Sunday, December 6, 2009

Mga alaala ng nakaraan.

Pumasok ako sa aming classroom, nakangiti. Bitbit ang aking gamit, umupo ako sa aking upuan. Lumingon lingon hanggang makita ko siya. Nagsusuklay ng biglang mapatingin sa akin. Agad kong binawi ang tingin. Nahihiya ako sa kanya, pero ewan ko kung bakit.

Araw-araw ganito ang nangyayari. Hanggang sa nahulog na paunti-unti ang loob ko sa kanya. Nagsumikap akong kausapin siya, at maging kaibigan niya. Naging matagumpay naman ako.

Sa unang pagkakataon, nahawakan ko ang kamay niya. Ang malililiit at maiinit na kamay na bago sa lang sa aking pakiramdam. Napakasaya ng pakiramdam. Hawak ko ang kamay ng babaeng gusto ko. Wala pa noong malisya sa kanya. Parang nagbibiruan lang kami.

Masaya ring makatabi siya sa misa. Lalo na kapag ama namin na. Mahahawakan ko na ulit ang mga kamay niya. Hay... ang bagal ng oras. Ayaw ko matapos ang kanta. Kahit sampung beses pa akong kumanta huwag lang magkabitaw ang mga kamay namin. Pero hindi maaari.

Itinago ko sa sarili ang nararamdamang paghanga. Hanggang sa dumating ang oras na nalaman niya ito. Nailang na siya. Nawasak ang pagkakaibigan. Napupuno ng malis
ya ang bawat galaw na ginagawa ko. Wala akong magawa kundi ang lumayo.

Hindi ko na narereceive ang mga text niya, pati mga GM niya. Wala na. Sira na ang pagkakaibigan.

Minsan dumating rin ang balitang sobrang napakasakit. Ang malamang mayroon na siyang bf. Ang saklap ng pakiramdam. Isang malamig na pasko. Bumaha ng luha sa aking mundo.

Sa bawat araw na nagdaraan, lalo akong nasasaktan. Lalung lalo na
nung mag isang buwan sila. Ang hirap ng pakiramdam. Isang buwan na pala akong wasak. Pero muli kaming naging magkaibigan. Naging close at nagbalik ang pagkukulitan.

Nagbibigay saya na ulit sa akin ang mga text niya. Nagbibigay lakas ang mga ngiti niya. Nagbibigay ng dahilan upang mabuhay pa. Pero lahat ng kasiyahang ito ay nauwi rin sa pagluha.

Buhay nga naman. Parang rollercoaster. Nasadlak nanaman ako sa kalungkutan.

Nagbakasyon na, di ko man siya nakikita, araw-gabi naman siyang nasa isip ko. Inaalala ang mga bagay na ayaw kong matapos. Ang mainit niyang kamay. Ang maliit niyang boses. Ang cute niyang ngiti. Nakakamiss.

Panibagong taon na. Third year na ako. Nagpakatatag ako. Pumasok ako sa silid ng taas noo. Wari'y di ko siya nakikita. Magkaklase nga kame pero parang di naman kami nagkakakitaan. Ayoko ng maulit ang mga sakit na nararamdaman hanggang sa maglaro ang tadhana.


Naging magkatabi kami sa upuan. Ayaw man ng isip ko, tuwang-tuwa naman ang puso ko. Bumigay nanaman ako. Napamahal nanaman ako sa kanya. Di ko kinaya ang magpigil ng damdamin. Naging close kami muli. Ang saya.

Dumating naman ang panibagong balita ng break up nila. Nalulungkot ako pag nakikita ko siyang nalulungkot at umiiyak. Wala naman akong magagawa kundi ang titigan siya, at kapag magisa na ay patutuluin ang luha at maglalabas ng sama ng loob sa aking bolpen at doodle notebook.

Pero di maipaliwanag ang naramdaman ko ng malamang nagkabal
ikan sila. Masaya ba ako o hindi? Babatiin ko ba sila? magiging masaya na sila ulit. At ako babalik nanaman sa normal kong buhay.

Pasulyap-sulyap, nagiisip at binabaon sa puso ang masayang alaala kasama niya.

Ngayon, kung ano man ang mangyayari, hindi ko alam. Sana matapos na ang sakit na nararamdaman. Pero mukhang hindi pa matatapos itong sakit.

Isang taon mahigit na, at isa nanamang MALAMIG na pasko.

8 comments:

Anonymous said...

yiee oh reminiscing the memories haha :))) sixteen?? waa waaa hahaha :))

BatangGala said...

Waaah!! imo mowd b renz?:(( ok lang yan,layp gows on,siguro hindi kayo para sa isa't isa malay mo merong iba dyan na mas karapat dapat para sa pagmamahal mo..o kaya naman siguro hindi pa ito ang rayt taym para senyong dalawa...chir ap! Kaya mo yan.. Madami pang bagay sa mundo na mas makakapagpasaya sayo,tumingin ka lang sa paligid baka dimo lang napapansin... At Krismas is por joy! Yun... GBU!:)

YANNiE said...

uweng??? i lurb you for that.. ang emo mo. Cx
lurb you seatmate:D

Renz said...

@ venz.. hanggang alaala na lang haha :D

@ batanggala. Tnx sa mga payo mo. Muaa

@yan.. D ako emo. haha expressive lang ako! (Kay chicken atang motto toh eh..? Hmmm)

Anonymous said...

hanggang alaala nlng ??hehe and about dun sa comment mo sa isa qng entry
ung mabilis manligaw factor..
wew

nantritrip lng un
nagkalat ang landi flu :)) sa mundong ibabaw

Renz said...

@venz. ala-ala na lang sandigan ko XD

pstt nga pala bakit the emo blog? :))

Anonymous said...

i love reminiscing specially on the good memories that will never seem to happen again.. hehe. (emo?) LOL. keep up the good work. got twitter?

Renz said...

@ geb0i thanks a lot. Yes I have twitter