Saturday, November 7, 2009

Tutut. Tutut. Tumunog ang cellphone ko.

Obviously, Ang blog ko ngayon ay may kaugnayan sa isang message na natanggap ko makailang minuto pa lang ang nakakaraan. Dahil doon, nakabuo nanaman ako ng isang idea para sa blog entry ko na toh. By the way pala, salamat sa mga tagabasa.

Ganito ang storya. Dahil nga nagkasakit ako at umabsent sa klase ay di ko alam na nagbago pala kami ng seating arrangement. Ang ayos pa ng upuan ay yung mga iniissue sa room kahit na alam na nga nilang past na eh ganun pa rin ang ginagawang pagkokonekta sa dalawang magkaibang buhay. Siyempre di ako nakaligtas sa ganitong sistema. Pilit inuungkat ang nakaraan. (kung may nakaraan nga).

Fine. Eto na yun wala akong magagawa kundi maging seatmate niya. Pero ok lang, we're friends at hanggang dun na lang yon. Sana. Mahirap kasi yung paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Masasaktan, masasaktan, at masasaktan pa rin. Pero sabi nga sa kowt na to na nabasa ko ng tumunog ang cellphone ko "Why do we have repeated experiences?.....It is because repeated experiences ha
ve one aim......to teach the things you refuse to learn" Awts. Kung meron man akong lesson na namiss mula sa experience ko nung nakaraan ano?

Feeling ko tapos na yung mga araw na yun kung saan di maiiwasan ang lumuha. Nakamove on na ako at kung ano man yung lesson na sinasabi sa kowt na yan, handa akong matutunan para lang matapos na ang lahat.

Ayoko na.

Related Posts:

  • 6 tulogLinggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes. Kung tutuusin isang linggo na lang at magtatapos na ang klase. Ang bilis. Isang taon nanaman pala ang lumipas. 10 buwan ng pagaaral, 10 buwan ng pagtitiis, 10 buwan ng pag… Read More
  • Beep OncePutek! Delayed messages nanaman ngayon. Kung hindi lang dahil sa nagiisang babae sa buhay ko eh malamang nagpalit na ako ng sim card syempre powered by other network. Lagi na lang kasing ganito. Ilang oras walang magtetext at… Read More
  • Mga alaala ng nakaraan.Pumasok ako sa aming classroom, nakangiti. Bitbit ang aking gamit, umupo ako sa aking upuan. Lumingon lingon hanggang makita ko siya. Nagsusuklay ng biglang mapatingin sa akin. Agad kong binawi ang tingin. Nahihiya ako sa kan… Read More
  • Last Day for the school year 2009-2010This day, halo-halong emusyon ng saya, kaba at pagkadismaya ang naramdaman ko. This is the final day of the school year. 10 months of studying is over pero MAY TWIST. Ngayong araw din kasi ang pinakaaabangan at pinaghandaang … Read More
  • DraftMeeting you is the best thing that ever happened to my life. Meeting an angel who just came from heaven, goddess of beauty and perfection. Carrying with you, your killer smiles, tantalizing eyes, cute voice and everything cha… Read More

6 comments:

ANENG said...

emo ka boy. hahaha

fiel-kun said...

awww... buhay pag-ibig nga naman ng mga kabataan ^_^

nice ng quote na natanggap mo ah... pati ako medyo tinamaan dun lols.

Move on na lang dude!

Renz said...

@aneng ganyan talaga XD

@fiel-kun ok lang yan.kaya mo din yan :D

Anonymous said...

dapat kasi talaga nagmo-move on e..
kaso mahirap un kung may feelings ka pa for the other..

astig yung kowts.. hahaha..
me nareceive din akong kowt na umakma sa sitwasyon ko...
dahil dun, nagpalit ako ng number... wahahahah

Renz said...

@rwetha oo nga ehh hirap mag move on isang taon na mahigit d parin nakakamove on. :D

Grabe naman nagpalit ka ng number? hehe

Anonymous said...

haha.nyc one lui. inspired? wushu. aun. nyc blog:]