Unang araw ng Hulyo, eto na rin ang araw ng botohan para sa KANLUNGAN Student Body Organization ng school namin. Isang normal na araw para sa karamihan. Araw naman ng kaba para sa akin. Eto na ang araw na judgement kung talaga bang may tiwala pa sa kakayahan ko ang mga schoolmates ko. Umaga pa lang pawi sna ako. Oh my, momay, kabado ako habang nakahanay sa CAT namin at nakatikas pahinga :]
Alas otso ng umaga nagstart ang election. Unang bumoto ang section namin, particularly kaming mga boys. Tahimik akong magisang naglalakad papunta sa precint ng election at nagiisip kung paano kung matalo ako? Anu naman ang magagawa ko pa pag nanalo ako? At biglang sumigaw ang Board of inspectors sa di kalayuan. "DOUBLE TIME!" Naputol ang pagiisip ko.
Kumuha ako ng papel, humanap ng upuan, tumingin sa listahan ng mga iboboto sa harapan, tinanggal ang takip ng ballpen, medyo mga half a minute bago ako nakapagsulat. Drama nu, ewan ko ba iba ang takbo ng utak ko kanina, straight naman ang iboboto ko dahil loyal ako sa party ko, bakit nagiisip pa ako. Matapos isulat ang pangalan ng mga kapartido ko, kabilang ang akin, itinupi ang balota, nag thumb mark, hinulog sa ballot box, presto! Nakaboto na ako. Even though manual elections lang, di naman kasing gulo ng automated kung saan madaming tao. 10 lang ata kami dun sa loob ng presinto.
Clueless ako kung ano ang magiging resulta, even though may naririnig akong mga runors na mga panadalo DAW, ayoko muna mag jump into conclusions. May bukas pa, at bukas iaannounce ang mga panalo.
Sa mga mananalo, sana ay magampanan ng bawat isa ang mga gawain ng isang lider. Sa mga matatalo, nawa ay magampanan din ang tungkulin bilang miyembro ng organisasyon. Walang lider kung walang miyembro.
Para sa mga bumoto at nagtiwala sa kakayahan ko, salamat sa inyo. Sana manalo tayo. :]
Tugtug, tugtug LORD manalo, matalo, sana maging mabuting leader pa rin ako, hindi man sa buong school namin, kundi sa bawat galang ko :]
5 comments:
winar or losar... (talagang NAR ) :)) mahal ka pa din ng diyos haha lol
nga pla
kung cnu man ung
ung first year na tiga patatak ng chorva eh ubod ng sungit sarap ahitan ng kilay nang mano mano wahahahaha jowk lng :)) anyway :D pagdsal nalang nting manalo ka..binoto kita pramis..kahit sa president..jowk hahaha
good luck parekoy at sana ay manalo ka sa tinatahak mong landas!
goodluck tol. tama hindi mo kailangan manalo para gumawa ng ikauunlad ng isang grupo o ng isang klase o isang bansa
goodluck renz, i know you'll be a good leader! :)
@bhenipot haha ganun talaga..anyways yun din ang feedbacks ng karamihan. Si elinzano ata yun? hehe sungit ba talaga? di ko kasi napansin :))
@Nobenta salamat
@pablong pabling ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili. :] diba diba?
@batanggala salamat :] hehe
Post a Comment