Patapos na ang 2009, masasabi ko namang mediocre lang ang taong ito. Di ganun kasaya, Hindi ganun ka lungkot. Pero ang daming natutunan. Review ko nga muna mga nangyari nung 2009.
January 2009
-pasukan nanaman sa school. Lumbay ako nun kasi may hang-over ako ng Dec 2008. Medyo emo-emo ako nun kasi bagong heart beak. I mean unang Todo-todong heart break lalo na nung 1st month nila.
-nagsimulang magboom ang career ko sa pagsulat ng mga poems.
-medyo tinatamad na akong mag-aral
-umatend ng mga activities ng YFC para makalimot sa masakit na realidad.
February 2009
-Isa sa pinakamasayang buwan sa taong 2009. Lalong-lalo na nung 3 dahil naging bff kami ni J. Siyempre nabuhayan ako nun.
-First time ko umattend ng Valentines Party at dun nagenjoy ako ng sobra makipagsayaw sa mga babae :D
-Pinakamatension din dahil na hot seat ako sa class namin at siyempre buhay ang issue ko noon kay J kaya puro yon ang tinanong. There's one question pa nga na dumugo talaga ilong ko. Literally dumugo siya as in. Sa init na din kasi.
_masaya din ako dahil nalaman kong special ako para sa kanya nung na-hotseat siya.
March 2009
-Super sad ako dahil una nakalimutan ni J ang monthsarry namin as bff at nasayang ang effort ko sa paghahanda ng gift sa kanya na chocolate at sa huli ako na lang ang kumain.
-21 nagstop na kami bilang mag bff. Nakaabot na ata kay A ang hotseat na naganap sa room at nalaman niya ang lahat ng sagot ko kaya nagalit siya kay J at si J naman ay inistop ang aming friendship kasi di naman ako ang priority niya.
-Nagmukmok si ako at nasabik na magbakasyon para na din makalimot.
April 2009
-Buwan ng Birthday ko. Di ko feel gaano yung birthday ko kasi as usual wala namang ginagawa sa araw na yon.
-nagbasa ng madaming txt greetings at ewan ko dahil nabigyan naman ng ngiti ang mga labi ko nung nakita ko yung txt nea kahit simpleng Happy Birthday lang.
May 2009
- nagpakauber busy sa mga activities ng YFC at nagenjoy naman. Nakalimutan ang problema at naging neutral ang lahat. Sa month na toh nagsimula akong bumangon mula sa kinasadlakan.
June 2009
-Pasukan nanaman. 3rd yr na kami. Nakita ko ulit siya at classmates ulit kaami. Di ko muna siya kinikibo dahil may sakit pa rin akong nararamdaman noon.
July 2009
-Medyo nagkakaroon ako ng crush sa ibang babae. Simula na ba yon ng paglimot ko kay J? pero sa huli napagtanto ko na infatuation lang yon kasi nawala lang bigla.
August 2009
-inaliw ang sarili sa mga kaibigan at tuwangtuwa naman ako dahil dumami ang ka close ko.
-neutral pa rin. Dedma to the highest level ika nga.
September 2009
-Birthday ng Bestfriend ko. Nangtreat siya ng sine at FIRST TIME KO MAGLARO NG DOTA sa tanang buhay ko. :D Di ko inakalang malalaro ko din yun dahil ayoko talaga. Nakisama lang ako at ayun nagenjoy naman.
-Family day din sa school. Naasar ako dahil sa magulang ng isa kong classmate na epal.
-Nawala din si moymoy--yung pusa ko pero nahanap din :D
October 2009
-Isang buwang nagdadasal ng rosary hays.
-nagkasakit ako ng bongga kaya umabsent ako hanggang mag sem break.
November 2009
-Pasukan ulit after sembreak at magkatabi kami sa upuan. tae ayoko na nga sanag balikan ang nakaraan pero ayun parang isang araw lang ang nakalipas mula ng masayang kahapon at muli nanaman akong bumagsak mula sa pag mo-move on. Di ko napigilan ang sarili ko na matuwa dahil bumalik ang aming friendship at nageenjoy naman ako nun.
-Naging madrama ang pagtatapos ng buwan dahil sa isang issue. Di ko na sasabihin at dahil dun nalugmok ulit ako. Naiblog ko na ata yun.
December 2009
-may kausap akong classmate at naitanong ko kung ayos na ba yung issue at sinabi niyang oo. Di ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Tumawa na lang ako.
-Anniv nila. Di ako nag greet dahil nakikiramdam lang ako sa kaniya. Muakng di naman siya masaya so sad din ako para sa kanya.
-Christmas party--masaya pero tension nung hapon dahil sa camp.
-PINAKAMASAYANG PASKO ng buhay ko. Ang kwento sa post bago ito.
So ewan ko kung ano bang importanteng nagyari sa taong ito. Wala lang. Naisip ko ang bili ng panahon. 2010 na. Ano kaya ang magiging buhay ko next yr.
Sana ok naman. Ayoko na malungkot pero wala akong magagawa kasi hindi naman pedeng laging malungkot.
So greet ko na lang kayo ng
HAPPY NEW YEAR
Review sa Taong 2009
Related Posts:
- 1 month to go.July 4, 2009, yan ang date ng una kong post meaning to say magiisang taon na din pala ako sa industria ng pagsusulat at pangaaliw ng mga mambabasa na hindi ko sukat akalain na lolobo ang bilang niyo. Lubos kong ikinatutuwa (W… Read More
- Review sa Taong 2009Patapos na ang 2009, masasabi ko namang mediocre lang ang taong ito. Di ganun kasaya, Hindi ganun ka lungkot. Pero ang daming natutunan. Review ko nga muna mga nangyari nung 2009.January 2009-pasukan nanaman sa school. Lumbay… Read More
- Blognibersaryo uno :]June of 2009, nagsign up ako sa blogger for a purpose of having such account at dahil na rin sa pinapasearch sa amin na dito ko lang sa blogger nahanap. If I am not mistaken Anatomy of a Filipino yon. After ko masearch yon, f… Read More
- Awards para sa inyo :DDahil patapos na ang 2009 may handog ang munting bloggero para sa mga natatanging blogs na talaga namang ikinatuwa ko ang pagsubaybay. Naghanda ako ng mga ilang awards para sa inyo.Para naman sa mga hindi mabibigyan, sorry na… Read More
- Last Words for 2009Dahil patapos na ang 2009, siyempre may last words ako diba. I just want to share this quote na talaga namang naispire ako ng todo-todo.Without the rain......there can be no RainbowShort but meaningful quote. Na-realize ko la… Read More
1 comments:
nakanaks..talambuhay
Post a Comment