang kwentang doodle poem na trip ko ngayong ipublish sa gitna ng usong-uso na dengue, sore eyes, at kung anu-anong sakit, pati sakit ng katawan pwede na rin. Sa gitna ng mga damong pinuputol ng maintenance sa school. Sa gitna ng lamesang pinagsulatan ko nito. Eto na, eto na, walang kokontra.

Pagkatapos niyo pala basahin kayo na magbigay ng title, wala akong maisip kasi napagtripan ko lang naman talaga ito isulat sa 5 minutes ng buhay ko XD.

Untitled

Buhay, O buhay
Punum-puno ka ng kulay
Kasiglahan mong taglay
Sagot sa aking pagtagulaylay

Puso, O puso
LAGI KANG NATUTUKSO
damdaming laging bumubugso
Puso ko, ikaw ay lumulukso

Tubig, O tubig
Buka ka ng aking bibig
Ikaw ang aking ibig
Ikaw ang buhay ko, O tubig

Bolpen na aking panulat
Ikaw sa akin ay nagmulat
Ikaw sa kanila'y gumulat
sa mga likha ko na ikaw ang pinanulat

Tama na nga itong kahangalan
gasgas na ang aking pangalan
ano nga ba ang inyong kasalanan?
nadawit pa kayo sa aking kahangalan.

Ang corny no, pero tulad nga ng nakalagay sa pinakataas, I Write to express, not to impress. Maimpress man kayo o hindi ayos lang.

(muka akong tanga ngayon. Sabog na sabog ako)


LORD LET ME SURPASS THESE

Related Posts:

  • Desisyon Naniniwala ako na ang buhay natin ay naka-ugat sa kung ano ang desisyon na ating binibitawan, maging ito man ay mabuti at masama. Minsan may pagsisisi pero wala naman tayong pwedeng gawin kung hindi ang panindigan ang ating … Read More
  • Wag kang mag-alala"Kailangang manalig sa bawat sigaw at bulong ng 'yong puso..." Sa taong nagdaan, masasabi kong madalas akong magdalawang isip sa mga desisyong aking binibitawan at sa mga bagay-bagay na aking ginagawa. Takot na din siguro an… Read More
  • Nang isang gabing ako'y naging isang makata.Hinahanap ko lang marahil ang isang pagkalinga na noon ko pa ninanais. Hindi ko alam kung nauukol na ba ang panahon. Ang alam ko lang ay masaya ako. Hindi maipinta ang aking mga ngiti. Ito ay dahil sa sayang dulot ng ma… Read More
  • Tumatakbo pero walang paaMay paa nga siguro ang oras. Ang bilis kasi nito tumakbo. Parang kailan lang hawak mo ito, ngayon ikaw na ang naghahabol dito. Totoo ngang hindi natin malalaman kung gaano na karaming oras ang nasasayang natin hanggang sa dum… Read More
  • Untitled101Hndi alam ang dahilan ng aking muling pagdalaw dito sa mundong naging aking sandigan noong mga nakakaraang mga buwan. Marahil dahil dinala lang ako dito ng aking mga kamay para magsulat ng kung ano man. Gusto ko ang magsulat… Read More

5 comments:

Allen said...

hahaha.. wla din ako maisip na title sir.. pero parehas tayo, to express, not to impress..hirap magisip ng title sa khit anong blog..haha

Allen said...

maganda yan sir.. gnyan din layunin ko..haha

wla din ako maisip na title jn eh..haha

Led said...

Pre, isa kang literary genius! Haha
Maganda yung tema ng tula mo. :)

krn said...

Puso, O puso
LAGI KANG NATUTUKSO
damdaming laging bumubugso
Puso ko, ikaw ay lumulukso

nakkksss. in lab si renz!
joke :)

Sendo said...

expresso blog ^^ hehe..ayos ^^