Friday, November 27, 2009

Iba't ibang kwento.

Haist. Sakit ng buo kong katawan at masyado akong napagod sa cheerdance na yan kaya pati utak ko wala ng laman para magpost ng siang makabuluhang blog entry. Di bale. Nagbalik na ako habang sumisinghot ng kantiko with matching bread sticks.

Teka, wala naman akong maikwentong iba. Siguro eto na lang.

*****
Yes malapit na akong maglevel up sa farmville Xd mag 37 na ako (share lang)

ayt mali.

Di pala yan kwento ko.

let's be serious aha.

*****
Ganito yon. Record breaking na araw, Nov. 25, 2009. Waw super gulo ng isipan ko dahil don nag emotional breakdown ako in short d ko na kinaya kaya napaluha na lang ako.

Waaa nakakahiya kayang umiyak pero wala naman akong magawa dahil mixed emotions na yung naguumapaw sa dibdib ko nun kaya ayun, di gumana yung maskara na humaharang sa muka ko.

Masyado kasi akong naging MARTIR. Asa pa kasi ng asa wala namang dapat asahan. Kahit nangyari na yun, d ko alam kung sumaya ba ako. Mas lalo akong nalungkot.

*****
Eto pa.
dahil wala naman akong mapagtripang matino, bibigyan ko na lang kayo ng lesson na nakuha ko sa cheering namin.

Sa cheering di mawawala yung mga stunts esp. yung mga pyramid etc. at mga tumbling tumbling na kung ano-ano. Sa una d ko talaga kaya ang tumambling huhu.. kahit eggroll lang. Di naman kasi ako tinuruan ng aking ma't ina na tumambling pero dahil kailangan ayun, nagkapasa na ako at nanakit ang katawan but in the end mejo natuto naman ako :D

Lesson: Di lahat ng bagay alam na natin sa simula. May mga bagay na kailangan din nating matutunan---tulad ng masaktan, para makamit ang inaasamasam na tagumpay. Wag sumuko. lalaban tayo!

Ang pag-iyak ay di nangangahulugan ng kahinaan. Ito ay nangangahulugang katapangan dahil hindi ka nahiyang ilabas ang tunay mong nararamdaman

****
ayun memapost lang :D
Enge nalang motivation through comments :D

renz~
shit maintenance countrystory XD

Related Posts:

  • Coffee BreakOh mga ate, mga kuya, lolo, lola, tito, tita pinsan at buong angkan. Magkape na tayo!Actually di naman talaga ako mahilig sa kape kasi hindi ako sinanay ng mga magulang ko magkape ever since bata pa ako pero umiinom din naman… Read More
  • Alamat ng bloggerong si RENZHindi ko talaga lubos maisip kung bakit ba ako nahihilig sa blog na ito eh nung bata nmaman ako ay hindi ako ganoong kainteresado sa mga storya maliban na lang kung comics yan tulad ng pugad baboy o kahit ano man na comics. S… Read More
  • Ang babaeng mukang lalake XDNacurious ba kayo sa title, pwes, kung inaakala ninyo na tungkol sa hermaphrodite ang post na ito, medyo mali lang kayo ng slight. Slight lang naman XD. May ipapakilala ulit ako sa inyo na isang taong malapit sa puso ko. Hind… Read More
  • RandomTulad nga ng nabasa ninyo sa title, random post lang naman to sa kung ano lang. Sabe ko pa namanb sa sarili ko, ngayong 2011 eh dapat maysense na akong magblog kasi malaki na ako. Pero nahihirapan pa rin akong magcompose ng i… Read More
  • Day 1 : Tungkol daw sakinBABALA: Kung nauumay ka na sa litrato sa taas at ayaw mo na talaga magbasa dahil nauumay ka na, maaari lang ay isarado na ang tab :))*Babawi ako ng posts ngayon weekend eh, busy nanaman ako sa weekdays.Ayon sa module, ahm let… Read More

4 comments:

eleanor said...

Cool marunong kapalang mag cheer dance ganon ako nong high school nakaka miss nman ang gulo gulo namin before para makapag formation at makasayaw at makakanta.

2ngaw said...

Wag ka mag alala pre, ako rin, lalo ngayon mas madalas pag naglalabas ako ng problema sa barkada ko, waaah, di ko napapansin na nangingilid na luha ko :)

Glampinoy said...

Ang ayaw daw umiyak nabubuang kasi hindi nailalbas ang nasasalob.

Kaya sige na, iyakkkk...

Anonymous said...

hello din renz!^_^

ur welcome..anyweiz..nice blog huh..

thanks!