
Ilang linggo ko na din plinano magpunta ng UP kasi medyo malapit-lapit na din ang UPCAT. Buti na lang naisingit sa hectic schedule ng artista ang pagbisita sa mga fans niya.
Pagdating sa gate ng UP (hindi main gate) ay natuwa naman ang inyong lingkod dahil first time kong gumala sa isang university kasama ang kaibigan at hindi ang mga magulang so balak ko na sanang halikan ang sahig ng UP, nahiya lang ako sa mga kasama ko. Sabi kasi ng mga matatanda, pag hinalikan mo daw ang sahig eh makakarating ka daw dun ulit--so ibig sabihin 5 years akong paulit-ulit na pupunta doon if ever na makapasa ako sa UP pero since makabago na ngayon, nakakahiya namang gawin yung mga ganung kasabihan diba.
Ang laki ng UP, pero kinaya naming maglakad ng halos kalahati ng UP para mahanap lang ang mga testing centers namin. Nakakapagod, di namin kinaya kaya sumakay na kami ng Jeep na UP IKOT. May jeep din daw na UP TOKI. (reverse daw ng ikot) pero hindi ko nakita ni isa sa mga jeep na UP TOKI. Nacurious lang ako. Since mga first timers kami sa UP at walang mapa, ay nagsabi na lang kami kay manong driver na ibaba kasi sa SOLAIR pero fail, nakalimutan ata ni manong at lumampas na kami sa SOLAIR. Ilang segundo din ang lumipas ng mag sink in sa utak ko na lumagpas na kami sa SOLAIR kasi nakita ko na yung sign board "UP SOLAIR". Bakit ganun yung utak ko ang slow, pagod na ata. At yun, bumaba kami at nilakad pabalik ang mga siguro ay 100 meters na sobra sa SOLAIR.
Napagusapan din namin habang kumakaen sa isang kainan sa loob ng UP, dahil nga sizzling ang kinbakaen namin, mahirap siguro mareincarnate bilang sizzling plate. Napakainit na nga ng trabaho mo, ang itim mo pa. Wala lang, resulta lang siguro iyan ng pagkapagod sa paglalakad-lakad.
Sabi din ng tatay ko dati, wag daw ako magaral sa UP. Iba daw kasi ang kultura sa UP. Baka daw mamaya mapilit ako magfrat at magoblation :)) pero di ko naman gagawin yun. Ngayon, convinced na siyana doon ako mag-aral if ever. Pinakamalapit kasi sa amin ang UP kaysa sa other choices ko for college (UST and MAPUA). Isang tricycle lang at jeep na hataw at pag magulo na ang buhok mo, nasa UP ka na noon.
Speaking of oblation, akala ko malaking super laki yung oblation na yun (yung rebulto) sa main gate ng UP. Ang liit lang pala. Ang itim pa :] Pero ewan ko, di ko makita kung ano ang simbolism nun. Maybe soon, pag nagaaral na ako sa UP. By the way UP Diliman po pala tinutukoy ko.
Eto po pala yung iba pang pics, if ever na type niyo lang tignan




Isa pang magada sa UP, eto :]

Ang cheesy nila noh, ganyan sa UP, freedon yan na tinatawag. Actually, hindi nila alam na pinicturan namin sila sa ganyang posisyon, at lalong lalo na hindi nila kami kilala. Anyways, kung makita man nila ito ok lang naman siguro diba? Mahal naman nila ang isa't isa :))
Anyways, Dito na nagtatapos ang kwentong UP ko :]
6 comments:
naks... magiging upian ka na, iskolar ng bayan. nase-sense ko na dyan ka nakadestined mag-aral ng college. hehe
wow, bigla kong na-miss ang college days. im sure magiging iskolar ka ng bayan!!
" Ok lang. cute naman ako :]" -->e di ikaw na kyut!nyahaha:)) joks lang! tangkad mo pala renz, penge naman, kahit mga tu inch lang.bwahaha:))) sana maka-pasa ka sa UP para sulit ang tiyaga mo. goodluck! wait, e ano nga ba ang sinasagisag ng oblation? siguro freedom... syeyr mo samin kapag nalaman mo na ha!hehe:)) okey, bye! :D
go go go go go UP..
Urggh!...Envious naman UP! Anyways TUP-V ako naggradwyt hopefully! At least may UP din sa name..hehehehe! Go Renz, kaya yan ah! Seems very challenging! Nerd cguro mostly dyan! ahehehe, pero I love to be nerd though! hahaha
@ate karen wahaha nasesense talaga ha :] sana nga.. ayy oo pala..
@Nobenta, salamat po. Hopefully
@batanggala haha kung pwede lang magpaheight transplant malamang pandak na ako ngayon.. :)) sige kwento ko dito pag nalaman ko
@kuya arvin..yeah go go go go g0
Post a Comment