Saturday, September 4, 2010

Inconsistency

Ako yung tipo ng tao na gustong i-try lahat ng bagay--wag lang drugs at yosi. Ako yung tipo ng estudyante na bibong-bibo. Oo sige, sabihin na natin na ako yung tipo ng tao na mahangad or in other term eh gusto lahat maachieve. Tanggap ng tanggap ng opportunities, sometimes FAILED, tapos magmumukmok at magsisisi.

Opportunities knocks only once. Ikaw nga eh pag dumaan na, sunggab na. Baka di na babalik yun or kung bumalik man at makita mo man ulit, may iba na na nakahawak dito. Grab lang ng grab, hanggang kaya mo. Pero ngayon natuto ako sobrang hirap din ng grab ng grab ng mga opportunities.

I admit, Grab ako ng grab ng opportunity. Gusto ko naman kasi yung mga bagay na ginagawa ko na yun pero ang mahirap lang eh pag nagkasabay-sabay silang lahat, ewan ko ang hirap pumili. Ang sakit sa pakiramdam. (Emo lang konti :)) ). Ako kasi yung tao na medyo may pagkaperfectionist. Ayokong tumanggi kung maaari lang dahil sa tingin ko pag tumanggi ako, isa akong weak at walang kwentang tao. Nahihiya ako humindi. Yan ang isang factor kung kaya grab ako ng grab pero mas malaking percentage pa rin naman ang sincerity at desrire sa mga desisyon na iyon.

TIme Management. Yan ang magandang solusyon sa problemang iyan. Hatiin ang oras. Bigyang importansya ang bawat segundo na ilalaan sa isang bagay. Ang buhay sa mundo ay minsan lamang kaya dapat huwag sayangin diba?

Sa kabilang banda, medyo umayos na ang mga conflicts ng mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon bilang estudyante pero may feeling of failure pa rin akong nararamdaman kasi ewan.. Hindi maipaliwanag.

Tip ko lang: Mag-isip muna bago gumawa ng desisyon. Yun lang naman ang importante dito sa post na ito. :)

Have a nice day!

8 comments:

BatangGala said...

tama, agree ako, mag isip muna bago gumawa ng desisyon, wag padalos dalos, kasi, well, laging nasa huli pa rin ang pagsisisi. but on the other hand, go lang din ng go. as long as masaya ka sa ginagawa mo, at alam mong yun ang gusto mo. bottomline, at least, kung anu pa man ang mangyari, tama man o mali ang desisyon mo, maganda o panget man ang maging outcome, meron kang natutunan, na magagamit sa madami pang bagay na mangyayari sa life mo at least hindi mo hinayaang lumampas ang pagkakataon. :D

Led said...

Ako, gusto kong i-try mag drugs, tapos kapag adik na ako, gusto ko ring i-try ang rehap, tapos gusto kong magbagong buhay XD

Renz said...

@batanggala.. Isang malaking TAMA :)) hehe

@Led ay adik :)) haha lakas trip naman pag ganun. sayang ang oras XD

DRAKE said...

bata ka pa naman Renz, kaya subukan mo lang yung mga bagay na alam mong magdudulot sa iyo ng maganda.

Ngayon mas magandang maging responsable ka sa mga desisyon mo. Hindi man maganda ang kalabasan o maging failure man, pero tanggapin mo at matuto dito

ingat

bulakbolero.sg said...

may tama ka. kelangan pagisipan ang lahat ng bagay bago gawin. kaso mo. pag nasa realidad na tayo. minsan may mga times talaga na di na natin nagagawang magisip, kaya sa bandang huli napapasubo na tayo. ang mahalaga. kahit anu man ang pinasok natin sa buhay. kaya nating lusutan. :)

keep on rockin' man. \m/

kikilabotz said...

ok lng yan try and try habang bata ka pa. basta alam mong mag eenjoy ka at hindi makakasira sayo at sa iba. go lng..

go kid lagi k uminom ng milo ha? ^_^

Anonymous said...

Well...definitely I have some free time to educate myself. Time to get started in reading. Say thanks every person in advance for your useful information.

As for those who would need it, in my signature there is some interesting information about [url=http://newmoviereleasesdvd.info/]Watch Movies Online Free[/url].

Anonymous said...

nice... =)