tiktak tiktak...ang bilis ng oras, kanina lang eh inalarm ko ang aking cellphone para abangan ang takdang oras ng pagpatay sa mga ilaw. Pero eto ngayon, tapos na ang isang oras ng pakikiisa sa laban ng ating mundo sa global warming. Tama ba? Hindi ko kasi alam kung ano ang purpose ng pagpapatay ng ilaw. Ang tanging alam ko lang eh concern ako sa kalagayan ni Mother Earth.
8:00 pm, umalarm ang cp ko, ang aga pala ng alarm ko, 8:30 pa daw ang simula ng earth hour, naghintay lang ako at nag tumblr, ayun, inabangan ko talaga siya, para akong batang bumulalas ng "MOMMY 8:30 na papatayin ko na yung ilaw!"
Di naman ako ganung excited nuh? medyo lang. Second time na kasi namin itong gagawin, so ayun nga pinatay ko ang ilaw sa sala, kusina pati na rin ang ilaw sa poste sa tapat ng bahay (samin kasi nakakonekta)
Dumilim ang mundo, tanging ilaw lamang sa computer at tv ang nagbibigay liwanag sa buong bahay. Pati ang harapan namin ay madilim na. Pero pag tinignan mo yung mga kapitbahay namin, karamihan walang paki sa earth Hour, hala, may nagiinuman pa with matching videoke with lights na maliwanag, aba yung katapat naming bahay sinindihan yung ilaw nila sa laba, naiinis siguro bakit namin pinatay ang ilaw.
Lumabas ako ng bahay at naglakad sa street namin, bumili ako ng FUDGEE BAR :)) ayun may mga concern din naman pala, mabibilang lang, siguro mga hindi lalagpas ng 10 sa street namin ang nagpatay ng ilaw. Walang mga pakialam yung iba. Di ko sila masisisi. Anu ba ang makukuha nila sa pagpapatay ng ilaw sa isang oras? PERO eto ang tanong. ANO BA ANG MAWAWALA SAYO PAG PINATAY MO ANG ILAW SA LOOB NG ISANG ORAS?
Kung ayaw ng iba at kung hindi sila concern sa kalagayan ng Earth, pwes ako hindi. Concern ako at gagawin ko lahat ng magagawa ko para sa Earth.