Tuesday, September 21, 2010

Contest lang, walang personalan.

PAUNAWA
(Lahat po ng ideyang mababasa dito ay mula lang sa aking isip. Wala akong nabasa o narinig mula sa kalaban. Lalong higit, hindi ko sila sinisiraan. Nagsasabi lamang po ako ng nais kong sabihin. Hinihingi ko po ang inyong malawak na pang-unawa. Salamat)

Sa buhay ng pagsali sa mga patimpalak, may magagaling, may hindi. May mapanggulat, may normal lang. May praktisado, may nagkakalat. Higit sa lahat, may nananalo at natatatalo.

Ilang beses ko ba kailangan i-post ang ganitong klase ng blog entry? Paulit-ulit na lang ang nangyayari. Laging may aberya. Laging may nakakabangga. Laging may nagagalit. Kung hindi kami, sila. Ganun na ba talaga ang mga pinoy? Hindi na nakuntento sa resulta. Tulad na lang sa loob ng classroom, pag walang ginagawa nagagalit. Pag masyadong madaming ginagawa nagagalit pa rin. Siguro kaugalian na talaga yan ng mga Pinoy.

Ayaw ko na sanang magpost pa tungkol dito dahil alam ko maraming masasaktan, lalung-lalo na kayo (sorry po). Pero ayoko din naman na basta na lamang tanggapin lahat ng feedback na maaaring marinig ko at basta na lang dedmahin lahat iyon. Medyo unfair din naman para sa amin yun kung pagbabasihan ang freedom of speech namin.

Kung sa husay at koordinasyon at kung anumang kriterya na mauugnay sa galing, aaminin ko, bilib talaga ako sa kakayahan ng aming kalaban. Napakahusay ng pagkakagawa ng kanilang sayaw, mula sa entrance, sa pagtakbo, sa formation, sa BEAT at sa lahat. Hindi ko nga ineexpect na kami pa ang makapaguuwi ng papremyo noong araw na iyon dahil alam naman namin sa sarili namin na walang panama ang sarili naming production number sa kanila. Simple lang na ethnic dance ang samin with the touch of modern. Ni walang ka beat beat, ni walang gaanong audience impact na narinig, ni walang buhay ang audience habang sumasayaw kami.

Kung sasabihin man po ninyo na pinagbigyan dahil 4th yr na kami at paalis na kami sa school na yon, kung ito man talaga ang dahilan ng pagkapanalo namin, mas gugustuhin ko pa na huwag na lang manalo. Katulad ng kalaban namin, ilang linggo din kaming naghanda para sa laban na iyon. Ilang linggo na rin kaming nagtitiis tulad nila. Hindi naman po siguro tama na sabihing paalis na sila kaya pinagbibigyan. Masakit din sa loob namin dahil nageffort din kami pero alam ko na MAS nag effort kayo kaysa sa amin.

Lumaban kami dahil may kagustuhan kaming manalo pero hindi naman inaasam ang pinakataas o ang number 1. Gusto lang namin na enjoyin ang mga nalalabi pang araw namin sa eskwelahan. Kung nasaktan man po kayo sa naging desisyon ng mga hurado, eh hindi po ako humihingi ng tawad dahil wala naman kaming kinalaman sa pagkapanalo namin. Hindi ko rin sinisisi ang mga hurado sa nangyaring ito. Hayaan na natin sila. Ang mahalaga, nagperform kami, at nagenjoy kami. Wala ng sisihan. Tapos na. There's no other way but forward. Ika nga sa physics eh mag accelerate ka, or mag free fall ka downwards. Let's all learn from this.

7 comments:

R.A.L.S. said...

GOOD. :)

Led said...

Bitter sila. lol

Led said...

mga bitter sila. XD

bulakbolero.sg said...

renz, yung sinasabi mong lagi nalang galit at laging di natatanggap ang resulta di lang sya ugaling pinoy. In general nature na ng tao yun. hindi kase madaling makuntento ang isang tao. laging naghahanap ng ibang bagay.

Ms.Fat said...

you treated us as your opponent?...

Congratulations!

Ms.Fat said...

you treated us as your opponent?...

Congratulations!

Anonymous said...

hello! hindi mo ako kilala... aah... i just want to comment about this blog... i've heard this to ms. fat... she was your adviser before right? she was my student back in her college years...

agree ako sa sinabi mo about competition... may nananalo, may natatalo... and if we think that the decision id fair, let's just accept it...

i think it is not proper to say na hindi na kuntento ang mga pinoy...
being not satisfied is a nature of every individual whatever your race is...

and it is nature also of every individual not to accept the thing that he/she did not expect to happen...

the lesson here is, always expect the unexpected... anything is possible... analyze every possilibility...

thank you for giving me an opportunity to exercise my freedom of expression... - Ms. Mel