Friday, August 13, 2010

Alamat ng bloggerong si RENZ

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ba ako nahihilig sa blog na ito eh nung bata nmaman ako ay hindi ako ganoong kainteresado sa mga storya maliban na lang kung comics yan tulad ng pugad baboy o kahit ano man na comics. Sa isang taong paglalathala ng mga kwento na minsan ay walang kwenta dito sa blogosperyo naisip ko na may hilig na pala ako sa mga storya simula pa dati.

Grade three ako noong una akong nagtry gumawa ng mga kwento. Kwentong walang kwenta at puro kalokohan lamang. Ilan sa mga nagawa ko ay patungkol sa mga classmates ko tulad ng "Ang Alamat ng VIENNA Sausage" na patungkol sa classmate ko na si Vienna. Iba pa sa mga ginawa kong mga kwento ay "Tonton Maton" na tungkol sa classmate ko na si Anthony at ang pinakanakakatuwa sa lahat ay ang kwento hango sa adventure game namin sa school, "ANG ALAMAT NG MULAWIN" Sayang hindi ko na makita yung mga kopya ko neto ang saya sana ilagay dito sa blogosperyo yun.

Grade 4 ako nung na meet ko ang sulatin pangwakas at formal theme. Dito marahil nagsimula madeveleop ang aking hilig sa pagsusulat kahit hindi masyadong kagalingan eh atleast nagsusulat pa rin para matuwa at the same time makaentertain. Kinakareer ko noon ang bawat formal theme. Sinasaid ang tinta ng bolpen-- ganyan ko mailalarawan kung gaano ako kahayok magsulat noon kahit masakit sa kamay sige lang. Buti ngayon pa pindot-pindot na lang dito sa tapat ng pc.

3rd year High School, nagdecide na akong maggawa ng blog. Una kong blog ay isang private blog ng kaemohan ko, puro hinanakit. Naipost ko na naman ang isa dito sa blog pero sige i-popost ko na din yung iba kasi nga past is past na (kung may past :)) )

Ikaw na nagbabasa neto, sa tingin mo ba dapat ko pang ituloy ang paglalathala o itigil na lang? wala lang.. wala kasi akong maipost.. TSSS TIGANG na TIGANG ang blog ko ngayon.

Anyways I believe na balang araw eh mas magiging successful ako sa blogging career ko, makakabili ako ng sarili kong domain o malay natin makapaglathala ako ng mga libro :))

At dito na nagtatapos ang walang kwentang kwento :))
(nawala ako sa focus pagdating sa gitna kaya ang gara ng post ko ngayon :)) bawi na lang :)) )

3 comments:

Trainer Y said...

buti na lang hindi tayo naging magkaklase nung kabataan natn hahaha... baka nagawan mo ako ng alamat! yay! hahaha

napadaan lang

Trainer Y said...

kabataan ko pala... sorry hahahaha

**bumalik para sa corrections***

BatangGala said...

akala ko naman talagang maalamat talaga ang post na ito, yun pala, alamat ng walang maisulat. kadalasan ganyan din ang feeling ko, yung tanong na baket ba ko nagbablog? siguro dahil, dito ako nakakahanap ng satisfaction na di ko nahahanap sa paggawa ng ibang makakabuluhang bagay. haha! at dahil, tinanong mo na rin kung dapat mong ituloy, ewan ko, ikaw ang may blog, desisyon mo yan, hindi ng reader mo, basta ako, makikibasa,makikitawa, at makikisabay sa paminsan minsang pag-e-emo mo. hehe:)) at syempre, gaya neto, mag iiwan na naman ng napakahabang komento. ayun,haha. bye! :D