Thursday, December 17, 2009

will you marry me?

"...If ever will you marry me?"

oo. Di kayo nagkakamali. Dahil sa epol apol na game namin at natalo ako yan ang consequence ko. Ewan q ba kung ano pumasok sa ulo nila at yan ang pinagawa sakin with matching holding hands sa kanya. Ayoko ng mga ganitong pagkakataon. Yung tipong napipilitan lang akong gawin ang mga bagy na ayaw ko ng gawin.

Maarte? oo yan ang sasabihin ng sinumang makakabasa neto ng hindi pa alam ang mga pinagdaanan ko. FYI, di na ako nageexpect. Ako na mismo ang gumagawa ng paraan para kalimutan siya. Kayo lang gumagawa ng paraan para paglapitin kami.

Sa ngayon tinuturing ko ang relasyon ko sa kanya bilang siko. Ako naman yung lips. Kahit gaano man kalapit kung titignan, di mo manlang masaling. Kahit anong gawin mo di mo abot. Sa huli ititigil mo na lang ang kagaguhang pinaggagagawa mo sa sarili mo.

I admit. Bitin ako. Sorry kung inconsistent ako sa mga sinasabe ko pero ewan ko ba. Iyon na siguro ang pinakamabagal na oras sa buhay ko. Mali eh pero ewan ko. Pag-ibig? Masakit pag nabigo. Yun lang masasabi ko.

"..I don't know if I still have the same feelings for you. Friends na nga lang ba ang turing ko sayo? oo, pero iba sa kanila. You're still special in your own unique way. Pero I know I have a limitation. I cannot touch you nor take a glimpse of your sweet face for a long period of time. Basta ang alam ko lang, ready ako sa lahat ng bagay. Tandaan mo yan"

Related Posts:

  • FlashbackMinsan may isang simpleng estudyante, pumapasok sa eskwelahan upang mag-aral. Walang alam sa buhay kundi magsumikap at mag-aral hanggang sa matutunan niyang magmahal. Ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa taong … Read More
  • Baliw ba ako?Naguusap-usap kaming magkakatabi sa upuan dahil wala pa naman kaming lessons at may aftershock pa ang buong class mula sa nakaraang bakasyon. Siyempre malalaki na kami, hindi na kaiba sa amin pagusapan ang tungkol sa love lif… Read More
  • SELOSSelos- isang salitang nagsasaad ng isang damdaming malungkot. Nararamdaman lamang ito ng isang taong TUNAY na nagmamahal.Maraming nagsasabing mahirap makaramdam ng selos- isa na ako sa mga taong iyan lalung-lalo na kung ang p… Read More
  • wala akong mai-taytelOO, may karapatan kang magtampo sakin dahil sa ginawa ko. OO, maling-mali ang ginawa ko, pero sana naman, wag mo akong isnobin kapag kakausapin kita. Gusto kitang kausapin, pero paano? umiiwas ka?Bestfriend pa naman kita, per… Read More
  • LuhaLuha---isang bagay na maaring magpayahag ng damdamin mapamasaya man o malungkot. Para sa ilan kagaya ko, ang luha ay mahalaga. Once na pinakawalan mo ang luha, hindi mo na ito maaaring maibalik sa mga mata mo. Ang luha ay isa… Read More

2 comments:

ANENG said...

ang emo ng post ah.. hhaa... hope she'll eventually read this.. haha

YANNiE said...

malandi ka.chelet!juk! Cx