Friday, August 13, 2010

Alamat ng bloggerong si RENZ

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ba ako nahihilig sa blog na ito eh nung bata nmaman ako ay hindi ako ganoong kainteresado sa mga storya maliban na lang kung comics yan tulad ng pugad baboy o kahit ano man na comics. Sa isang taong paglalathala ng mga kwento na minsan ay walang kwenta dito sa blogosperyo naisip ko na may hilig na pala ako sa mga storya simula pa dati.

Grade three ako noong una akong nagtry gumawa ng mga kwento. Kwentong walang kwenta at puro kalokohan lamang. Ilan sa mga nagawa ko ay patungkol sa mga classmates ko tulad ng "Ang Alamat ng VIENNA Sausage" na patungkol sa classmate ko na si Vienna. Iba pa sa mga ginawa kong mga kwento ay "Tonton Maton" na tungkol sa classmate ko na si Anthony at ang pinakanakakatuwa sa lahat ay ang kwento hango sa adventure game namin sa school, "ANG ALAMAT NG MULAWIN" Sayang hindi ko na makita yung mga kopya ko neto ang saya sana ilagay dito sa blogosperyo yun.

Grade 4 ako nung na meet ko ang sulatin pangwakas at formal theme. Dito marahil nagsimula madeveleop ang aking hilig sa pagsusulat kahit hindi masyadong kagalingan eh atleast nagsusulat pa rin para matuwa at the same time makaentertain. Kinakareer ko noon ang bawat formal theme. Sinasaid ang tinta ng bolpen-- ganyan ko mailalarawan kung gaano ako kahayok magsulat noon kahit masakit sa kamay sige lang. Buti ngayon pa pindot-pindot na lang dito sa tapat ng pc.

3rd year High School, nagdecide na akong maggawa ng blog. Una kong blog ay isang private blog ng kaemohan ko, puro hinanakit. Naipost ko na naman ang isa dito sa blog pero sige i-popost ko na din yung iba kasi nga past is past na (kung may past :)) )

Ikaw na nagbabasa neto, sa tingin mo ba dapat ko pang ituloy ang paglalathala o itigil na lang? wala lang.. wala kasi akong maipost.. TSSS TIGANG na TIGANG ang blog ko ngayon.

Anyways I believe na balang araw eh mas magiging successful ako sa blogging career ko, makakabili ako ng sarili kong domain o malay natin makapaglathala ako ng mga libro :))

At dito na nagtatapos ang walang kwentang kwento :))
(nawala ako sa focus pagdating sa gitna kaya ang gara ng post ko ngayon :)) bawi na lang :)) )

Related Posts:

  • Nang isang gabing ako'y naging isang makata.Hinahanap ko lang marahil ang isang pagkalinga na noon ko pa ninanais. Hindi ko alam kung nauukol na ba ang panahon. Ang alam ko lang ay masaya ako. Hindi maipinta ang aking mga ngiti. Ito ay dahil sa sayang dulot ng ma… Read More
  • Wag kang mag-alala"Kailangang manalig sa bawat sigaw at bulong ng 'yong puso..." Sa taong nagdaan, masasabi kong madalas akong magdalawang isip sa mga desisyong aking binibitawan at sa mga bagay-bagay na aking ginagawa. Takot na din siguro an… Read More
  • Untitled101Hndi alam ang dahilan ng aking muling pagdalaw dito sa mundong naging aking sandigan noong mga nakakaraang mga buwan. Marahil dahil dinala lang ako dito ng aking mga kamay para magsulat ng kung ano man. Gusto ko ang magsulat… Read More
  • Desisyon Naniniwala ako na ang buhay natin ay naka-ugat sa kung ano ang desisyon na ating binibitawan, maging ito man ay mabuti at masama. Minsan may pagsisisi pero wala naman tayong pwedeng gawin kung hindi ang panindigan ang ating … Read More
  • Tumatakbo pero walang paaMay paa nga siguro ang oras. Ang bilis kasi nito tumakbo. Parang kailan lang hawak mo ito, ngayon ikaw na ang naghahabol dito. Totoo ngang hindi natin malalaman kung gaano na karaming oras ang nasasayang natin hanggang sa dum… Read More

3 comments:

Trainer Y said...

buti na lang hindi tayo naging magkaklase nung kabataan natn hahaha... baka nagawan mo ako ng alamat! yay! hahaha

napadaan lang

Trainer Y said...

kabataan ko pala... sorry hahahaha

**bumalik para sa corrections***

BatangGala said...

akala ko naman talagang maalamat talaga ang post na ito, yun pala, alamat ng walang maisulat. kadalasan ganyan din ang feeling ko, yung tanong na baket ba ko nagbablog? siguro dahil, dito ako nakakahanap ng satisfaction na di ko nahahanap sa paggawa ng ibang makakabuluhang bagay. haha! at dahil, tinanong mo na rin kung dapat mong ituloy, ewan ko, ikaw ang may blog, desisyon mo yan, hindi ng reader mo, basta ako, makikibasa,makikitawa, at makikisabay sa paminsan minsang pag-e-emo mo. hehe:)) at syempre, gaya neto, mag iiwan na naman ng napakahabang komento. ayun,haha. bye! :D