Sunday, August 15, 2010

Pananaw ukol sa Pag-ibig

LOVE is in the AIR, mapabata man o matanda lahat yan may sariling interpretasyon sa sinasabing LOVE. Eto ang isa, isang interpretasyon ng 4th year high school tungkol sa pag-ibig sa opposite sex. Sana magustuhan niyo yung tula ko. (eto yung pinasa ko sa filipino subject namin.)

Pananaw ukol sa Pag-ibig
-Louie Renz A. Sucaldito

Minsan sa punto ng ating mga buhay
ay may isang taong magbibigay kulay
ang taong magmamahal sa'yo ng tunay
at taong papawi ng 'yong pagkalumbay.

Sa Pag-ibig dapat tayo'y maging tapat
Magmahal ng tunay ay ang gawin dapat
Mga bituin sa langit ay di sasapat
sa pag-ibig ay walang makatatapat

Dagat pati lupa, lahat tatawirin
Gubat man o bundok, tiyak tatahakin
Lindol man o bagyo, lahat hahamakin
Ganyan ang pag-ibig, sadyang mapang-angkin.

Kaya pag-ibig 'wag nating sayangin
Pagmamahalan ay ating payabungin
Respeto't katapatan, dapat linangin
Madaming taon ang siyang bibilangin.

Sana po ay nagustuhan niyo :)


2 comments:

BatangGala said...

astig!! like!like!like! though, parang bitin lang ng konti. kung ako ang teacher mo, bibigyan kita ng A! haha:))

Anonymous said...

ganda naman,pahiram po :)