Sunday, September 26, 2010

Naalala niyo na?



Isang taon na ang nakalipas.

Ang bilis ng oras no?

Isang taon na rin nga talaga ang lumipas.


Tignan niyo:

Oh natandaan mo na ba?

OO, yan ang ang pananalasa ng bagyong Ondoy noong nakaraang taon, September 25, 2009 sa kamaynilaan at ilang mga karatig probinsiya.

Maswerte na siguro kaming maituturing dahil hindi namin naranasan ang gaya ng sa mga litrato sa taas. Muntik-muntikanan lang naman pero dahil mabait pa rin si God eh ayon, eto ako ngayon, isang taon ang nakalipas, tumitipa sa keyboard at nagku-kuwento sa inyo.

Pero alam niyo ba na kakaibang atake ang ginawa sa akin niyang Ondoy na iyan? Kung babalikan ang kwento ko noong isang taon, kasagsagan ng Ondoy nun at watak-watak ang pamilya namin. Wala ang tatay ko, sinundo ang nanay ko sa tawid ng tulay na binaha sa amin na kita mong ang wild ng ilog. Kala ko watak na pamilya ko noon, good thing magkakasama pa rin kami ngayon.

Naalala ko din sa bahay ng classmate ko ako inabutan ng Ondoy noon at medyo pinasok ng tubig ulan ang bahay nila. Mula kusina, CR, kainan at medyo umabot sa sala. So bago ako umuwi eh tinulungan ko sila pahupain ang daloy ng tubig sa loob ng bahay nila dahil wala din silang kasamang magkapatid noong.

Naalala ko din yung pauwi na ako para i-check ang bahay namin kung ok pa, hinabol pa ako ng baka sa shortcutan na talahibang dinaanan ko. Susme, adrenaline rush.

Naalala ko pa, naglalakd ako sa highway ng subdivision namin. May payong pero basam-basa pa rin ako, sumasabay sa agos ng mga ususerong sinasabi na lubog na yung tulay malapit sa amin.

Naalala ko pa, ikaw naaalala mo pa ba?

Inaalala ko din lahat ng mga namatay sa masaklap na bagyong iyon.

Sana di na ulit mangyari ang tulad noon sa future.

Related Posts:

  • Naalala niyo na?Isang taon na ang nakalipas. Ang bilis ng oras no?Isang taon na rin nga talaga ang lumipas.Tignan niyo:Oh natandaan mo na ba? OO, yan ang ang pananalasa ng bagyong Ondoy noong nakaraang taon, September 25, 2009 sa kamaynilaan… Read More
  • I'll always remember YOUI always knew this day would come...Ang bilis talaga ng panahon. Ilang araw na lang at matatapos na din ang lahat. Bilang na nga pati mga oras, mga segundo. Pati nga mga minuto kayang kaya na din bilangin. Alam ko naman, alam… Read More
  • Childhood CrushesActually, bata pa naman ako, 16 pa lang ako at next year pa ako magbibirthday pero ang tinutukoy ko sa title ng post na ito ay ang mga naging crush ko noong ako ay nasa elementary pa lang.Grade 1 pa lang ako nung una ako nagk… Read More
  • 1 month to go.July 4, 2009, yan ang date ng una kong post meaning to say magiisang taon na din pala ako sa industria ng pagsusulat at pangaaliw ng mga mambabasa na hindi ko sukat akalain na lolobo ang bilang niyo. Lubos kong ikinatutuwa (W… Read More
  • Goodbye toysNag gegeneral cleaning kame ngayon at siyempre nalabas lahat ng mga gamit ko--simula siguro noong 5 years old pa ako. Nakita ko ulit yung mga laruan ko-- mga kotse at kung anu-ano pang mga laruan.Nakakatuwang isipin na mahigi… Read More

5 comments:

MiDniGHt DriVer said...

Ondoy... isa kang bangungot!

Sendo said...

hindi ko man naranasan pero nakiramay ako sa mga kotseng lumulutang at tumatakbo mag isa ....^^ Philippines learned a lesson...I pray for this not to happen again...nakabangon na tayo and it's still through us to prevent this to happen again...

Sendo said...

hindi ko man naranasan pero nakiramay ako sa mga kotseng lumulutang at tumatakbo mag isa ....^^ Philippines learned a lesson...I pray for this not to happen again...nakabangon na tayo and it's still through us to prevent this to happen again...

Diamond R said...

ang mukha ng baha sa pinas. Malungkot.

Silver said...

Di ako nakanood nung Ondoy, walang cable :(